Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

CHAPTER 2

3.9K 96 0
                                        

Royalty's POV

            Nang makadating ako ng school ay agad akong pinasalubungan ng daldal ni Jenny, hindi ko alam kung pinaglihi ba 'to sa puwet ng manok o sa ambulansya.

"Eh kasi naman mah fren niyaya ako ni Arlo for lunch!"nangunot ang noo ko.

"Si... Arlo na crush mo ngayong whole week, right?"naguguluhan kong tanong.

"Righty right!"napailing na lang ako. Si Jenny yung tipo ng kaibigan na nasa kanya na lahat, kwela, maingay, at higit sa lahat halos araw araw may bagong crush.

Ewan ko ba dito kung bakit naging crush ang Arlo na yun eh parang kahapon lang ay nagpadala sa akin yun ng love letter.

"Ano namang naisipan ng Arlo na yun at niyaya ka sa lunch?"tanong ko.

"Hindi ko nga rin alam pero mukhang lucky ako! By the way pinapasama ka niya eh, sabi niya na isama daw kita para hindi ka daw maiwang mag isa."hindi ko pinahalatang napapikit ako.

I knew it! May balak nga ang Arlo na yun tsk!

"As in sobrang nakakakilig siya nung niyaya niya ako, ang lambing nung boses tapos...tapos HINAWAKAN NIYA AKO SA BALIKAT."halos manginig si Jenny habang nagkukwento. Nang makapasok kami ng room ay doon lang siya tumahimik.

"If it is the WRITER 'kuno' EWW! How you doing freak?"nilingon ko si Vera na sa ngayon ay nakakrus pa ang braso sa unahan namin. Itinaas ko ang tingin ko at tahimik na nakinig.

"Hoy Vera! Tigilan niyo nga si Royalty inaano ba kayo ha?"sagot naman ni Jenny.

"Isa ka pa, ikaw ba yung humble reader niya? What a pity on you girls, let's go na nga!"tinalikuran nila kami dahilan para mapailing na lang ako.

"Mga abno yun, ayos ka lang ba?"tanong ni Jenny.

"I'm doing great Jenny, talagang huwag mo na lang ulit patulan."sagot ko.

"Eh nakakainis kasi sila."

"Hayaan mo na lang."

Nagsimula na ang klase pero ako heto at lutang pa rin sa buong dalawang oras. Nakakapagtakang hindi ko man lang napakinggan kung anong bagong topic namin.

Wala na talaga Royalty, lutang ka na naman.

Nagdiretso kami sa Canteen upang kumain, si Jenny ang inorder sphagetti at mango juice samantalang ako? Tubig, isang malamig na tubig.

"Alam mo nagtataka ako sa Kuya mo mah fren, kasi kahapon nakita ko siyang pumasok dun sa may lumang eskinita papunta dun sa may lumang Arena. Eh diba Ghost Arena ang tawag dun?"bahagya akong natigilan.

Si Kuya pumuntang Arena?! Tsk!

"A-Ano sabi kasi niya may aso siyang na-nakita dun kaya pinaaamo niya at pinupuntahan."pagsisinungaling ko.

"Ahhh... Oo nga pala mah fren, alam mo ba yung Florence Incorporation?"nilingon ko si Jenny.

"Anong meron dun?"tanong ko.

"Sobrang sikat na ng incorporation na yun dahil sa tiles na ginagawa nila. Alam mo bang bumili si Dad ng tiles sa Florence at binago ang tiles ng kwarto ko... glow in the dark na siya mah fren."
Bahagya akong nagulat.

Glow in the dark? Tsk, edi ang liwanag nun. Paano ka makakatulog nun.

Nangunot ang noo ko ng makarinig ako ng ilang takbuhan papunta sa labas kung kaya't nilingon ko ang kagabi kong bintana.

'Sino ba kasi yang mga yan?!'
'Kaibigan ni Ikov yun diba?'
'Oo nga eh!'

Nanatiling blangko ang paningin ko at muling itinutok ang atensyon ko sa bote ng tubig.

"Mah fren, hindi ka ba naboboring?"tanong ni Jenny.

"Saan?"

"Sa buhay mo, I mean puro eskwelahan-bahay ka lang kasi and worst WALA KANG JOWA. Alam mo minsan maging malandi ka rin para sumaya naman yang buhay mo, konting kembot."napangiwi ako.

"Jenny, hindi ako katulad mo. And besides, iba ang mind set na meron ako. Ayaw nga ni Nanay na magka-nobyo ako eh."

"KJ yang si Tita ah! Atsaka teka nga, ang yaman yaman niyo Nanay ang tawag mo sa Mommy mo?"

"May rason kaming pamilya kung bakit yun ang tawagan namin. Sabihin na lang nating it's an act of respect at bonding."

Napatango siya. Natapos ang break at muli kaming nagklase. ESP namin ngayon kung kaya't hyper kami.

"Respect means everything. Lagi niyo yang tandaan class, hindi kayo mabubuhay kung wala kayong respeto. Lahat tayo may respeto sa isa't isa, hindi tayo namimili ng irerespeto natin dahil tayo mismo alam nating lahat kailangan ng respeto."hindi pa man nakakakalahati ang klase ay parang inaantok na ako.

"Mah fren..."tawag ni Jenny.

"Hmm?"sagot ko.

"May naiintindihan ka naman siguro diba?"

"Puro respeto lang, makinig ka ng ayos baka makatulog ako eh."sagot ko.

"Miss Hernandez! Focus!"iminulat ko ang mata ko at pinilit na makinig. Natapos ang ESP at sumunod naman ang Science na lalo kong ikinatamad.

"Excited na ako mamaya! Lunch with Arlo is the best."muntik ko ng makalimutan yun. Oo nga pala. Akala ko'y sa paghihintay namin ay may darating na teacher pero wala kaya nauna na kaming bumaba sa Canteen.

"Jenny, sigurado ka bang sisipot yang si Arlo?"tanong ko.

"I'm sure, 100 percent sure."napagpasyahan ko na munang umidlip.

Maya maya...

"Royalty, huy..."naalimpungatan ako at napalingon sa taong nasa unahan ko. Si Jenny...kasama si Arlo na nakangiti sa akin ngayon.

"Hello, Royalty."bati ni Arlo tumango ako at nilingon si Jenny na parang kinikilig.

"So let's eat, treat ko."saad pa ni Arlo, tumango ako at nilingon ulit si Jenny. Nang makadating ang order namin ay nagsimula na kaming kumain, nag-usap na rin silang dalawa pero ang napapansin ko'y lagi niyang inililiko ang usapan patungkol sa akin.

Umayos ka Arlo, konting kibot lang ng dila mo tapon yang sopas na hinihigop mo...

"So ilang taon na kayong magkaibigan?"tanong ni Arlo.

"Hindi ko alam eh, bilang mo ba mah fren?"sagot ni Jenny, umiling ako.

"Sadya ka bang tahimik Royalty?"tanong ni Arlo.

"Depende sa taong kaharap ko."sagot ko.

"So may boyfriend ka na?"doon lumakas ang loob ko.

"Are you hitting on me?"prangkang tanong ko.
Sa sandaling iyon ay hinintay ko ang sagot niya.

"N-No."napangisi ako.

"Restroom lang ako."paalam ko. Napagpasyahan kong manatili sa banyo at nagtext kay Jenny na hindi na ako makakabalik dahil may paperworks ako.

Lintik na Arlo yan.

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon