CHAPTER 26

1.2K 51 0
                                    

Royalty's POV.

Hindi ko ba alam, hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari! Ewan ko ba! Parang kahapon lang nangyari pero pakiramdam ko nangyayari pa rin ngayon. Ang gulo!

"Talaga bang ayos ka lang mah fren? Kailangan ayos ka, dahil sasamahan mo pa ako para sa date namin ni Maddox."napangiwi na lang ako pero agad ding nakaramdam ng kung anong kirot sa dibdib ko?

"Date? Seryoso ka ba talaga diyan? Date ba talaga yung s-sinabi ni Maddox?"tanong ko pa.

"Yes!"masiglang sagot niya.

"Ha?! Date?! Kayo?! Magdedate kayo? Weeeh?"si Marcos. Mahina ko siyang siniko na ikinatawa niya lang.

"Oo, bakit? Hindi ba kayo naniniwala?"napabuntong hininga ako.

"Ka-Kasi minsan hindi natin kailangang mag expect ng mag expect, dahil minsan expectation gives us disappointment. I mean, baka masaktan ka lang kapag lalo kang nag expect or nag-assume."paliwanag ko.

"So you mean nag-aassume ako ganun?"nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Jenny.

"Ang ibig niyang sabihin Jenny, nag-aalala siya sa'yo. Pero hindi siya nagsasabi na assumera ka, pwera na lang kung natatamaan ka talaga."si Marcos.

"Alam niyo? Napapansin ko lang na parang kontra kayo sa akin at kay Maddox? Pinagtutulungan niyo ba ako para matuloy hindi matuloy ang date namin o baka naman naiinggit ka lang mah fren?"nagulat ako sa sinabing iyon ni Jenny. Bakit parang nag-iba ang ugali niya ngayon?

"Sige lang magyabang ka pa. Paano ka ba naman hindi iimbitahan ng PRECIOUS Maddox mo, eh panay dikit ka sa kanya nung Lunes pa lang? Tsk."nakita ko ang pagkagulat sa mata ni Jenny.

"Hindi ito ang tamang oras para mag-away. Pasensiya na Jenny talagang nag-aalala lang ako sa'yo pero suportado kita basta sa kasiyahan mo."saad ko. Natahimik sila.

Sana lang ay maganda ang mangyari mamaya. Sana lang talaga.

"Pumapayag ka na lang na taray tarayan niyang kaibigan mong yan? Kung ako lang din naman ang masusunod hindi papasa sa akin ang ugali niyan."bulong ni Marcos.

"Marcos hindi naman kasi ako naghahanap ng gulo atsaka normal na sa akin ang ugali niyang yan."sagot ko sapat na para mapakinggan niya.

"Isa ka pa din eh kinukunsinti mo kasi. Basta ako nagpaalala ha, kailangan mo ding makipagsagutan kung kinakailangan."hindi na lang ako sumagot at nakinig na lang ulit kay Prof.

"Kaya nga gusto kong ipaalam sa inyo na hindi lahat ng kaibigan ay kaibigan din ang turing sa inyo, remember that."natigilan ako sa sinabing iyon ni Prof, napalingon akong muli kay Jenny.

I know that she's my friend. At alam kong kaibigan niya din ako. Ramdam ko yun.

--

Pasado alas sais na at heto ako nasa bahay nina Jenny para hintayin siya. Oo alam ko, tsk! Ako ang kilala bilang chaperon, happy na?

"There she is! Iiihhhh! Ang ganda mo baby!"matinis na tili ni Tita dahilan para takpan ko ang aking tenga.

Nakita ko ang pagbaba ni Jenny sa hagdan. Indeed beautiful, tumingkad ang kulay niya sa kulay ubeng saya na pinarisan ng kulay ubeng stiletto.

"I'm really beautiful, and i'm proud."sagot naman ni Jenny.

"Mah fren! Maganda ba ha?!"tanong pa niya ng nasa kotse na kami.

"Oo."sagot ko at muling ngumiti.

"Eh yung bangs ko?! Pantay ba ha?! Ayos ba?? Ano?"pilit akong lumingon sa kanya.

"Oo Jenny, maganda."sagot ko.

Nakarating kami ng restaurant at doon bumungad sa amin si Maddox. Naka-tuxedo ito na ikinakuha ng interes ko. That tuxedo it's familiar.

"Oh? May kasama ka pang chaperon?"hindi ko alam pero ramdam ko ang pang-aasar ng lalaking ito sa akin. Nagsimula na silang MAGDATE habang ako naman ay sa kabilang table naupo.

Great just great.

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon