CHAPTER 51

834 37 0
                                    

Royalty's POV.

Gabi na at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog.
'Dahil gusto kita Royalty' ang linyang yan ni Maddox ang nagpaulit ulit sa isipan ko hanggang ngayon! Anong oras na?

Alas diyes na ng gabi?! Tsk!

Nagbihis ako at napagpasyahang lumabas muna suot ang isang jacket at mask na kinagawian ko na sa tuwing lalabas ako sa gabi.

Mabilis akong pumunta sa bintana at nagpasabit sabit na sa puno pababa.

Nang makababa ako ay umakyat ako sa napakataas na pader at nililingon ang guwardiya naming tila makakatulog na dahil sa puyat. Matapos ay naglakad na ako at tumingin sa paligid.

Mula sa aking direksyon ay may ilang tao pa akong nakakasalubong, may ibang mga minor de edad na nakatambay pa sa tindahan at sa labas ng bahay nila. May ilang nagbabangayan at nagtatawanan, at may ilang nag-iinuman.

Hindi ko alam kung saan na ako napadpad, kaya't muli kong inobserbahan ang paligid. Parang papalapit ako sa napakaingay na sigawan, malapit ako sa isang abandonadong Arena?

Masusi ko itong tiningnan at inaninag ng ayos pero talagang hindi ko mawari ng maayos kaya't napilitan akong pumasok.

Nagulat ako ng may isang napakatangkad na lalaki ang humarang sa akin, nakakrus ang kamay nito at kitang kita mo ang tapang sa mata nito.

"Codename?"malaking boses na tanong nito.

"Royal."natigilan ito at mabilis na umalis sa dapat na dadaanan ko. Maglalakad na sana ako ng lingunin ko ang lalaking iyon.

"Wag mong sasabihin sa iba na nagpunta ako dito."sambit ko pa bago tuluyang pumasok. Habang papalapit ako ay siya ding lakas ng sigawang iyon.

Nang buksan ko ang malaking pintuan ay napakadaming tao ang sumalubong sa akin, nagsisigawan ang mga ito. Mukhang may laban na magaganap sa Arenang ito. Muli kong isinarado ang pintuan at pumunta sa madilim na parte ng Arena tsaka inobserbahan ang buong lugar.

Napapitlag ako sa biglaang pagtunog ng telepono ko at nagpunta sa tagong parte para sagutin ang tawag, ano kayang kailangan ng lalaking ito?

"Hatinggabi na Elixir, anong kailangan mo?!"malakas na tanong ko at napagpasyahang lumabas ulit.

"Pumunta ka na ngayon sa ospital Royal! Please!"dumagundong ng husay ang puso ko.

"O-Ospital? Ba-Bakit? Sinong nandiyan?!"mabilis akong napatakbo at sumakay sa isang taxi.

"St. Bernard's! Si Eli, nabangga ang sinasakyan niyang kotse."sa pagkakataong iyon ay tila nawalan ako ng enerhiya.

"Manong St Bernards bilis!"malakas na sabi ko.

--

Mabilis na takbo ang ginawa ko at agad na nahanap ng mata ko sina Maddox.

"Nasan siya?!"tanong ko. Naramdaman ko ang mga yabag na tumatakbo at papunta sa OR doon ko nakita si Eli, duguan siya

"Eli!"hinawakan ko ang kamay niya at sumabay papasok ng OR.

"Maam kailangan niyo na pong lumabas! Sterile po ang area na ito--"mabilis kong inilabas ang baril ko at itinutok iyon sa mga doktor.

Naramdaman ko ang paghawak sa aking kamay ni Eli.

"R-Royalty you d-don't ne-need to do this I-I can't make it. Ba-Basta lagi mong tatandaan na ma-mahal na mahal na mahal kita kahit alam kong hanggang kaibigan lang ta-talaga ang kaya mong ialok. Sa o-oras na maputol ang hininga ko ba-babantayan kita at h-hindi pababayaan"naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking pisngi.

Hindi hindi siya pwedeng mamatay!

"Eli, lumaban ka! Ang hina mo naman eh! Diba nangako ka, nangako ka na magtatravel tayo sa buong mundo? Na magiging ninong at ninang tayo? E-Eli please lumaban ka, pa-para sa akin"

"L-Lumaban ako, ipinaglaban kita pero SIYA ang nauna. Mas mahal ka niya, m-mas magagawa niya ang pangako niya ke-kesa sa akin na malapit n-ng mamatay. Don't beg me to stay and live, it's my destiny. I-I love you, a-at nagawa k-kong iligtas ka ng-ngayong araw. Aaaah--!"parang nawasak na ng tuluyan ang mundo ko. Pumikit na ang mga mata niya

Eli...

"Royal! A-Are you okay?? Royal talk to me--"

"I hate myself."kasabay nun ay ang pagtutok ko ng baril sa aking sentido.

"Stop that!"tumalsik ang baril na hawak ko at naramdaman ko ang biglang pagyakap sa akin ni Maddox.

"S-Si Eli, wala na ang kaibigan ko! AAAAAAAAHHH!"malakas na sigaw ang pinakawalan ko. Nagagalit ako sa sarili ko, kung sana lang ay nanatili ako sa tabi niya sa loob ng ilang Linggo naming pagsasama! I hate you Royalty!! I hate you!!! Ang laki mong g*go!!!!

"Shh stop, Royalty calm down."

Maddox's POV.

Nanatili akong nakayakap sa kanya, umiiyak na siya at hindi alam ang gagawin. Nandito kami sa labas ng ospital at hinihintay ang pamilya ni Royal.

"Hindi mo dapat ako pinigilan. I should've killed myself, wala akong saysay na kaibigan. Napakahina at walang kwenta ko."sambit pa nito. Paano niya nagagawang magsalita ng ganito sa harap ko? Akala ba niya hindi ako nasasaktan sa ginagawa niya? Mahina akong napatawa at nanatiling nakayakap sa kanya.

"You love him"mahinang saad ko.

"Sobra."

And now it kills me, it hurts.

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon