CHAPTER 64

759 32 0
                                    

Royalty's POV.

Mula sa eroplanong sinasakyan namin ay halos bumuhos ang luha ko ng makita ko ang mga taong naglalakad sa lupain ng aming emperyo.

"Are you ready?"tanong ni Tatay nakangiting tumango ako at pilit na tinutuyo ang luhang kumakawala sa aking mata.

Nang makalabas ako ng eroplano ay doon ko nadatnan ang mga tagapamahala at tagapangasiwa sa pamamalakad ng emperyo, nakangiti ang mga ito at ang iba ay gulat na gulat pa sa aming pagdating.

"Ikinagagalak namin ang pagdating ninyo kamahalan."tumango ako at napalingon sa likuran kung saan nalilingap ko ang kulungan ng aking alagang si Kiloah. Nagwawala ito at pilit na gustong lumabas sa kulungan niya.

Patakbo akong lumapit dito at binuksan ang kulungan niya kasabay noon ay ang pagdamba niya sa akin, batid kong nasisiyahan siyang makita ako.

Muli akong naglakad pabalik kasama ang aking alagang leon ngunit ganon na lang ang takot ng mga tao sa aking kasama, napangisi ako at pilit na nagsalita.

"Papuntahin niyo ang lahat ng tao sa harap ng palasyo, walang matitira. Lahat ay kasama sa pagtitipon na ito, sabihin niyong ipinag-uutos iyon ng heneral na ranggo."sagot ko.

"Masusunod kamahalan."sabay sabay nilang sambit.

"Mukhang lalong lumalaki si Kiloah!"masayang sambit ni Kuya at nilaro pa si Kiloah.

"Maghanda ka na para sa plano natin pagkatapos ng pagtitipon may espesyal na bagay tayong pag-uusapan."tumango ako at pumasok na sa mismong palasyo namin upang maghanda.

Lahat ng taong nadaanan ko ay napasinghap at hindi makapaniwalang buhay ko.

"Royaltyyyyyyyyy!!!!"halos mabingi ako sa sigaw na iyon ni Habinam. Lumapit ito sa akin at niyakap ako.

"Oh my God! I thought you're dead, alam mo bang sa loob ng pitong taon ay hindi ko alam kung iiyak ako o magkakaroon ng pag-asa?! Kasi naman! Ang mga tao dito sa emperyo ay panay ang chismis na buhay ka pa o patay ka na maloloka na ako!"napangiti ako.

"Atsaka, ang ganda ganda mo! Ang tagal nating hindi nagkita, ang puti puti mo, ang sexy mo meme!!!"napalingon ako sa pintuan ng palasyo at doon nakita si Hepmos. Sumikip ang dibdib ko at pilit na pinahihinto ang tibok ng aking puso pero hindi ko talaga mapigilan.

"He-Hepmos ku-kumusta?"tanong ko pero tanging tango lang ang isinagot niya. Halos hindi ko na makilala ang lalaking ito, simula sa pagkabata ay kami ang laging magkasama mataba siya at makulit noon pero ngayon mukhang nagmatured na ang pagiisip maging ang katawan niya.

"YiiiiiiiiEe! Kinikilig ako ano ba?! Hepmos batiin mo naman si Royalty diba sabi mo ma--"mabilis na tinakpan ni Hepmos ang bibig ni Habinam. May ibinulong si Hepmos kay Habinam kung kaya't natauhan ito.

"A-Ay! Nakalimutan ko yung sasabihin ko pero ayun nga, may jowa ka na ba?"natahimik ako at napalingon kay Hepmos na sa ngayon ay malamig ang titig sa akin.

"A-Ano, may pagtitipon mamaya gusto ko sanang lahat ay makadalo kung kaya't imbitahan niyo ang mga magulang niyo."pag-iiba ko ng usapan.

"Ang isang tunay na heneral ay hindi inililiko ang usapan dahil ayon yun sa batas."natahimik ako at pinakalma ang aking sistema.

"Hepmos kung sasagutin ko ang tanong na iyon ay hindi pa rin iyon makakatulong sa buhay mo."sagot ko na ikinatigil niya.

"Kung ganon may nobyo ka na nga."umiling ako.

Magiging nobyo pa lang...

"Hindi kasama sa responsibilidad mo ang manghimasok sa buhay ng isang tao. Lalo na sa Heneral na Ranggo."natigilan ang dalawa at napatungo ng wala sa oras. Naglakad ako papalayo sa kanila at pumasok sa aking kwarto, muli kong hinawakan ang telepono at i-dinial ang numero ni Maddox.

"Maddox sagutin mo na please"sambit ko.
Napapitlag ako ng may kumatok sa pintuan ng aking kwarto.

"Kamahalan, ang mga tao sa emperyo ay dumarami na sa harap ng palasyo. Kailangan niyo na pong maghanda."napapikit ako.

Oo nga pala!

Mabilis na pagbibihis ang ginawa ko at inilagay ang aking telepono sa aking bulsa. Mabilis akong bumaba at hinarap ang mga miyembro ng palasyo na hinihintay na pala ako.

"Sabik na sabik silang lahat sa pagbabalik mo Royalty, lahat sila ay nagmamadaling pumunta dito upang masilayan ka."sa hindi malaman ay sumulip ako sa kaunting siwang ng kurtina at doon nasilayan ang makapal na dagat ng tao. Napangiti ako, kung nandito lang sana si Ate ay paniguradong malaki ang ngiti sa labi niya.

Lumabas ang mababang ranggo upang maging taga pag anunsyo sa malapitang paglabas namin.

"Ating bigyan ng masigabong palakpakan ang ating mahal na kamahalan ang GENERAL RANGGOOOOOO!"kasabay ng paglabas ko ay ang malakas na sigawan ng tao lahat sila'y nagsipaghiyawan at ang iba'y nagwala pa.

"Siguro nga marami sa inyo ang nagtataka sa pagkawala namin sa loob ng pitong taon, at sa pitong taon na iyon ay hindi kayo nakagalaw ng ayos dahil sa pangamba ng mga nagbabadyang kalaban. Ako si Royalty Celeste Hernandez Valks ang pinakamataas na Heneral Ranggo ng Valks Empire ay nangangakong pananatilihing maprotektahan, maalagaan at mapalawak ang kaligtasan ng aking nasasakupan at hindi na kailanman iiwan o tatakbuhan ang buong mamamayan."sa sandaling iyon ay mas lalong nagpugay ang mga tao.

"Kasinungalingaaaaaaan!"natahimik ang lahat sa sigaw na iyon. Napalingon ako sa bandang ibaba at doon nakita ang isang matandang lalaki.

"Kahit kailan ay wala kayong naitulong upang protektahan ang emperyong ito! Dahil wala kayong kwenta! Ang tanging iniisip niyo lang ay ang kaligtasan ninyo kung kaya't tumakbo kayo at iniwan ang emperyo ng pitong taon para kayo lang ang maligtas!"sa pagkakataong iyon ay natigilan ako at matiim na nilingon ang lalaking iyon.

May hawak iyong bote ng alak at sa tingin ko'y lasing ito.

"At paano mo naman nasabi iyan?"tanong ko.

"Dahil hinayaan niyong mamatay ang kapatid ko! Iniwan niyo siya sa gubat na binaboy ng mga kalaban! Hindi niyo siya tinulungan!!"naalala ko ang pangyayaring iyon, ang araw kung kailan nangangaso ang mga tauhan ni Tatay kasabay noon ang pag-atake ng mga kalaban.

"Iniligtas kami ng kapatid mo at noong araw na iyon doon niya inialay ang buhay niya uapang iligtas kami. Iniligtas kami ng kapatid mo pero noong araw na inilibing siya wala ka, dahil nagpapakasasa ka sa alak. Kaya wag mong isumbat ang bagay na dapat kakulangan mo dahil hindi lang ikaw ang nawalan ng kapatid at pamilya."kasabay ng pagtalikod ko ay mabilis akong naglakad papasok.

--

Malapit nang gumabi tanging kami nina Nanay at Tatay ang nasa hapag habang sina Kuya naman ay kasama si Kiloah, Habinam, at Hepmos.

"Ang sabi ng mga yakuza at mafia na nag-ikot sa loob at labas ng emperyo ay wala na daw ang mga kalaban kung kaya't ligtas na tayo."nanatili akong walang imik sa sinabing iyon ni Nanay.

"Oo nga at ang sabi pa ni Hepmos muli na daw ulit bubuksan itong palasyo bukas upang bisitahin ka ng mga mamamayan."si Tatay.

"Babalik ulit ako sa Pilipinas."natigil sila at sabay na nagsalita.

"Ano? Ngunit ligtas na tayo dito Royalty."ibinaba ko ang aking kutsara.

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon