Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

CHAPTER 45

1.1K 32 0
                                        

Royalty's POV.

Parang kahapon lang ay litong lito pa si Eli sa mga pangyayari, ano pa kaya ako?! Absent ako ngayon at balak kong kitain si Eli. Matapos kasi ng pag-uusap namin kahapon ay sinabi ko sa kanyang mag-uusap kami ngayong araw. Nagdalawang isip pa ako nun dahil aabsent din kasi siya parang ang bastos lang.

Nagring ang aking telepono dahilan para sagutin ko.

"Hello?"sagot ko.

"Where are you? Bilisan mo naman pinagpipiyestahan na ako ng mga babae dito psh."rinig ko pang sabi niya, napatawa ako sa sinabi niyang iyon.

"Malapit na, nakikita na nga kita eh."nakangiting saad ko pa. Lumingon siya sa direksyon ng kotse ko na kaagad ko namang ikinababa. Ngumiti siya pabalik sa akin at lumapit sa direksyon ko.

Nagulat ako sa biglaan niyang pagyakap. Nakakapanibago ang ikinikilos niya, napapitlag pa ako dahil sa paghalik niya sa tuktok ng ulo ko.

"A-Ano tara na."yaya ko sa kanya papasok ng isang cafe nakangiti siyang tumango at nagpatianod na lang.

"Anong gusto mong pag-usapan natin Royalty?"kunot noong tanong ni Eli.

"Gusto kong itanong kung paano ka nakaahon sa buhay? Anong mga dahilan at iniwan mo ako ng walang paalam."tinatagan ko ang loob kong itanong iyon kahit masakit.

"May kumidnap sa akin noon Royalty, yun ang dahilan kung bakit hindi ako nakapag paalam sa'yo. Nung araw na kinidnap ako ay doon ko din nakita si Maddox kung saan umiiyak at hinahanap ang magulang niya. Kinidnap lang din siya noon, nahuli ang mga kumidnap sa amin at balak naman kaming ibigay sa DSWD ng mga tumulong sa amin pero tumakas kaming dalawa. Dun kami nagkakilala ni Maddox, pumunta kami sa bahay nila pero nang makarating na kami dun ay patay na ang mga magulang ni Maddox. Walang buhay at hindi humihinga."naiinis ako sa sarili ko. Paano ko nagawang magtampo sa taong ito?

"K-Kung gano'n, a-alam mo kung anong klaseng buhay ang meron si Maddox?"tanong ko.

"Oo."kinabahan ako. Alam na kaya niya?

"Eh ako?"tanong ko. Nangunot ang noo niya at nilingon ako, tumigil kami sa paglalakad. Hindi niya pa alam.

"Kailangan mong lumayo sa akin simula ngayon Eli. D-Dahil ang buhay na meron ako ay m-mas malala pa sa sitwasyon ng buhay ni Maddox. I-Ito ang gusto kong sabihin sa'yo."nakaramdam ako ng pag-asa. Pag-asang magiging magkaibigan pa rin kami noon hanggang ngayon.

"Hindi ko magagawang idamay ka sa peligrong magaganap sa buhay ko. Kaya hangga't maaari lang sana hanggang kina Maddox ka na lang bumarkada, gusto ko mang magsayang ng oras kasama ka pero habang tumatagal alam kong mawawala din ang saya."tumulo ang luhang meron ako.

Naramdaman ko na lang ang biglang paghila niya sa akin at yakapin ako, ang tanging nagawa ko na lang ay yumakap pabalik.

"Ku-Kung ito na ang huli nating pag-uusap, sana w-wag mo pa rin akong kalimutan kapag naisipan mong layuan ako."nanatili akong nakasubsob sa dibdib niya.

"Kahit kailan ay hindi ko binalak na lumayo sa taong alam kong gusto ko noon HANGGANG NGAYON. At kahit anong buhay ang meron ka basta kasama kita at nakikita pananatilihin kitang ligtas at masaya."mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.

"Miss na miss kita Eli, h-hindi mo alam kung g-gaano mo ako pinag-alala. Pakiramdam ko tuloy tinalikuran mo na ang pagkakaibigan natin matapos kitang bigyan ng pagkain."saad ko. Naghiwalay kami sa pagyakap at nakita ko ang ngiti niya.

"Hoy, hindi ako plastic noh."natatawang sambit niya.

"Te-teka, anong sabi mo? May gusto ka sa'kin?"muli kong inulit ang sinabi niya. Napailing siya atsaka tumango, nanatili akong gulat sa sinabi niya.

"Hindi mo kailangang gustuhin ako pabalik, masaya na akong kasama ka."kitang kita ko ang saya sa mga mata niya. Napangiti na lang din ako at walang nagawa kundi yakapin ulit siya.

--

"Seriously? Pfft you mean kinidnap ka niya?"natatawang sabi pa niya habang kumakain kami dito sa isang karinderya.

Oo, sa karinderya namin napagpasyahang kumain, nagkataong
sawa na kami sa mga fast food kaya dito tayo sa lutong bahay.

"Hindi ko nga alam kung kinidnap niya ba ako o hindi. I mean, walang kinikidnap na pinapahiram ng laptop at binibigyan ng kung anong luho."sagot ko at muling sumubo ng kanin. Sarap netong ginataang tilapia ah.

"That was tough. Kinidnap ka niya para lang sa isang libro at tatapusin mo sa loob ng 2 linggo?"natatawang tanong pa niya.

Napanguso na lang ako, sa totoo lang maski ako ay nahirapan din dahil hindi madaling gumawa ng libro.

"He want some Romance, like hello? Most of mens LOVE action genres. Nakakapagtakang sumapi ang kabadingan sa katawan ni Maddox. Knowing Maddox, he's impatient, arrogant, yet full of bravery."natigilan ako sa aking sinabi. Did i just??

"Parang kilalang kilala mo na siya, hindi ko nga alam na hindi pala siya pfft sumasayaw."halos mag-init ang pisngi ko. Nagulat ako ng tumayo siya at kunin ang ponytail sa aking kamay. Pinusod lang naman niya ang buhok ko!!

"Better. You're so gorgeous."saad niya. Nakakahiya paksh*t!

"A-Ano bakit mo pinusod ang buhok ko? Panget ba?"tanong ko. Sumandal siya sa upuan niya at taimtim akong tiningnan na lalo kong ikina-iwas.

"Ang pagtatabing ng buhok ng isang dalaga sa kanyang mukha ay nakakasagabal sa isang magandang likha."sa pagkakataong iyon ay tumibok ang puso ko. Ba-Bakit ba ganito siya?

"Ano? Dessert naman?"tanong pa niya. Nakalabas kami ng karinderya at halos hindi na ako makahinga sa ginawa niyang iyon kanina.

Pinaandar ko ang kotse ko habang siya naman ay nasa shotgun seat at nakatingin sa bintana. Mahina kong pinatunog ang aking speaker.

"Sa tingin mo, may umaalis kayang bumabalik--"

"Oo."agad na sagot ko. Meron naman eh.

"-pero umaalis ulit at wala nang balikan?"awtomatikong napahinto ako sa pagmamaneho.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"I mean, kunwari ako, umalis ako pero bumalik ngayon pero sa makaraan ang araw umalis ulit ako ng walang paalam."paliwanag niya.

"So you mean, aalis ka pa nga ng walang paalam sa akin?"hindi ko alam pero tanging ngiti lang ang isinagot niya sa akin na nakapagpatibok sa puso ko. God, Eli! What are you doing to me?

Anong ibig mong sabihin? Aalis ka pa?

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon