CHAPTER 57

760 36 0
                                    

Royalty's POV.

Kasalukuyan akong nakatulala sa bintana at lutang na nakikinig sa klase.

"Woy, mukhang absent ang tatlong kontrabida?"napalingon ako kay Marcos.

"Bakit? Miss mo na?"tanong ko.

"Siyempre. HINDI. Minsan lang gumaan at tumahimik ang buhay ko ipapanalangin ko pa na pumasok sila ngayon? Kahit wag na."asik pa niya, napailing na lang ako.

Napapitlag ako sa pagvibrate ng telepono ko kaya mabilis ko iyong sinagot.

"Oh?"

"Anong oh? Pumunta ka daw dito sa bahay sabi nina Nanay at Tatay, pati ng nobyo mo."nangunot ang noo ko.

"No-Nobyo? Hoy, wala akong nobyo tangahin ka."sagot ko pa kay Clarity.

"Isusumbong talaga kita kay Ate Felicity."natahimik ako sa sinabi niyang iyon.

"Ba-Basta pumunta ka na lang dito sa bahay."sagot pa ni Clarity at pinagpatayan ako ng tawag. Bastos talaga 'to kahit kailan.

"Sino yung tumawag?"tanong ni Marcos.

"Si Kuya, pinapauwi ako ngayon."sagot ko.

"Huh? Paano ako?"

"A-Anong paano ka? Tsk, kaya mo na ang sarili mo. Bakla 'to"sagot ko at walang pasabi na umalis sa klase.

Mabilis akong nagmaneho pauwi ng bahay at pumasok sa loob para tingnan ang mga nangyayari. Natigilan ako ng makita sina Nanay, Tatay, Kuya, Maddox, Caleb at Calliber.

"Kaya pala mga liban sa klase"mahinang saad ko.
Nagulat na lang ako ng magsisulputan ang mga armadong lalaki at ang iba pang mga kilala kong Mafia. What the

"Anong ginagawa niyo dito?!"singhal ko.

"Calm down Celeste."nakangising sabi pa ni Maddox na sa ngayon ay prente nang naka-upo. Ang kapal!

"Don't Celeste me Elixir!"inis na sagot ko pa.

"Nice endearment"natatawang sabat naman ni Kuya.

"Miss Valks, nandito kami para tulungan kayo. Nabalitaan namin ang pagkamatay ni Felicity at nakikiramay kami dun, ang aksidenteng naganap ay ikinagulat ng buong lipon ng mga Mafia."sabi ng pinaka leader ng Mafia.

"Maging kaming mga Yakuza ay nakikiramay sa pangyayaring iyon"natahimik ako.

"Kinausap ko sila para ipadala sa emperyo ninyo para mapaigting at mabigyang seguridad ang mga mamamayan niyo."si Maddox. Tumaas ang kilay ko sa sinabing iyon ni Maddox.

"Hindi ba't masyadong delikado ang ideya mo dahil baka matakot ang mga mamamayan ko sa emperyo?"tanong ko.

"Naipahatid ko na ang sulat na itinalaga ko para sa mga mamamayan mo. Hindi sila matatakot sa oras na dumating ang mga sinugo kong ito."tumahimik na lang ako at umupo sa salas.

Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawang paglipat ni Maddox sa tabihan ko.

"A-Anong-- wag ka nga dito! Dun ka, epal ka eh."anas ko at marahan pang itinutulak ang katabi kong ito.

"Sus, alam ko namang gusto mong katabi ako. Pabebe ka pa eh."nang-aasar na sabi pa niya na ikinatawa at ikina-tudyo naman ng ibang taong nakakapkinig.

Sandaling katahimikan, narinig ko ang pagtikhim ni Tatay at
seryosong tumingin sa gawi namin ni Maddox.

"Tapatin niyo nga ako, may relasyon ba kayo ng anak ko?"natahimik ako sa itinanong na iyon ni Tatay.

"Wa-Wal--"naramdaman ko ang biglang paghawak ni Maddox sa kamay ko. Mahigpit ito pero ramdam ko ang elektrisidad papunta sa puso ko dahilan para tumibok ito ng napakabilis.

"Nililigawan ko ang anak niyo Mr. Valks, at gusto ko sanang humingi ng pahintulot niyo kung papayagan niyo ako para ligawan siya."lahat ng taong nasa loob ay napasinghap sa sinabing iyon ni Maddox.

Ano bang ginagawa mo Maddox?!

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon