CHAPTER 69

778 33 0
                                    

Royalty's POV.

"I told you sasama ako!"umiling ako sa sinabing iyon ni
Maddox.

"No, dito ka lang."sagot ko.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo Royalty?! Sasama ako sa'yo whether you like it or not!"napapikit na lang ako at tinitigan ng ayos si Maddox.

"Maddox kung sino man ang taong dapat na pumunta dun ay ako lang, hindi ka damay dito dahil sarili ko itong gulo. At tatapusin ko na 'to kung talagang kinakailangan."

"Tsk! At sa tingin mo matatapos mo agad yan ng mabilisan?! Celeste paano kung frame up lang ang lahat?! Paano kung sa halip na tapusin mo ang gulo ikaw ang tapusin nila?! Anong magagawa ko?!"

"Maddox makinig ka na lang sa akin! All i want is for you to be safe, at kung ipapangako mo sa aking ligtas ka gagawin mo."sagot ko.

"No!--"

"Just do it! Always remember that I love you no matter what."kasabay nun ay ang pagtakbo ko papalabas ng bahay at pagsakay sa aking kotse.

"Kung ito ang tanging paraan para matigil ang kasamaan niyo isusugal ko ang huling barahang meron ako. Huwag niyo lang gagalawin ang kaibigan ko."mahinang sambit ko.

Nasa kanila si Marcos, at hindi na ako makakapayag na mahuli sa mga pangyayari. Ayoko nang maulit ang mga bagay na pinakakinatatakutan ko.

Mabilis kong ipinarke ang aking kotse sa isang kanto bago pumunta sa abandonadong building na ginagawa pa lang. Alas diyes na ng gabi at lumalamig na din ang simoy ng hangin.

Nang makapasok ako ay wala akong nadatnang tao sa loob pero agad din akong naalerto nang may kumaluskos sa may bandang gilid ko.

"Alam mo Valks, madali ka ngang mamamatay sa ginagawa mo. You're a fool."rinig ko ang boses na iyon at nag echo sa buong lugar.

Halos wala na akong makita sa sobrang dilim ng paligid at hindi ko mawari kung nasaan ang taong yun. Nanlumo na lang ako ng bumukas lahat ng ilaw at doon nasilayan ang lahat ng tao sa paligid. Lahat ng baril ay nakatutok sa akin.

"Ganyan nga Valks, magaling ka ding bata ka eh. Hindi ko alam kung kanino ka nagmana kung nanay mo o sa tatay mong duwag at itinatakbo lang kayo papalayo sa akin?"napalingon ako sa isang hagdan kung saan doon bumaba ang isang lalaki kasing ededan lang ni Tatay.

"Ang duwag mong tatay... isn't it funny? Mas matapang ka pa kesa sa kanya? Akala ko kaibigan ko ang tatay mo eh pero katulad lang din pala siya ng mga tao sa emperyo niyo... mahihina at nagtatago. Talaga bang ganun kaduwag ang tatay mo? HAHAHAHAHAHA!"

Nagtagis ang bagang ko. Sino siya para sabihan ng ganun si Tatay?!

"Sige lang Valks, gusto kong makitang magalit ka. Gusto kong makita kung paano mo iilagan ang daang daang bala na papunta sa'yo."sinindihan nito ang sigarilyong hawak niya at nakangiti pa. Muli kong inobserbahan ang mukha niya, may kamukha talaga siya.

"Itumba niyo na ang babaeng yan ng matapos na!"naalerto ako sa biglaang pag-uutos na iyon ng lalaki. Sumugod ang ilang tauhan niya pero agad akong bumaba upang sila ang magkasalpukan. Mabilis kong nakuha ang dalawang baril ng dalawang tao at pinaulanan ang natitirang may hawak na baril.

"P*t*ngina!!!! Mga b*bo!"napalingon ako sa lalaking sa ngayon ay nakatayo na at may hawak ng baril habang nakatutok sa akin.

"Katapusan mo na Valks!!!"sa sandaling iyon ay bumagal ang bawat segundo. Wala ng bala ang mga baril na hawak ko, tanging pagtingin at pagpapatama na lang sa bala ang alam ko.

*BANG*BANG*BANG*

"Waaaaag!---Ugh!"nasaksihan ko ang mismong pagtama ng baril sa taong nasa unahan ko. Nagdilim na ang paningin ko at nakaramdam ng kung anong enerhiya na ibinubuga ng puso ko.

"HAYOP KA!"mabilis kong hinagip ang baril na nasa gilid ko at ipinutok iyon sa lalaking bumaril mismo sa kaibigan ko. Ipinutok ko iyon hangga't hindi nauubos ang bala.

"AAAAAAAHHHHHHH! THIS IS FOR ALL THE CHAOS THAT YOU'VE MADE IN OUR LIFE! I LOATHE YOU!"malakas na sigaw ko. Naramdaman ko ang luhang umaagos sa aking mga pisngi.

"Marcos!"malakas na saad ko. Nakarinig ako ng ilang sirena ng pulis papalapit sa building na ito.

"R-Royalty, you-your highness"nahihirapan na siyang magsalita.

"Marcos kaya mo naman di-diba? Mabubuhay ka di-diba?"tanong ko.

"Ku-Kung mabubuhay a-ako baka i-ikaw pa ang asawahin ko."mahina pa itong tumawa.

"Celeste!"narinig ko ang sigaw ni Maddox

"Ma-Marcos?! Anong nangyari?!"tanong pa niya ng makalapit ito.

"Pa-Pare may kasalanan ako sa'yo-- pero hindi ko na lang sa-sasabihin hehehe."si Marcos.

"What?! Mabuti pa pumunta na agad tayo ng ospital! Madami ng dugo ang nawala sayo!"nakita ko ang pag-iling ni Marcos.

"I can't make i-it, thank you for all the memories na ibinigay niyo sa akin. Pero Royalty can you do me a f-favor?"nawala ang pag-asa ko.

"Anything for you basta mabubuha-"

"Please tell Alicia that we're break, please tell her that live her life more happier even if I'm not by her side anymore. Please tell her that I love her, yet it's the end."lumandas ang mga luha niya.

"Marcos, salamat sa lahat. Sa lahat lahat ng mga bagay na ipinaramdam mo bilang isang tunay na kaibigan."ngumiti ito.

"A-Ang mga pangyayari s-sa buhay mo, ay na-nasa garahe---"sa sandaling iyon ay naupos muli ang pag-asa ko.

Bakit sa dinami dami ng tao, ang mga nagiging kaibigan ko ang namamatay? Talaga bang ganung kamalas ang buhay ko? Funny yet painful, ang daming commercial nakakaloko ding magtiwala sa lahat ng sitwasyon ngayon. At sa hindi ko malamang dahilan, napalingon na lang ako kay Maddox.

"Celeste"tanging nasambit.

"Kung sasabihin ko sayong lumayo ka lalayo ka ba?"naging bato ang pakiramdam ko at walang pake.

"Hindi."

"Dahil kung patuloy kang mapapalapit sa akin isa ka din sa mga taong mapapatulad kina Marcos at Eli."sagot ko.

"Bakit mo sinasabi 'to?"siya.

"Dahil ayaw kitang mapahamak."sagot ko.

"Celeste ano 'to paulit ulit na lang? Anong alam mo sa prediksiyon ng kapalaran ng isang tao? Sa tingin mo ba'y mamamatay din ako?"umiling ako.

"Dahil hindi ako ang tipo ng tao na swerte ang lumalapit! Magnet ako ng kamalasan Maddox at kahit kailan isa ako sa mga malas na tao dito sa mundo!--"

"Celeste t*nginang malas yan eh! Yan ba ang laging nasa isip mo kaya patuloy mo pa ring ipipilit na lumayo ako sayo?! Para palayuin ako sa malas na pinaniniwalaan mo?! P*t*ngina parte sa buhay ng tao ang malasin, at siguro parte din sa buhay ng tao ang mamatay!"

"Pero hindi sa persepsyon ko! Dahil ako ang may kasalanan kung bakit nadadamay sila at sila ginagamit sa huli dahilan para humina ako. At kung ikaw ang gagamitin nila, alam mo kung ano ang kababagsakan ko. Mamamatay ako."doon ko naramdaman ang yakap niya.

"Kung kamatayan ang tanging dahilan para magkasama tayo, tara ng magsaksakan."napahinga ako ng maluwag.

"Walang taong malas, lahat ng tao biniyayaan ng swerte at sa pagkakataong 'to kayakap ko ang swerterng biyaya sa akin."naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa ulo ko.

"It's not about how unlucky a person is, it is because of destiny."huling lintaya niya.

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon