Royalty's POV.
Muli akong napalingon sa aking relo habang nakasunod sa kotse na itinuturo ng tracker ko. Hanggang ngayon ay nasa 25% pa lang ang loading ng utak ko dahil sa mga pangyayari.
Napatigil ako ng tumigil ang kotse sa isang abandonadong warehouse. Anong gagawin nila dito, iginilid ko ang sinasakyan kong kotse at nagtago sa isang poste. Nakita ko ang pagsignal sa akin ni Caleb kaya naman ay marahan akong sumunod sa kanila.
"Are you sure na kumikilos na sila?"rinig kong tanong ni Maddox. Sinong SILA?
Pumasok sila sa loob na mabilis ko namang ikinatakbo sa isang saradong bintana. Nang sumilip ako ay halos mapamura ako sa aking nakita. What the f*ck is this?! Ito ba yung sinasabi kanina ni Caleb na Headquarters nila?!
Nakita ko ang pag-upo nilang tatlo sa sofa. Halos mapanganga ako sa mga teknolohiyang nasa loob ng warehouse na ito.
Naagaw ng atensyon ko ang isang robot at lumapit kina Maddox.
"Anong gusto niyong inumin ngayon Masters?"tanong nito sa tatlo.
"Tatlong grape juice, Agape."sagot naman ni Maddox. Tumango ang robot at umalis sa tayo nito. Muli kong nilingon ang mga teknolohiya.
Wicked! This is crazy. Paano nila nagawa ang ganitong klaseng mga teknolohiya. Kung sino mang nakagawa nito, i need to partner him or her with Nanay!
"Ano ba talagang plano mo?"tumayo si Caleb at sumandal sa isang table na puno ng mga buton.
"This contract. Alam mo naman kung gaano kaimportante sa akin ang bagay na ito, ito ang magpapatunay na-----.."halos mapamura ako ng sinadyang pindutin ni Caleb ang isang button.
"Damn it."anas ko pa at masamang tiningnan si Caleb na pasimpleng tumitingin sa gawi ko.
Pilit kong pinakikinggan ang pag-uusap nila pero wala ng tumatagos na boses sa nakasaradong bintana na ito. I hate this warehouse now.
Saan ba gawa 'to?!
Napagpasyahan kong lumipat ng tayo pero tanging ito na lang ang bintana na makikita ko silang tatlo.
"Intruder, intruder, intruder!!"mabilis akong naalerto sa robot na nasa likuran ko. Napatakbo ako palabas ng gate ng warehouse at bumalik sa kotse ko para pumunta na ulit sa bahay ni Maddox.
"Make sure na makakadating ka sa bahay ng ayos."mahina kong tinapik ang aking bagong kotse na ikinaandar nito paalis. Uhmm, did i mention na isang technology geek si Nanay? Kinumpuni niya ang kotse ko at ini-advance ang mga pwedeng i advance na components ng mga parte nito.
Si Nanay din ang gumawa ng tracker na ipinadikit ko kay Caleb sa kotseng ginamit nila para makapunta sa Headquarters nila. At hindi ako nagsisising ibinigay ni nanay ang device na iyon.
"Anong ginagawa mo dito sa labas ng bahay?"halos mapatalon ako sa sinabing iyon ni Maddox.
"A-Ano may na-nakita akong tuko, hinabol ko."napakagat na lang ako sa labi ko. Maniwala ka Maddox!!
"What is tuko?"napahagalpak na lang kaming tatlo ng tawa, habang si Maddox naman ay nakakunot ang noo at nagtatanong.
"Mad, hindi ko alam kung anong klaseng bundok ang inakyat
niyo ng pamilya mo. It's a kind of lizard na madikit."paliwanag ni Caleb. Napailing na lang ako at naglakad na papasok sa bahay.Nang makapasok ako ay muli kong nilantakan ang donut.
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...