Maddox's POV.
Mahigit isang buwan na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin ni Royalty. Ako? Heto hawak ang bagay na ibinigay niya sa akin noong huli kaming mag-usap. Ang librong ginawa niya napangiti na lang ako ng wala sa oras at inalala ang mga kalokahang nagawa namin noong namalagi siya dito sa bahay.
Yung nga pang-aasar na ginagawa ko
Yung mga bangayan namin sa bawat sulok ng bahay
at higit sa lahat yung pagmamahal na nabuo dito mismo sa bahay ko.
I loved her so much that I would give up everything I could do even though I knew it was hard.
Gusto kong kausapin siya pero sa tuwing napapalapit ako sa kanya siya ang gumagawa ng paraan para malayuan ako. At masakit yun para sa akin.
Masakit na iniiwasan ka ng taong mahal mo kahit alam mong mahal ka din niya.
"Mad, I've heard na aalis ng Pilipinas sina Royalty at babalik muna sa emperyo nila. Sasama ka ba?"nagulat man ay hindi ko ipinahalata.
"She need some space."sagot ko.
"Pero hindi pa kayo nagkakausap, baka maayos niyo na yan kapag bumalik siya dito. Kausapin mo na ngayon."natigilan ako at napaisip sa sinabi ni Caleb.
"Even though kailangan niya ng space, kailangan niyo di ng magkaintindihan sa kung ano ba talagang nararamdaman niyo. She said that she loves you right?"tumango ako.
"Well take the chance! Bilisan mo!"itinulak nila ako palabas ng bahay ko at isinakay sa aking kotse.
Sa kalagitnaan ng pagdadrive ko ay napaisip ako kung anong una kong sasabihin. Sh*t!
Nang makababa ako ng kotse at makarating sa harap ng pintuan nila ay doon ako nagulat sa biglaang pagbukas ng pintuan nila. Si Royalty
"A-Anong ginagawa mo dito?"gulat pa rin siya.
"Na-Nabalitaan ko na aalis kayo, totoo bang pupunta kayo sa emperyo?"tanong ko.
"At bakit mo naman gustong malaman?"napangiti na lang ako dahil sa pagiging mataray niya sa harap ko.
"Anong ingini-ngiti mo diyan? Kailangan ko na ng pahinga kaya kung wala kang sasabihin isasarado ko na ulit ang pintu--"
"Babalik ka na naman diba? Babalikan mo pa ako?"napatigil ito sa pag-galaw.
"Ba-Babalik ako dahil dito ko tatapusin ang kolehiyo ko at sa emperyo naman mananatili at magtatrabaho."nawala ang saya sa aking dibdib.
"Mahal mo ba ako?"tanong ko na nakapagpatigil sa kanya ng tuluyan.
"Sa tingin mo?"
"Alam kong mahal mo pa rin ako Celeste at hindi ko itatanggi yun kahit na itinatanggi mo diyan sa isipan mo."
"Well then good for you, nagmamahal ka lang sa taong wala namang pagmamahal sa'yo."
"Pe-Pero sinabi mo yun sa akin Royalty, inamin mong nagseselos ka at sinabi mong mahal mo ako."hindi ko alam kung bakit itinatanggi niya ang pag-amin niya.
"At naniwala ka naman? Hindi ako ang mahal mo, si Athena. Maddox ang pagmamahal sineseryoso yan, kaya kung sasabihin mong mahal mo ako hindi na ako maniniwala dahil sapat na ang nakita ko para mapatunayang hindi mo nga ako mahal. I love you but it still hurts, mahal kita kahit alam kong mahirap magtiwala sa'yo ngayon. And i think kailangan muna nating magpaalam sa isa't isa dahil magkakasakitan tayo at magkakasakitan."sa sandaling iyon ay bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"Still you love me."malakas na saad ko.
"Yes i love you. We will meet again at sa pagkakataong yun sinisigurado kong mahal na kita ng lubusan."napangiti ako sa huli niyang sinabi. Basang basa akong pumasok ng kotse at nagmaneho ng nakangiti pa rin.
She loves me and i love her, magkikita kami.
Napatigil ako ng may isang van na humarang sa dinaraanan ko. Lumabas ang mga tao dito at may hawak na mga baril at nakatutok sa kotse ko.
Binuksan nila ang pintuan ko at pinababa ako sa aking kotse.
"Baba! Bilis!"nanatili akong walang kaba at inaninag ang isang babaeng nakapayong kasabay nun ay ang malakas na pukpok ng baril sa aking batok ngunit bago ang lahat ng yun ay nakita ko ang pamilyar na mukha ng babae
Athena...
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...
![Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/222615914-64-k519804.jpg)