Royalty's POV.
Lunes. At panibagong araw na naman para sa akin, bakit kaya ang daming estudyanteng tamad na tamad kumilos kapag Lunes? Anong ginagawa nila sa gabi ng Linggo?
"Mah fren!"tawag ni Jenny. Nilingon ko siya at nginitian.
"Royalty!"sumunod naman sa kanya si Marcos.
"Ay sino ka?"tanong ni Jenny.
"Jenny siya si Marcos, Marcos siya si Jenny"pagpapakilala ko sa kanila.
"Ako ang kaibigan ni Royalty sa Martial Arts Club."sabi ni Marcos.
"And so? Hmp! Royalty ah ipinagpalit mo na ako kay FERDINAND MARCOS na nagpatupad ng MARTIAL LAW."napatawa na lang ako sa inasta ni Jenny.
"W-What? I'm not your Ferdinand Marcos"sagot naman ni Marcos.
"Diba kapatid mo si Emelda?"sabi pa ni Jenny, nagulat ako. Kilala niya ang kapatid ni Marcos? Tumango si Marcos na ikinapalakpak naman ni Jenny.
"See? Kayo ang simbolo ng Martial Law!"inawat ko na sila bago pa sila mag-away.
"Nakilala ko si Marcos noong mga panahon na nasa ospital ka at nagpapagamot. Kaya wag kang magtampo Jenny."paliwanag ko.
'Oh my god, they're here!'
'Iiihhh! Where?'
'Ang gwapo talaga!'Napalingon kami sa kumpulan ng mga tao sa gate, napairap na lang ako at niyaya ang dalawang umalis pero itong si Jenny wala pang balak na umalis.
"Jenny let's go."tawag ko pa pero makulit si Jenny at nakipagsiksikan pa sa mga babae. Napapikit na lang ako.
"Give us a way!"sa sigaw na iyon ay nagsialisan ang mga babae pero kaisa-isahang natira dun ay si Jenny.
"Diba sinabi kong bigyan kami ng daan, ano pang ginagawa mo diyan babae?"halos mapanganga ako. Akmang lalapit ako pero pinigilan ako ni Marcos.
"I just want to be friends with you Maddox."matapang na sabi pa ni Jenny.
Jenny, ano bang ginagawa mo?"Well then umalis ka sa harapan ko at wag magpapakita magiging magkaibigan tayo."sagot pa ni Maddox.
"Pe-Pero"mabilis siyang itinulak ni Maddox na kaagad kong ikinaalisto. Bago pa man bumagsak ay natakbo ko pa ang pagitan namin ni Jenny.
"J-Jenny! Okay ka lang?"tanong ko pero tumango lang siya. Ibinigay ko muna siya kay Marcos at hinarap ang lalaking si Maddox. Sino siya para itulak ng ganun ganun ang isang babae?!
"Siguro hindi ka marunong gumalang sa nanay mo kaya hindi ka marunong gumalang sa mga babaeng nakakasalamuha mo. Sino ka ba para umasta ng ganyan sa school na 'to. As far as I remember transferees kayo pero kung makaasta ka akala mo hambog ka ng sagpro ah."anas ko.
"At sino ka naman para magsalita ng ganyan sa harapan ko? Hey, don't you remember? Pinisikal mo ako kahapon pati na rin noon. Pasalamat ka nga at hindi kita ginagantihan eh."napangisi ako.
"Yan lang ba ang rason mo kung bakit nagpatransfer ka pa dito at nagsama ka pa ng resbak?"
"Y-You--"
"Alam mo hindi ko alam kung talagang pabida ka lang o talagang ganyan ang ugali mo. Pero sana naman ilugar mo din kayabangan mo, baka hindi kita matantsa at masaktan pa ulit kita."sagot ko at iniwan siya dun. Pero naramdaman kong hinawakan na naman niya ang kamay ko na hindi ko agad nakalagan.
Sh*t!
"Why so brave woman?"halos tumaas ang balibo ko simula baba hanggang pataas sa batok dahil sa ginawa niyang pagbulong sa tenga ko.
"Let me go."madiin na sabi ko pero muli siyang bumulong.
"Ulitin mo pa ang pagtalikod sa akin ng ganyan, gagawaran kita ng hindi mo makakalimutang parusa"halos tumigil ang paghinga ko.
Pa-Parusa?
Pinakawalan niya ang kamay ko at marahang itinulak tsaka naman sila umalis at nilagpasan kami. Nangyari ang mga bulungan na lalo kong ikinapikit.
"Are you okay?"tanong ni Marcos. Napatango lang ako.
"Jenny, ayos ka lang ba?"tanong ko, pero nanatili siyang nakatulala. Damn you Maddox!
"Aaaaaaah! Ang saya saya ko! Hinawakan niya ako sa braso, nakita mo ba yun Royalty? Hinawakan niya ako sa braso!"halos mapanganga ako. H-Ha?!
"Baliw din pala yang kaibigan mo kay Maddox sana lang ay wag mo siyang patabihin sa akin sa tuwing kikiligin siya. Baka mahampas ako niyan at makurot, magawa ko pa siyang sakalin."naoatawa ako sa ibinulong ni Marcos.
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...