Royalty's POV.
Tapos na ang book signing at kasalukuyan kaming naghahanap ng makakakainan ni Marcos.
"Hindi ko man lang nakita si Dutertords! Hmp"sabi pa niya.
Natatawang napailing ako.Napalingon ako dahil sa tumunog ang phone niya. Mabilis na nanlaki ang mata niya at sinagot iyon.
"Hello Da-Dad? D-Dad! E-Eto na nga uuwi na ako! Na-Nasa Davao Sorry, give me six hours at nandiyan na ako!"mabilis niyang pinatay ang tawag.
"Nakakainis naman si Dad, pa-paano na yan? Kailangan ko nang umuwi! Isakay mo ako sa bus!"nagmamaktol na sabi pa niya. Inang 'to?!
"Hindi ka ba sanay bumiyahe ng mag isa?!"anas ko.
"Mema lang ba't ba? Sige na, ayan na yung bus oh! Pasensya na hindi na tayo magkakasabay pauwi. Sampalin mo kasi si Jenny sa susunod! Babye!"sigaw niya at tumaas na papasok sa bus. Natatawnag napailing ako, nang makaalis ang bus ay nawala ang ngiti ko.
Wala na naman akong kasama, malungkot na naman.
Dala ang dalawang malalaking paper bag ay tumigil muna ako sa isang shade at naupo muna sandali. Halos tatlumpung minuto din akong nakaupo at napapitlag ako sa isang kulay itim na van.
"Sumama ka sa amin kung ayaw mong masaktan!"nagpumiglas ako pero hindi ko nagawa, dahil sa pagkagulat ay mabilis nila akong naipasok sa van!
Inihagis din sa akin ang dalawang paperbag na dala ko. Aba't bastos ang mga 'to ah!
"Pakawalan niyo ako dito! Kung ayaw niyong masaktan! Hoy!"singhal ko pa. Dahil sa inis ay sinipa ko ang pintuan dahil para mapingkot ang parte nito.
"Anak ng! Ayoko na Maddox! Mawawasak tong kotse ng Tito ko! Ang lakas mong sumipa Royalty! Grabe ka!"tinanggal ng pamilyar na lalaki ang bonet na nakatakip sa buong mukha niya. Halos manlaki ang mata ko, kilala ko sila!
"Mga walang-hiya kayo!"sabi ko at inihampas pa sa tatlong ito ang paperbag na dala ko.
"A-Aray ano ba?!"rinig ko pang daing ni Maddox. Ang kapal ng mukha niya!
"Hoy! Bakit ba isinakay niyo ako dito ha?! Ano bang trip niyo?! Ibaba niyo nga ako!"sigaw ko pa.
"Kinikidnap ka namin. Sabi yun ni Maddox eh!"sabi pa ng isa.
"You f*ckers!"singhal naman ni Maddox. Natigilan ako ng marealize ko na si Maddox nga pala 'to.
"Ikaw! Ikaw ang may dahilan kung bakit nag-away kami ni Jenny! Kakalbuhin talaga kita arrgh!"sabi ko pa pero mabilis at malakas akong napigilan ng dalawa.
"Ako pa ang may dahilan? Ikaw tong nagpasampal?"sabi pa niya.
Aba't--
"Hoy! Hindi ako nagpasampal, nagulat kasi ako!"sigaw ko.
"Dapat sinampal mo din!"sabi ng lalaking umayaw kanina.
"Eh kung kayo ang sampalin ko?! Saan niyo ba ako dadalhin,
you kidnappers!"sigaw ko pa."Wow, lakas maka-roleplay ah. Tsk tsk tsk"kalmadong sabi naman ng isa pang lalaki at nagcecellphone pa.
"Tumahimik nga kayo Caleb at Calliber! Ibabangga ko tong van na'to!"singhal ni Maddox.
"Bakit ba kasi may pakidnap kidnap pa kayong nalalaman?!"malakas na sabi ko pa.
"I need something from you."si Maddox.
"Eh bakit sa akin?! Matapos mo kaming pag awayin ng kaibigan ko, ako pa rrin ang g*g*guhin mo?! Ayoko! Ibaba niyo ako!"sigaw ko at muling sinipa ang pintuan ng van.
"Ho-Hoy maawa ka naman, ako ang mapapatay ng tito ko eh! Ang lakas mo naman kasing sumipa! Itali mo ang paa niyan Calliber!"sabi nung Caleb.
"Ayoko nga, mamaya mukha ko pa ang mapingkot. Mahirap ibalik ang ganitong rare na mukha."nagpabalik balik ang tingin ko sa dalawang ito.
"Ang tamad mo, palibhasa kamukha ka ng ingrown ko. Maddox ikaw nga ang magtali!"sabi pa ni Caleb. Gusto ko mang matawa ay kailangan kong pigilan, ganito ba talaga silang tatlo kakukulit?!
"Ang kapal ng mukha mong alipunga ka, kita mong nagdadrive ako tapos ako pa ang uutusan mo?!"si Maddox naman.
"Pag tapos na kayong magbangayan pakibaba na lang muna ako sa kanto ng West."saad ko.
"Sinong may sabing sa West kita ibababa? Dun tayo sa bahay ko, may pag-uusapan tayong importante."napairap ako.
"Mas importante pa ang pagkakaibigan namin ni Jenny kaya kung pwede lang ibaba niyo ako at kakausapin ko ulit siya."sagot ko.
"Ang manhid mo, hindi ka na nga itinuturing na kaibigan ipinipilit mo pa rin? Gaano ba siya kahalaga sa'yo? Alam mo ba ang sikreto niya at alam niya ba ang sikreto mo?"natigilan ako pero agad ding nakabawi.
"Bakit alam mo ba ang sikreto namin?"pabalik na tanong ko.
"So may sikreto nga talaga kayo?"natigilan ako at umiwas ng tingin.
Bullsh*t.
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...