Royalty's POV.
Sabado ngayon, it means bibisitahin ko si Jenny! Ang sabi ni Tita ay makakapasok na daw si Jenny dahil magaling na daw ito. Nakangiting hawak ko ang isang supot na naglalaman ng mga paborito niya.
Nang makapasok ako ng bahay nila ay mabilis akong nagdiretso sa kwarto niya ng mabati ko sina Tita. Nakangiting hawak ko ang supot at kumatok muna sa pintuan niya.
Bumukas iyon at doon ko nakita si Jenny na may band aid sa mukha, gumaling na ang mga sugat niya at peklat na lang.
"R-Royaltyyyyyy mah fren!"malakas na sigaw niya na ikinangiti ko.
"Jennyyyyy!"sigaw ko at niyakap siya. Pumasok kami sa loob ng kwarto niya at inilapag ko sa lamesa ang mga laman ng supot na dala ko. Gummy bears, gummy worms, Cheezy, at lollipops.
"Tsaran! Pagpasensyahan mo na mah fren, alam mo naman si Nanay kung gaano ka kuripot."natatawang sabi ko. Natatawang umiling ito.
"Ayos lang, buti na lang at dumating ka! Alam mo bang nagc-crave ako sa gummy worms?? Alam mo lagi kang on timing."nakangiting sabi niya at niyakap pa ako.
"Balita ko kay Tita papasok ka na sa lunes, bakit parang ang aga naman?"tanong ko.
"Iiiiiihhhh! Kailangan kong pumasok okey? I can't wait to see my ultimate crush!"sabi pa niya. Napailing na lang ako.
"Nabugbog ka na't lahat si Arlo pa rin ang nasa isip mo?"tanong ko.
"Dzuh! Hindi naman si Arlo ang ultimate crush ko."napapairap na sagot niya. Nagtaka ako sino naman kaya?
Lumipas pa ang ilang oras at ikinuwento niya na naman ang mga katangian ng crush niya. Kesyo gwapo daw, ang angas daw ng buhok, pero ang sungit naman daw.
"Hindi ko nga alam ang gagawin ko ng makita ko siya sa labas ng ospital nung lumabas ako. As in! Ang pogi niya mah fren!"
"Eh sino ba naman kasi yang crush mo? Patingin nga?"tanong ko at sumubo ng gummy bear pero halos mailuwa ko ulit yun nang iharap niya sa akin ang telepono niya.
ANOOOO?!!
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...