Royalty's POV.
"Royalty! Ano ba talagang nangyayari? Sino ang mga yun? Bakit nagpaiwan kayo?"bungad ni Marcos.
Hindi ako sumagot at nanatiling nakaakbay kay Maddox na sa ngayon ay dinaramdam pa rin ang sakit ng hita.
"Wow, you're unbelievable Mad. Parang kanina wala lang sayo ang sugat na yan, and then you're acting like fifty-fifty."natatawang sabi ni Caleb at tinulungan si Maddox.
Umupo sila sa ilalim ng puno malapit sa parking ng isang resto.
Kinuha ko ang bottled water at ang sweater ko sa loob ng aking bag. Tsk! Buti na lang at may tubig at tela ako ditong
dala!Hanggang ngayon ay nakalubog pa rin ang bubog na iyon sa hita ni Maddox habang tumatagas ang dugo.
"Masakit 'to. Be ready dahil huhugutin ko in the count of one, two, th--"
"Can i hold your hand?"
"What?/Anak ng kagang"si Calliber at Caleb.
"Ang dami mong arte Elixir!"anas ko at mabilis na iniabot sa kanya ang kamay ko. Marahan kong binunot ang bubog na ikinahigpit ng hawak niya sa aking kamay.
"Damn it!!!"sigaw ni Maddox ng matanggal ang bubog na hawak ko.
"Kailangan nating magpunta sa ospital, baka may naiwan pang bubog sa loob. It's dangerous."pinindot ko ang controller ng kotse ko at ilang minuto ay sumulpot na ito sa unahan namin. Agad kaming sumakay dito at nagdiretsong ospital.
"Royalty, kailangan mong magpaliwanag sa lahat ng nangyari. Hindi ako matatahimik sa pagkakataon na iyon alam mo yan."natahimik ako sa sinabing iyon ni Marcos. Nandito kaming lahat sa labas ng ER at nakaupo sa waiting area.
"Marcos, a-ang buhay na me-meron kami ay hindi ligtas. Hindi n-normal ang buhay namin, nagiging masamang tao kami."sagot ko.
"H-Ha? Pa-Paano?"naguguluhang tanong niya. Napabuntong hininga ako.
Siguro naman ay hindi magagawang ipagkalat ni Marcos ang
sekretong sasabihin ko sa kanya."Mga gangsters kami."siguro sapat na sa kanya ang sagot kong iyon.
"S-Seryoso kayo? T-That's why pinaputukan nila kayo ng baril dahil gusto nila kayong patayin?"nagulat ako sa mga reaksyon niya. Sa halip na magulat at matakot siya ay makikita mo ang pagkamangha sa mata niya.
Well i guess, mapapaniwala ko naman siguro siya sa sagot kong iyon.
"Ang cool niyo! Pwedeng sumali?"sabi pa nito.
"You think you're brave enough to be one of the member of anyone's gang? I don't think so"pagsingit naman ni Calliber.
"Kayo talagang magkakaibigan lagi niyo akong binubully! Bakit ba ang sama ng ugali niyo sa akin? Anong ginawa ko para magalit at mang-asar kayo ng ganyan sa akin?"si Marcos.
"Coz you look like a girl kapag naiinis ka, MONKEY girl."napangisi na lang ako. Nagsimula na ulit silang mag asaran samantalang ako'y iniisip pa rin ang mga nangyari kanina lamang.
Kahit napatay ko si Dong Shing Min hindi ko pa rin naman nahahanap ang nag-utos sa kanya, ang BOSS niya. Dahil sa inis ay napasuntok na lang ako sa aking hita.
"You look mad."napalingon ako kay Maddox na sa ngayon ay nakasaklay. Ano ba 'to? Pilay?
"Para kang nabalian ng buto, ang arte mo."komento ko. Umupo ito sa tabihan ko at bahagya pang itinulak si Marcos dahilan para napasubsob ito kina Caleb.
"A-Aray! A-Ano ba!"angil ni Marcos.
"Anong iniisip mo kanina?"natigilan ako sa biglaang pagtatanong na iyon ni Maddox.
"A-Ano si Dong Shing Min."
"Anong meron sa kanya? Napatay mo na siya diba?"tumango ako.
"And then anong ikinababahala mo?"dagdag niya.
"Baka may nakakita sa ginawa ko sa kanya."sagot ko.
"Pero yun ang totoo at dapat lang na mamatay siya dahil sa ginawa niya kay Eli, dapat lang na pagbayadan niya ang ginawa niya. Buhay ang kinuha, buhay din ang kapalit."sabi pa niya.
--
"Bakit ang gabi mo naman yata Royalty?"mariin akong napapikit ng marinig ang tanong na iyon ni Tatay.
"A-Ano po, may nangyari po ka--"
"Nabalitaan ko yun! At hindi ako natutuwa sa nangyaring iyon lalo na sa ginawa mo!"napatungo ako ng wala sa oras.
"Mabuti na lang at kilala ko ang ilan sa mga imbestigador na nagpunta doon! At positive nga na ikaw ang may dahil kung bakit namatay ang mga taong iyon! Alam mong nasa peligro ang buhay natin at mas iniisip mo pa rin ang pakikipag asaran sa mga taong iyon!"
"Tay, ginawa ko lang ang tama! Ang lalaking binaril ko s-siya si Dong Shing Min! Siya ang pu-pumatay kay Eli na dapat ako ang papatayin nila! Hindi niyo ako naiintindihan, pilit ko kayong pinoprotektahan dahil alam kong responsibilidad ko iyon pero tandaan niyong may responsibilidad din ako sa emperyo!"dahil sa inis ay napagpasyahan kong dumiretso na lang sa kwarto at tumutulo ang luhang humiga sa kama.
Ilang minuto ang lumipas nang makarinig ako ng ilang katok galing sa aking pintuan."Come in.."sagot ko at mabilis na pinahid ang aking mga luha.
"Royalty anak"nanatili akong tahimik sa pagpasok na iyon ni Nanay.
"Nay, ano bang mali sa akin? Talaga bang ayaw sa akin ni Tatay? Kasi nay sa pag-uwi ko hindi pwedeng wala siyang sasabihin. Ganun ba talaga kalala ang ugaling meron ako?"
"Anak, ganyan ang tatay mo sa'yo dahil gusto ka niyang protektahan. Na hindi niya nagawa sa ate mo noong nabubuhay pa siya."napatungo ako.
"At miss na miss ko na siya Nay, miss ko na si Ate. Si Ate na dapat siya ang nasa posisyon ko ngayon, at nagagalit ako sa sarili ko dahil sa mga pangyayaring iyon na hindi pa natin alam kung sino ang may gawa sa kanya ng ganung kalapastanganan."muling tumulo ang luha ko.
I miss ate Felicity.
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...