Royalty's POV.
Hapon na. Kakatapos ko lang ding sulatin ang ilang kabanata sa libro na pinapagawa ni Maddox. Napapanguso akong nag-tweet. Gusto ko talaga ng donut! Arrgghh!
"Hey Celeste!"napapitlag ako sa sigaw na iyon ni Maddox, mahina akong napairap.
"Bakit Elixir?!"sagot ko pabalik. Nasa taas siya sa may kwarto niya at ako nandito sa may living room.
"Can you please give me my towel? Nakalimutan kong kunin!"sigaw pa niya. Padabog akong tumayo at tumaas.
"Kalalaking tao makakalimutin, paano na lang kapag nagkaroon ka ng sampung anak tapos pito lang yung naalala mo?"naiinis na saad ko pa. Totoo naman talaga tss Sino ba namang matinong tao ang maliligo ng walang dalang towel?
"Shut up, atsaka can you stop calling me Elixir? It's annoying."pagak akong napatawa habang hawak pa rin ang towel.
"Ikaw nga ang kapal ng mukha mong tawagin akong Celeste hindi naman kita sinita ah."sagot ko. Nangunot ang noo ko sa aking nakita this mask.
"Asan na yung towel?!"napunta ang tingin ko sa pintuan ng banyo niya.
"Eto na saglit!"sagot ko at mabilis sinipa palabas ang maskara sa pintuan ng kwarto. Nang maibigay ko ang towel ay mabilis akong tumakbo at kinuha ang mask tsaka nagtatakbo papunta sa kwarto.
Ibinalik ko ang tingin ko sa maskarang hawak ko. Hindi ko alam pero ang tanging masasabi ko lang ay ang bilis ng tibok ng puso ko. Ayaw ko mang magsuspetsa ay napipilitan ako.
Posible bang siya ang misteryosong lalaki sa party? There's no way
Hindi. Hindi ako naniniwala, baka katulad lang ng maskara niya ang maskara ng lalaki. Tama, yun nga yun. Pero kung siya nga yun, may posibilidad ang hilig mantsansing eh! Tsk!
Muli akong lumabas ng kwarto ng maitago ko ang maskara. Nang makababa ako ng salas ay sakto namang tumunog ang door bell na agad kong ikinapunta sa main door nitong bahay.
"Yow Royalty! Here's your donut."nanubig ang bagang ko sa tatlong kahon ng donut na ibinigay nina Caleb at Calliber.
"Thank you! You two are awesome."papuri ko pa at nauna ng magpunta sa salas para buksan ang kahon.
"What in the f*cking world the two of you doing in here?!"singhal ng kabababa lang na si Maddox. Napairap ako, talaga bang hindi siya aayos ng ugali sa mga kaibigan niya?
"Geez, don't worry! Hindi ikaw ang ipinunta namin dito."sarkastikong sabi ni Calliber. Nanatili akong tahimik habang kumakain ng donut.
"I have to tell you something Mad."nanatili akong nakain kahit na nagtataka ako. They're acting weird actually
"Seriously? Dun tayo sa kwarto ko."halos masamid ako sa sinabing iyon ni Maddox.
"Sa kwarto mo? Pfft. goodluck."tanging nasabi ko. Naiwan kaming dalawa ni Caleb, nilingon ko si Caleb na sa ngayon ay nakatingin sa akin.
"What?"tanong ko.
"You're actually familiar"natigilan ako. Oh god!
"Ba-Baka naman"
"Nice meeting you, Royal Valks."mahinang sabi nito at nag-bow sa harapan ko.
"H-How did you kno--"
"Since the first day pinagsususpetsyahan na kita. I don't know kung bakit bigla kang pumayag sa alok ni Maddox na dito ka mag-stay ng dalawang linggo. Your life is in danger, you already know that."napanganga na lang ako. Hindi ko alam na may tinatago din si Caleb sa mga kaibigan niya.
"Well then, hindi mo naman siguro sasabihin sa dalawa mong itlog na kaibigan kung sino talaga ako diba?"sagot ko.
"Oo, kaming tatlo ang nakasama mo sa party noong nakalaban mo ang Atomic Gang."halos matakpan ko ang aking bibig sa gulat.
"I knew it, that's why pamilyar ang maskarang nasa kwarto ni Maddox."sagot ko. Nangunot ang noo ko at muling nagtanong.
"Ba-Bakit tinutulungan niyo kami?"tanong ko pa.
Napangisi na lang siya at itinuro ang hagdanan, rinig ko ang yabag ng dalawang mag kausap. Nangunot ang noo ko at nanatiling nagtatanong ang tingin kay Caleb. Bakit nga?! Anong dahilan?!
Nakita kong nakabihis si Maddox at parang may pupuntahan.
"You stay here Celeste. Aalis kami at may pupuntahan, wag na wag kang aalis ng bahay kung hindi ipapalapa kita sa mga aso ko."nanatili akong tahimik at hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari.
Naunang lumabas ang dalawa at nagpahuli si Caleb. Kailangan ko silang sundan! Para malaman ko ang dahilan!!!
"Here, take this. Ikabit mo 'to sa may bandang plate number ng sasakyan ni Maddox. Susundan ko kayo"ibinigay ko kay Caleb ang maliit na tracker.
"Nope. You stay here, malalagay ka sa peligro. Uulitin ko, your life is in danger."sagot pa niya. Sumeryoso ako atsaka siya sinagot.
"And i am the danger."sagot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/222615914-288-k471148.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...