Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

CHAPTER 28

1.3K 44 0
                                        

Royalty's POV.

2 oras. Halos mamuti na ang mata ko dahil sa date nilang dalawa. Like hell? Hindi ako mawiwili sa dalawang oras na padedate. Muli akong humagip ng bato at ibinato sa punong katapat ko lang, naglikha ito ng mahinang crack dahilan para malagas ang balat nito.

Hindi ko naman talaga gustong sumama dahil alam kong makakaabala ako sa kanila pero anong magagawa ko?
Kaibigan ko si Jenny at gagawin ko ang lahat para sa kanya.

"Well then! Siya ang idate mo! Kanina ka pa eh, lahat na lang tinanong mo sa akin tungkol sa kanya. Dapat siya ang inimbitahan mo at hindi ako!"tumayo ako at nilingon ang pinanggalingan ng boses na yun. Si Jenny

Lumapit ako sa kanila at kunot noong nakikinig.

"Why 'coz you're jealous? Dahil sa mas magaling at maganda siya kesa sa'yo?"tanong ni Maddox.

"Teka, a-anong nangyari?"tanong ko. Naramdaman ko na lang ang malakas na sampal sa aking kaliwang pisngi.

Jenny...

"You! You ruined everything! Lahat na lang inagaw mo sa akin, at maling mali na isinama pa kita dito! I hate you!"kitang kita ko ang mga luha sa mata niya. A-Anong sinabi niya?

"It's not her fault lady. Kasalanan mo, nagpakain ka sa selos at inggit that's why."inis kong hinarap si Maddox.

"Shut up will you?"anas ko tsaka tiningnan ng seryoso si Jenny.

"Hi-Hindi ko inaakalang sasampalin mo ako ng biglaan Jenny. Ako ang sumira ng lahat? Inagaw ko sa'yo lahat? Jenny, hindi mo ba naiisip yung mga bagay ginawa ko sayo nitong mga nakaraang araw? Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na inagaw ko lahat sa'yo? Mali ka Jenny, dahil LAHAT ibinigay ko sa'yo."kalmadong saad ko.

Hindi ko inaakalang mangyayari ang bagay na 'to.

"How dare you para isumbat sa akin ang mga bagay na hindi ko naman iniuutos sa'yo?! Pabida ka kasi! Gusto mong gawin at ipakita sa lahat na perpekto ka! Alam mo bang laging ikaw ang bukambibig ni Mom at Dad? Maski ni Kuya! And that's why lalo pang lumalalim ang inggit ko sa'yo! Naiinis ako dahil sa bawat sulok pangalan mo ang naririnig ko!"mahina akong napatawa.

Now i get it...

"Jenny dahil kaibigan kita! Ngayon ka pa nagkaganyan, kung kailan natupad yung pangarap mo na maidate ka niya? Jenny hindi ako nagpapabida! Ginagawa ko lang kung ano yung nararapat bilang isang kaibigan. Napakarami kong ibinigay na oras at effort sa'yo. Binalewala ko ang sinabi ni Marcos dahil gusto kitang suportahan at higit sa lahat gusto kitang makitang masaya. Pero sa paraan ng pananalita mo, ipinapamukha mo sa akin na ang pagkakaibigan nasusukat na lang sa bunganga ng isang lalaki."nasasaktan ako.

Kaibigan ba talaga ang turing sa akin ni Jenny?

"That's why i hate you! I loathe you! Dahil akala ko kaibigan mo ako pero tinatraidor mo lang ako! Hindi kaibigan ang turing mo sa akin dahil lahat ng pinagsamahan natin palstikan lang diba?! Diba Royalty?! Hindi mo ako kaibigan!"madiin kong naikuyom ang kamay ko.

"Ta*gina naman Jenny! Halos isakripisyo ko ang buhay ko sa dami ng taon na pinagsamahan natin tapos ngayon sasabihin mong plastikan lang lahat ng yun?! At higit pa dun kinamuhian mo ako f*ck."anas ko. Nahihirapan na ako sa totoo lang hindi ako sanay sa ganito.

"Oo! At hindi ko binabawi yun! From now on wag mo na akong lalapitan o kakausapin, i'm allergic to plastics."mabilis na pagtalikod ang ginawa na lalo kong ipinanlumo.

Nakita ko ang pag-alis ng kotse niya. Hindi ko alam pero ngayon nararamdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko. Kung alam ko lang na mangyayari 'to, hindi na sana ako pumunta.

"Friendship sucks i really hate that sh*ts."hindi ako lumingon kay Maddox at mas pinili na lang na umalis at pumara ng taxi.

Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang mga sinabi ni Jenny. And i hate this feeling! This f*cking feeling! Hindi ko alam kung sino o ano ang pupuntahan ko ngayon, kailangan ko ng kausap.
Jenny, please tell me na kaibigan ang turing mo sa akin.

Please...

Nang makarating ako sa kanto ay agad na akong pumara at napagpasyahan na lang na maglakad pabalik sa bahay.

Hanggang ngayon ay naluluha pa rin ako at hindi ko alam kung anong magagawa ko para magkabati kami ni Jenny. Ang gusto ko lang naman ay sumaya siya pero may tinatago siyang inggit sa akin. Ano bang kainggit inggit sa akin?!

"Oh? Bakit namumugto ang mata mo?"tanong ni Nanay.

"Nasaan na yung kotse ni Clarity?"si Tatay.

"Si Baby Veyron nasaan na?"si Kuya.

"Hotdog."tanging naisagot ko. Mabilis akong umakyat bago pa ako maabutan ng kutsilyong ibinato ni Tatay. K*ngina talaga, sana magkausap kami ni Jenny bukas.

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon