Royalty's POV.
Mahigit ilang araw na din ang nakakalipas at ngayon ang araw kung kailan ililibing si Eli. Hindi ko lubos na maisip na napakabilis ng mga araw na iyon lalo na ng mga pangyayari.
Sa loob ng mga araw iyon ay hindi ako makapagpokus ng ayos.
Lagi na lang sumisilid sa isip ko ang mga sinabi niyang iniligtas niya ako. Paano?? Sa paanong paraan?
"In the name of the father, of the son, and of the Holy Spirit. Amen."natapos ang maikling pagdadarasal ay nagsimula nang ibaba ang kabaong ni Eli. Napabuntong hininga ako at pinigilan sandali ang mga taong nagbaba ng kabaong.
"P-Pwede bang bigyan niyo ako ng tatlong minuto? G-Gusto ko lang makausap sandali ang kaibigan ko."tanging naisambit ko.
Muli nilang itinaas ang kabaong na akin naman agad na nilapitan at hinawakan.
"Eli, sa pagkakataong 'to sa totoo lang ayaw kitang ipabaon sa lupa. A-Alam mo bang ikaw lang ang taong nagpatunay sa akin na kayang gawin ng pagmamahal ang lahat ng sakripisyo kahit alam mong ikaw ang mapapahamak. A-At nagpapasalamat ako sa lahat, sa lahat ng kabutihan at pagsasamang nagawa natin noong bata tayo. Napakaswerte ko, ikaw ang pinakapaborito kong Bespar sa lahat. At alam mong mahal na mahal kita, gusto kong sabihin sa'yo 'to ka
so nung nasabi ko nasa kabaong ka na. Hindi ko man naibigay ang oras na gusto mo, ibibigay ko ang oras ko para lagi kitang mabisita dito. At gusto kong linawin ang lahat pero, siguro pagsubok din 'to sa akin. Salamat at patawad Eli hinding hindi kita makakalimutan, basta gabayan mo a-ako ah. Kaming lahat na sumusuporta at humahanga sa kabayanihang ginawa mo. Masakit tanggapin pero ito ang totoo a-at lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita ha."sa haba ng sinabi kong iyon ay patuloy lang ang pag-agos ng luha ko sa mismong kabaong niya.
Natapos ako at tuluyan ng tinatabunan ng lupa ang kabaong ni Eli at hindi ko pa rin lubos na maisip ang mga pangyayaring nasisilayan ko sa ngayon. Halos ilang araw lang ang pinagsamahan namin tapos mawawala na lang siya.
Goodbye Eli.
--
"Oh? Papasok ka na?"tumango ako sa itinanong na iyon ni Nanay.
"Sigurado bang ayos ka na? Na kaya mo nang pumasok?"segunda naman ni Tatay.
"Para namang kakagaling ko lang sa pilay ah, i can take care of myself and i can handle my emotions. I'm tough."pilit ngiting sagot ko at matapos nun ay lumabas na para pumasok.
"Royalty! You're back!"nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Marcos pagkarating ko pa lang sa harap ng gate.
Akmang yayakap ito ng may sumanggi sa kanyang balikat.
Napangisi ako habang siya ay binigyan ng masamang tingin si Maddox. Yeah, si Maddox lang naman ang bumangga sa kanya.
"Ano ba talagang problema ng lalaking yan sa gwapong tulad ko ha?!"inis na anas pa niya habang naglalakad kami pataas sa floor ng room namin.
"Tss, u-umamin si Ma-Maddox sa akin"pag-amin ko.
"YEHEEEES! NAMAN! SA WAKAS MAILILIBRE MO AKO NG MOONCAKE!"malakas na sigaw niya, inis ko siyang binatukan.
"Ang ingay mo naman eh."saad ko.
"Sabi ko na nga ba at may gusto sa'yo si Maddox--"
"That's why you don't have any permission to touch my girl."natigilan ako sa pagsasalita ng taong nasa likuran ko.
Kasama ni Maddox ang ngingisi ngising si Calliber at Caleb, nakasuot ang mga ito ng mga uniform habang si Maddox ay hindi na halos ika irap ko.
He really wants SPECIAL TREATMENT.
"Permission to touch, pwe! Excuse me sir BUMPER ah, pero kasi kung gusto mong maging pagmamay-ari ang babaeng nasa tabihan ko. Ligawan mo, wag kang duwag."hamon ni Marcos na ikinagulat ko.
"Well then, i will start. Let's go?"namalayan ko na lang na hila hila na ako ni Maddox sa kalagitnaan ng hallway. Nakapasok kami ng room na nakatingin sa aming kamay ang mga kaklase namin kung kaya't mabilis ko iyong tinanggal at nagdiretso na lang sa pag-upo.
Inis kong tinakpan ng aking dalang libro ang aking mukha at nanatili pa ring naghuhurimintado ang aking puso dahil sa bilis ng kabog. Kalma lang Royal, calm down. Chill.
DUG DUG DUG DUG DUG
Napapikit na lang ako, ano ba talagang nangyayari?!!
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...
![Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/222615914-64-k519804.jpg)