Royalty's POV.
Nakangiti itong lumapit sa direksiyon nina Maddox pero ganu'n na lang gulat ko ng ilahad niya ang kamay niya SA AKIN MISMO! Ki-Kilala niya a-ak--
"It's nice to see you again Royalty"halos manindig ang balahibo
sa sinabing iyon ni Eli. To-Totoo ba ito? Parang kahapon lang ay iniisip ko kung ayos siya at ngayon heto siya. May disiplinadong tindig, makisig na porma at higit sa lahat malinis na siya at hindi madungis.
Hindi ko napigilan ang luha ko sa mga sumunod na asignatura hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.
"Royalty, kausapin mo naman ako. Akala ko ba bestfriends tayo?"nanatili akong walang imik habang nililigpit ang gamit ko.
"Royalty hintayin na kita sa labas ah."paalam ni Marcos tumango ako at nilingon si Eli pati na sina Maddox.
"All this time magkakakilala pala kayong apat. What an amazing incident. At talagang dito pa ah? Isang Quroiv na tinulungan ng isang TAONG UMALIS AT NANG-IWAN NG WALANG PAALAM? Magkaibigan nga."sagot ko at tumalikod sa kanilang apat.
"Napakadami mo talagang ikukwento sa akin Royalty ah."sabi pa ni Marcos.
--
"Ano?! So ibig mong sabihin, si Eli at ang Eli na marungis na bata noon ay iisa? Eh bakit kilala nila si Maddox? Anong meron sa apat na iyon pati sa'yo?"natigilan ako. Hindi nga pala alam ni Marcos na isa akong Valks. Tsk kainis!
"Oo, siya si Eli."
"Eh paano siya yumaman?!"tanong pa niya. Napairap ako.
"Siguro dahil ni Maddox? Ewan, ang gulo mo naman kasi ang dami mong tanong!"atungal ko. Naramdaman ko ang pagsipa ni Marcos sa paa ko kaya naman napalingon ako sa kanya, inginunguso niya ang isang direksyon at doon ko nakita ang grupo Althea kasama si Jenny.
Tsk, mean girls ng Everest University.
"So what do we have here? Dating eh?"rinig kong sabi ng papalapit na si Althea. Nilingon ko si Jenny na sa ngayon ay may suot na maikling palda na pang cheering squad at nakatungo habang nilalaro laro ang pompoms.
Napapitlag ako ng may umapak sa mismong sapatos ko. Nakita ko ang takong ni Althea sa ibabaw ng paa ko, masakit iyon sa totoo lang pero kailangan kong kumalma dahil pag nagkataon ako ang magmumukhang masama.
"You're Jenny's bestfriend right?"hindi ko alam pero napalingon ako sa gawi nina Maddox na sa ngayon ay nakatayo at kunot noong nakatingin sa direksyon ko.
"Sagot!"mas lalo niyang diniinan ang pagtapak sa paa ko. Kapag nagsugat 'to mas matindi pa dito ang magagawa ko.
"Ex bestfriend, correction."mapaklang sagot ko at nilingon si Jenny na sa ngayon ay masama na ang tingin sa akin. Ngumisi ako dahilan para mas lalong mabuo ang tensyon.
Malakas kong tinanggal ang paa ko sa pagkakatapak ni Althea at iginalaw galaw pa. Maling salita at kilos mo lang Althea, bibingo ka sa akin.
"Ikaw daw ang nagpakulong kina Ikov at Ybo, tama ba?"tanong niya. Nagpamewang ito sa unahan ko, kita ko na rin ang pagkukumpulan ng mga tao.
"Oo, pero baka mapalaya ko na rin sila dahil parang wala din naman yun sa taong tinulungan ko eh. Butil lang ng bigas para sa kanya ang bagay na yun, diba Jenny?"nang-aasar na tanong ko.
"Sabi na nga ba't isusumbat mo din sa akin ang bagay na iyan! Hindi ko hiningi ang tulong mo Royalty--"
"Kaya nga nagkusa ako Jenny. Dahil alam ko na mawawalan kayo ng laban kaya isinugal ko kung ano ang alas na meron ako para maikulong ang mga bumugbog sa'yo. At yun ang pinakahuling katangahan na gagawin ko."sagot ko.
"So dramatic!"naramdaman ko na lang ang malamig na likidong umaagos mula ulo hanggang aking balikat papuntang paa.
"Royalty!"nagulat ako sa biglaang paghila sa akin ng isang pamilyar na tao. I thought it was Maddox pero si Eli ang humila sa akin.
Ramdam ko na ang rumaragasang galit sa puso ko, ngayon may dahilan na ako para manakit at gumanti sa taong wala namang kaalam alam. Mabilis at malakas kong inapakan ang paa ni Althea dahilan para sumigaw ito at umiyak sa sakit ng pagtapak ko sa paa niya.
"Aaaah! Ouch! It hurts!"atungal nito at napaupo. Lahat ng tao ay nagreact sa nangyari. Hindi ako magiging Valks kung hindi ako lumalaban.
'Oh no'
'Hala, pirat yung daliri.'
'Nadugo...'
Sari-saring bulungan ang napapakinggan ko, saglit kong nilingon si Jenny na sa ngayon ay nakatulala sa kasamang babae. That's just a warning.
--
"Paano kayo nagkakilala ni Eli?"tanong ni Maddox at naupo pa. Nanatili akong tahimik habang si Eli naman ay pinupunasan ang basa kong buhok. Naligo lang naman ako sa girls cr, ang lupet right?
"Since grade school magkakilala na kami. Siya ang kinukwento ko sayo Mad."sagot pa ni Eli sa bandang likuran ko.
"H-How?!"si Maddox.
"Sabihin na nating naging mabait siya sa akin, hindi siya nagdalawang isip na ibigay ang pagkain niya na ibinigay ko naman sa matandang humihingi din ng pagkain."natigilan ako at naalala ang senaryong yun.
"And then?"si Maddox.
"Naging magkaibigan kami ni Royalty nung araw na yun at tumagal ang panahon naging magbestfriend kami. Diba Royalty?"nakangiting tanong sa akin ni Eli na ikinailang ko.
Remember? CRUSH KO SIYA!
"Psh ang corny ng friendship niyo. Alam mo bang mag kaaway si Royalty at yung ultra mega bestfriend niya ngayon?"masamang tingin ang ipinukol ko kay Maddox.
"Elixir, magkaiba kasi ang issue. Pagkakaibigan namin ni Eli ang pinag-uusapan at hindi yung pakikipagplastikan."sagot ko pa.
"Alam mo kasi Celeste tanggapin mo na lang ang katotohanang, hindi ka naman talaga kinaibigan ni Jenny."napairap ako at inayos ang sarili.
Pumasok na ulit kami sa klase at pinagtitinginan pa ng mga kaklase namin. Palihim akong napangisi at umupo sa aking upuan.
"Paano mo nagawang durugin ang daliri ng paa ni Althea? Ang lakas naman ng pagtapak mo."bulong ni Marcos.
"Dahil siguro sa galit kaya sobrang lakas ng pagtapak ko, habang nag-uusap kasi tayo ay tinatapakan niya na ang paa ko.
Nakatakong pa siya pero hinayaan ko dahil ayos lang, pero nung dumiin ang pagkakatapak niya nainis na ako. Ang sakit na kasi, kaya ayun. Sinadya kong tapakan ang paa ng babaeng yun."paliwanag ko pa. Eh sa totoo naman eh tsk.
"Grabe, kababae mong tao pero ang lakas mo."hindi ako sumagot sa sinabing iyon ni Marcos. Hindi ko alam pero hindi maaaring malaman ni Marcos kung sino ba talaga ang mga taong kasama niya ngayon. Kung para sa kanya ay ordinaryong estudyante lang kami, para sa amin hinde.
Natapos ang klase at uwian na, pero ako heto nagpaiwan sa classroom kasama si Eli at sina Maddox. Umalis na din si Marcos.
"Ano ba talagang nangyayari?"tanong pa ni Eli. Sandaling katahimikan, mahaba habang paliwanag 'to.
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...
![Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/222615914-64-k519804.jpg)