Maddox's POV.
"Class dismiss" I release a deep sigh and look at this woman. Niloloko ako ng babaeng 'to eh. Mabilis kong hinagip ang kamay niya pero nagulat ako ng mabilis niyang nakalag ang pagkakahawak ko sa kanya. She's strong!
"Hey! Come back here!"anas ko akmang hahabulin ko pa siya pero hinarangan na kami ng mga babaeng kaklase namin. Goddamnit!
Hinabol ko agad ang babaeng yun at nakita kong nagdiretso siya sa canteen. Agad siyang naupo sa harapan ng isang lalaki at may handa na talagang pagkain sa mismong tray nila.
Tch boyfriend?!
Ang panget! Hindi sila bagay! Pwe!
Nagdiretso ako sa pila at bumili ng pagkain matapos ay umupo malapit sa table nilang dalawa.
"Mad, si Royal ang hinahanap natin hindi lovelife."masamang tingin ang ibinigay ko kay Caleb.
"How did you know na dito nag-aaral si Royal?"baling ko kay Calliber.
"Yun ang sabi ng imbestigador na pinadala ko. Hindi ko na nga makontak ulit, napakailap ng isang yun."sagot pa niya. Nanatili akong napaisip, mailap na investigator? Tss
Royalty's POV.
Pinipilit kong magfocus sa pakikipag-usap kay Marcos pero hindi talaga ako makakain ng ayos ng dahil sa Maddox na ito. Namukhaan niya ako at kanina lang ay ang lakas ng loob niyang hawakan ako. Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ito sa akin na kinapupuno na ng inis ko.
"Huy."tawag ni Marcos. Napalingon ako sa kanya ng ayos.
"Kanina pa akong nabubwisit sa kabilang table na yan. Parang hindi transferees kung umasta."saad ko. Nilingon naman ni Marcos ang mesa ni Maddox.
"Yan na yung transferees? Eh lamang lang sa akin ng kalahating tabo sa paligo ang mga yan eh."sabi pa niya na ikinatawa ko.
"In short, mas lamang pa rin talaga sila sa'yo."nang-aasar na saad ko. Napanguso ito at kinain ang fries ko sa tray, i don't like fries by the way.
"Tch!"nilingon ko ang pinanggalingan na iyon at doon nilingon si Maddox na naka thumbs down pa sa mismong harap namin. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya na ikinangisi lalo niya. Ang kapaaaaaaal ng mukha niya.
"Saglit lang Marcos ah."paalam ko at tumayo tsaka naglakad papunta sa table ng lalaking ito. Mga nanunuring tingin ang sumunod sa akin papalapit sa mesa ng lalaking ito.
"A-Anong kailangan mo Miss?"tanong ng isang lalaki, Caleb ata yun.
"Wala, gusto ko lang sanang ibaba itong daliri ng asungot niyong kaibigan."pekeng ngiti na sabi ko at ibinaba ang kamay ng lalaking si Maddox.
"Ouch"mahinang daing niya dahilan para mapasinghap ang lahat. Napapangising umalis ako at niyaya si Marcos ng matapos ang pagkain niya.
"Ba-Bakit mo naman ginawa yun dun sa lalaking transferee?"tanong ni Marcos.
"Ayoko kasi sa lahat ay yung may taong natitig sa akin kapag nakain ako. Parang wala siyang modo lalo na't tinapatan pa tayo ng thumbs down niya."sagot ko.
"Ang weird mo"sabi pa niya. Nagkibit-balikat ako, hindi niya ako masisisi sa akin siya bumarkada eh dapat masanay na siya. Pero ano bang ginagawa nila sa school na 'to at ngayon pa sila nagtransfer?
![](https://img.wattpad.com/cover/222615914-288-k471148.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...