CHAPTER 24

1.2K 51 1
                                    

Royalty's POV

"Nay, umalis na kayo dito!"mabilis na sabi ko pa.

"H-Ha?! Anong tingin mo sa amin hindi marunong bumaril?!"sigaw pa niya.

"At sa tingin niyo may dala kayong weapon?! Bilisan niyo na lang! Kuya, ikaw na ang bahala kina Nanay at Tatay!"malakas na sabi ko sapat na para mapakinggan ni Kuya.

Umalis sila habang pinapalibutan ng mga bodyguards namin.

Muli kaming nakarinig ng malalakas na tunog ng baril na lalo naming kinaalerto.

"Dapat sumama ka na lang sa mom mo. Kami na ang bahala dito."inis kong nilingon ang lalaking ito. What?!

"Woi, eh hindi mo nga ako mabitawan eh tapos ngayon ka pa magsusuggest ng ganyan?"inis kong tinanggal ang kamay niya sa bewang ko. Tsk, loko din 'to

"Nasan na kayo Valks Family?! Tama na ang tagu taguan! Magpakita na kayo!"napangisi ako.

Saglit akong sumilip sa isang butas nitong mesa at doon ko nakita ang venue. Nakaalis na ang lahat at tanging kami na lang ang natitira.

"Mad, diba sina Ybo yan?"bulong ng isang lalaking may silver na maskara.

Mad? Sounds familiar..—

"Yeah they are halata naman diba?"sarkastikong sabi pa ng isa. Ang iingay nila! They remind me of Maddox and his eggs.

Wtf Royalty?! Yun pa talagang buang na yun ang iniisip mo?! Tsk!

Mabilis akong tumayo at nagpakita sa grupo nina Ybo. He's holding a sniper at ang iba naman ay 45 caliber ang gamit. Tss.

"Yun naman pala eh--- Tingnan mo nga naman kapag sinuswerte ka! Kasama mo din ang Xenon Executioners?! Wow! Nice collision! Magkakasama kayo, at magkakasama din kayong mamamatay!"kampante akong naglakad at tiningnan pa rin si Ybo.

"Royal come back here! Ano bang ginagawa mo?!"rinig ko pang sabi ng lalaki pero hindi ako nakinig.

"Alam mo Ybo, mahirap sa isang lalaki ang lalaban sa isang BABAE ng mayresbak."malamig na saad ko. Narinig ko ang tawa ng kasamahan ng misteryosong lalaki.

"Aba't-- hinahamon mo ba ako Royal Valks?!"anas pa ni Ybo.

"Hahamunin pa lang sana kita. Pero tandaan mo Ybo, wala akong kasalanan kapag namatay ka."

"G*go ka pala eh!"mabilis niya akong sinugod ng suntok na kaagad ko namang nailagan. Muli niya itong sinundan ng isa pang suntok pero hindi pa rin ako natamaan.

"A-Ano bang ginagawa mo Royal?!"anas ng misteryosong lalaki.

Tanging ngisi lang ang naisagot ko. Mabilis kong sinipa ang tiyan ni Ybo dahilan para mapaatras siya.

"Sumusuntok ka ba talaga o kumakaway sa ere?"nang-aasar na tanong ko pa. Nagulat ako dahil sa mabilis niyang naitutok ang baril niya sa akin. Hawak ko ang baril ko pero hindi ko agad iyon naitutok sa kanya, pero alam kong nakadireksyon pa rin ito sa kanya ng hindi niya alam.

Sa tiyan niya...

"Ngayon, patas na ang laban. Mabilis ka man sa pag-iwas pero titingnan natin kung mabilis ka din sa pag-iwas sa sunod-sunod na bala!---"ipinutok ko ang aking baril sa mismong tiyan niya.

Napansin kong kakalabitin pa niya ang gatilyo pero nabaril ko na agad ang kamay niya. Malakas na daing ang isinigaw niya.

Doon na kumilos ang mga tauhan niya at itinutok sa akin ang mga baril pero halos magulat ako sa biglaang paghila sa akin ng misteryosong lalaki dahilan para mapasandal ako sa dibdib niya.

Ang bilis ng tibok ng puso ng kinginang 'to!

"Ang isang ginto ay hindi pinauulanan ng bala dahil kahit masira man ito ang bawat piraso nito lahat ay may kwenta. Ngayon, ibababa niyo ang mga baril niyo? O sabay sabay tayong sasabog sa lugar na ito?"nanigas ako sa linyang iyon.
Ayoko pang mamatay, wala pa akong asaw-- diploma!

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon