CHAPTER 27

1.1K 46 0
                                    

Jenny's POV

Kinikilig ako! Hindi ko alam pero ang mga ngiti niya ngayong gabi nagsashine! Ang gwapo niya talaga mga besh, as in mahihiya kang huminga dahil ang bango din niya!

"So anong gusto mong malaman about sa akin?"tanong niya.

"May girlfriend ka na ba?"tanong ko. Siyempre kelangan siguraduhin muna baka mamaya may sumampal na sa akin dito ng hindi ko alam.

"Balak ko nang mag-asawa."napanganga na lang ako.

"Y-You mean magpopropose ka?"gulat na sagot ko.

"Hmm hinahanap ko pa siya. Wait-- sigurado ka bang ayos lang yang chaperon mo?"tanong niya. Nilingon ko si Royalty at napabuntong hininga.

Sorry mah fren...

"I guess ayos naman siya."sagot ko.

"So, kailan ka magpopropose? Beke nemen"dagdag ko pa at inilagay ang natitirang hibla ng buhok ko sa aking tenga.

"Kapag handa na siya."sagot niya.

"Eh sino ba yan? Baka malay mo kilala ko diba?"tanong ka pa.

"Hindi mo siya kilala, besides she's hard to find."sagot pa niya.

Palihim akong napairap, i wish ako na lang!

"Matanong ko lang ah, yang bang kaibigan mo. Anong pangalan niya?"dagdag niya. Natigilan ako

"S-She's Royalty Celeste Hernandez."

"Magkasundo kayo?"napangiti ako. Ang cute niyang magtanong!

"Of course, she's my one and only bestfriend."sagot ko at nilingon si Royalty na hawak ang tinidor at mahinang pinupukpok ang mesa. Napailing na lang ako, she's always like that.

"Hindi ko nakikita sa mata mo."napataas ang kilay ko.

"E-Excuse me?"anas ko.

"May boyfriend na siya?"pinipigilan ko ang sarili kong ikuyom ang kamao ko. Kanina pa niyang tinatanong kung anong meron kay Royalty samantalang ako hindi niya matanong?!

"Wa-Wala pa."tumango siya.

"I'm hungry, let's eat?"nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niya iyon. Umorder kami at balak sana naming i-order si Royalty pero...

"I need some fresh air, excuse me."blangko ang mukha niya ngayon at hindi ko alam kung bakit.

"Is she always like that? She's rude to someone?"sabi pa ni Maddox.

"Nope. Actually mabait siya lalo na kapag kakilala niya, lagi kitang ikinukwento sa kanya kung gaano kita kagusto, kung ano yung mga bagay na hinangaan ko sa'yo. Alam mo bang gulat na gulat pa siya ng sinabing kong gusto kita?"natigilan siya.

"Bakit naman siya nagulat diba dapat masaya siya?"tanong pa niya.

"Hindi ko nga rin alam eh, these past few days napansin kong nagiging iba na ang kilos niya. The way she act, the way she talks, and the way she thinks. She's matured."sagot ko. Nakita ko ang pagsilay ng ngisi niya.

"So she's matured? Did you know that i like matured ones? Yung hindi lang sa salita kundi na rin sa gawa, yung babaeng matapang at walang inuurungan at higit sa lahat yung babaeng kayang ipagtanggol ang mga mahal niya sa buhay."natigilan ako.

Ni isa sa mga nabanggit niya ay wala kung anong meron ako.

"Sa pag-aaral naman? She's intelligent?"pinipigilan kong mainis dahil marami pang oras para ako naman ang pag-usapan.

Bakit parang si Royalty ang laman ng usapan namin?

"Matalino siya, bukod don isa din siyang sikat na manunulat. Actually, nabanggit niya na pupunta siya sa booksigning niya this week. Yun ang pinaka unang booksigning niya kaya napakaganda ng araw na yun para sa kanya."hindi ko alam pero para sa akin si Royalty ang isa sa mga taong hinangaan ko.

Although nakakainggit talaga siya dahil sa bukod na matalino at sikat ay maganda pa.

"So she's a writer too? Ano pa bang pwedeng malaman sa kanya?---Oh? Excuse me, sasagutin ko lang ang tawag na 'to."nakaramdam ako ng lungkot.

Pwede naman niyang wag munang sagutin yung tawag! Kainis naman! Tapos lagi na lang si Royalty ang tinatanong niya! Nakakainis naman! Nilingon ko si Royalty sa labas, nakaupo lang siya sa halamanan at nakatingin sa mga dumadaang sasakyan. Tsk!

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon