Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

CHAPTER 61

890 38 0
                                        

Royalty's POV.

"Ano ba kasi talagang nangyari't pati ako ay hindi mo kinakausap ngayon?? Royalty naman eh."rinig kong sabi ni Marcos. Nanatili akong tahimik at nakatutok ang pakikinig sa unahan.

"Dahil mo kasi, nadamay tuloy ako!"paninisi pa ni Marcos sa likuran napaungos ako at ilang minuto pa ay natapos na ang klase. Niligpit ko ang gamit ko at naglakad na parang walang kasama, nang makahanap ako ng pwesto ay mabilis akong naupo at nagpahinga.

"Uy Royalty kausapin mo kasi ako, ano bang nangyari?"napabuntong hininga.

"One question, one answer kapag hindi seryoso ang sagot mo may hampas sa kamay. Deal?"mabilis na saad ko. Tumango siya at alistong nakinig sa sasabihin ko.

"Kapag ba manliligaw ka pwedeng dala-dalawa?"

"Aba siyempre hinde! Kaya nga ligaw diba dahil dapat faithful ka lang sa isa, ende dalawa ende lima kundi ISA."mahina akong napatawa at hinampas ang kamay niya.

"A-Aray, anong maling isinagot ko?"

"Wala natutuwa lang ako hahaha"sagot ko. Sa paglingon ko sa paligid ay siya namang ikinagulat ko, nagtama ang paningin namin ni Maddox mabilis akong nag-iba ng tingin at napagpasyahan na bumili muna ng makakain.

Sandaling katahimikan ang nangyari, ibinaba ko ang aking kutsara at pinagkrus ang aking kamay sa harap ni Marcos bago sumandal.

"I saw Maddox and Athena kissing"nakita ko ang biglang pagkaubo niya sa pagkain ng pasta.

"A-Ano? Ehem WHAT?! YOU MEAN THEY--hhadbajbdudbwkdb"mabilis kong tinakpan ang kamay niya.

"Wa-Wag kang maingay a-ano ba?"mahinang asik ko sa kanya.

"W-What? Teka, wait, sandali you mean they kissed? As in labi sa labi?"hindi ako sumagot at napatango na lang.

"That's absurd! Panloloko ang ginagawa niya, how? Saan mo sila nakita?"

"Sa girls locker room, dun ko nakita na magkalapat ang labi nila."sagot ko.

"Dapat pinigilan mo, that's cheating."

"Kesa mapigilan ko malay ko bang mahal na niya si Athena anong laban ko?"

"Manlolokong Maddox, so anong gagawin mo ngayon? Wala na?"muli akong tumango.

"H-Ha? Susuko ka na kung kailan may nararamdaman ka na sa kanya? Naku naman Royalty, pag sa pakikipag-girian ang galing mo pero kapag sa pag-ibig tumitiklop ka. Ano ka makahiya?"napairap ako at nanatiling seryoso.

"Ang hirap kasi ng sitwasyon na meron ako."sagot ko.

"Anong mahirap dun? Eh anong ginawa mo nung makita mo sila?"

"Wala, alangan namang kuyugin ko si Athena eh hindi naman ako jowa ni Maddox."

"Kaya ka nga nililigawan ni Maddox dahil gusto ka niyang jowain."

"Eh sa nakikipaghalikan nga siya kay Athena, dapat sa akin lang!"anas ko.

Sa sandaling iyon ay doon ako natigilan, maski si Marcos ay hindi rin makapaniwala sa sinabi ko. A-Ano nga ulit yung sinabi ko?

"Don't tell me na nahalikan ka na ni Maddox?"napangiwi na lang ako.

"Dalawang beses na."sagot ko.

"Oh! Kita mo na, may laban ka! Dalawang beses kang hinalikan ni Maddox, eh si Athena isang beses pa lang."sagot niya at pumalakpak pa.

"Ewan ko sayo Marcos. Nabubwiset pa rin ako sa lalaking yun, umaasa ako sa ligaw niya pero heto wala naman siya tss."

"Eh kasi nga iniiwasan mo, hindi mo pinapansin, snob."inis ko siyang binato ng tissue.

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon