Royalty's POV.
Kanina sa akong pabalik balik sa paglalakad at hindi alam ang gagawin. Tatawagan ko ba siya? Pero baka may klase siya? Seryoso?!
"Tawagan mo na nga kasi!"si Kuya.
"Hindi sinasagot ni Maddox ang tawag ko 'nak."natigilan ako.
"Bat niyo naman siya tinatawagan?"
"Para ipagpaalam ka sa kanya susmaryosep."sabi pa ni Nanay.
"Hindi niya sinasagot? Eh ang ayos naman ng pag-uusap namin kahapon ah."saad ko. Nakakapagtakang hindi niya sinasagot ang tawag ni Nanay. Kinontact ko ang numero niya pero hindi nga ito sumasagot, muli ko itong tinawagan pero wala talaga!
"Where is he??"tanong ko pa.
Napapitlag na lang ako ng sabihin ng piloto na magsisimula na ang paglipad namin kung kaya't napaupo na lang ako ng wala sa oras.
"Tsaka mo na lang siya tawagan kapag nakababa na tayo mismo sa emperyo natin."tumango ako sa suhestiyon ni Tatay at pinatay ang aking telepono.
Sana lang ay ayos siya.
Marcos POV.
"Nasaan na ba kasi siya? Hindi niya sinasagot ang tawag."si Caleb.
"Pati na din dito! F*ck!"halos matuliro ako sa dami ng hawak
nilang telepono at hindi magkanda-ugagang nakalingon sa kanila."Ikaw naman unggoy wala ka man lang naitulong! Oh! I-dial mo diyan ang numero ni Maddox."ibinigay nila sa akin ang tatlong telepono at nakangiwi pa silang tiningnan.
"Hindi kayo masasagot niyan ng basta basta sa dami ng numero na ginagamit ninyo! Bakit ba kasi? Anong nangyari kay Maddox?"tanong ko.
"Kahapon pa niya hindi sinasagot ang mga tawag namin."natigilan ako.
"E-Eh bakit hindi niyo puntahan sa bahay niya baka may sakit o lagnat?"suhestiyon ko.
"Imposibleng magkalagnat si Mad malakas ang immunity nun. Nasaan na kaya siya?!"sabi pa ni Caleb.
"Hindi ko alam kung tama ang iniisip ko pero baka nagdamdam siya sa mga ginawa at sinabi ni Royalty."napataas ang kilay ko sa sinabing iyon ni Calliber.
Si Royalty? Nag-usap sila ni Maddox?!
Napalingon kami sa hawak na telepono ni Caleb at nagtatakang nagkatinginan, si Maddox tumatawag. Sinagot iyon ni Caleb at pinalakas ang volume upang mapakinggan naming tatlo.
"Mad! Bakit hindi mo sinasagot ang tawag namin?!"malakas na sagot ng dalawa.
"Sino bang tinutukoy niyo ang dakilang si Quroiv?"natigilan ako sa boses na iyon. S-Si Athena!!
"Sinasabi ko na nga ba demonyo ka talagang babae ka! Saan mo dinala si Maddox?! Nasaan siya?!"utas ni Calliber.
"Hmm sabihin na lang nating nasa piling ko ang gwapong nilalang na ito. Dalhin niyo ang babaeng Valks at ibabalik ko sa inyo ang kaibigan niyong si Maddox. Bibigyan ko kayo ng isang araw para papuntahin ang babaeng Valks dito at kung nagapi kayo madadatnan niyong inuuod ang kaibigan niyong ito."naputol ang tawag.
Ang kaninang dapat kong maramdaman ay naramdaman ko na, si Athena. Kinidnap niya si Maddox!!
"Bullsh*t!!! T*ngina talaga!!! Gusto niyang papuntahin si Royalty pero hindi siya nagbigay ng eksaktong lokasyon! Ang bobo niya talaga!"si Calliber.
"Kailangan nating mahanap si Royalty at humingi ng tulong sa kanya."natigilan ako.
"Te-Teka! Na-Nababaliw na ba kayo?! Anong tingin ko kay Royalty masokista?! Isang leader ng malakas na mafia o sindikato?!"anas ko.
Hindi pwedeng si Royalty ang hingian nila ng tulong babae yun eh! Atsaka anong magagawa ng gangster sa isang demonyong hipokrita??!
"Marcos hindi mo basta basta mahuhulma ang katauhan ni Royalty, hindi lang siya Hernandezmay dugo siyang Valks."natigilan ako. Ang apelyidong Valks, saan ko nga ba narinig ang apelyidong yan?!
"Higit pa siya sa mga masokistang nakilala mo, hindi siya gangster, assasin, o mafia. Isa siyang GREAT RANKER ng emperyong Valks."nagtatanong man ay napatango na lang ako. Baka nagroroleplay lang sila tapos ini-echos lang ako.
"Sa isang abandonadong building sa gitna ng kakahuyan."
"That's crazy! Sinong tangang magtatayo ng building sa gitna ng kakahuyan? May saltik lang?"sagot ko pa. Tama naman ako diba?
"We need to call Royalty."nawala na ako ng tuluyan sa huwisyo at napaupo na lang sa upuan.
Maddox's POV.
Nakapiring, nakatali at nakabusal sa akin ang ilang tela na hindi ko alam kung malinis ba o hindi. Naramdaman ko na lang ang ilang yabag na pumapalibot sa akin habang ako naman ay pilit na kinakalag ang telang nasa kamay ko.
"Ano kayang masasabi ng pinakamamahal mong babae kapag nalaman niyang kinidnap ka ng pinagseselosan niya? How romantic right?"rinig ko pang sabi ni Athena. Namamawis na ang noo ko maging ang katawan ko, sobrang init.
"Royalty Celeste Valks, beautiful name right and so the face but sadly to say mukhang maaga siyang mamamatay sa maiinit kong palad."mahigpit kong naikuyom ang kamao ko at pinipilit na sumigaw sa kanya.
Walang hiya ka talaga Athena!!!
"HAHAHAHAHAHAHAH! COME HERE ROYALTY YUHOO!"napapitlag pa ako sa sunod sunod na putok ng baril.
Sa sandaling iyon ay nangamba ang loob ko. Alam kong sa mga oras na ito ay hindi na magkaintindihan sina Caleb at Calliber at paniguradong tinatawagan na nila ngayon si Royalty na hindi ko lalo ikinagusto. F*ck this life!
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...