CHAPTER 8

1.6K 67 0
                                    

Royalty's POV

Nang matawag ang pangalan ko ay nagdiretso akong pumunta sa gitna habang magkahawak pa ang aking kamay.

Kinakabahan ako sa totoo lang pero lamang pa rin yung excitement. Namiss ko ang ganito

"Hi Royalty. Parang pamilyar ka sa'kin."tumango lang ako.

"So let's start?"nakangising sabi niya.

Tumango lang ako at ipinuwesto ang aking katawan.

Ako ang una niyang pinasugod na agad ko namang ginawa. Mabilis kong isinipa ang paa ko papunta sa ulo niya pero agad niyang nasalag. Siya naman ang sumugod na agad kong kinaalisto.

Malalakas at mabibilis na suntok ang ibinigay niya, nahagip ko ang kamay niya at umikot sa likod para hindi siya makagalaw.

Maging ang isa niyang kamay ay kinuha ko at ibinagsak siya sa sahig pero agad siyang nakawala dahil nasungkit niya ang paa ko dahilan para ako ang malagay sa posisyon niya. Nanatili akong kalmado at mabilis na iginalaw ang isa kong paa at sinipa ang pwetan nito. Nabitawan niya ako.

Ang mga galaw na ibinibigay niya ay nagbibigay sa akin ng dahilan para isipin kong kilala ko nga siya.

"Sabi na nga bat kilala na kita."nakangiting sabi niya. Nilingon ko ang mga miyembrong nagtataka na sa pinag uusapan namin.

Mabilis siyang sumugod pero agad kong nasalag muli akong umikot sa likod niya at this time pati paa niya ay ini-lock ko na din. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya.

"Stop!"mabilis na itinigil ni Coach ang laban at napasinghap ang lahat. Sino nga bang hindi magugulat kung akong isang bagong miyembro ang nakatalo sa isang black belter na ito?

Bago matapos ang klase ay masamang tingin pa ang ibinigay sa akin ni Karla bago lumabas, may ibang lumapit sa akin at sinabing ang galing ko daw. Hindi ko alam kung papuri ba yun o pamamalastic.

"Papaano mo naibalibag ng ganun ganun na lang si Karla? Grabe, ba-bago ka pa lang ba talaga sa martial arts?"tanong ni Marcos.

Napailing ako at itinuro ang aking sentido.

"Kung gagamitin mo sa pakikipaglaban ang utak mo, paniguradong mananalo ka pero kung nakapatong lang utak mo at hindi mo ginagamit talagang kulelat ka."sagot ko.

"Master, paturo naman!"nang-aasar na sabi niya. Napailing na lang ako.

Napagpasyahan naming pumunta sa canteen para kumain at ganun na lang ang pagkagulat ko ng bigla akong sinalubong ng varsities sa loob.

"Royalty, pa-parang awa mo na. Huwag mo nang ipakulong si Ikov, may gusto siya sa'yo diba?"mahina akong napatawa.

"Sa tingin niyo ba sapat na dahilan yun para pakawalan siya sa kulungan. At hindi dapat kayo sa akin humihingi ng permiso, dapat kay Jenny dahil sa lahat lahat siya ang biktima. At ngayon may sapat na dahilan ako para lalong kaayawan si Ikov."sagot ko at iniwan sila tsaka pumila.

"Si Ikov nakakulong?"tanong ni Marcos ng makaupo kami sa pandalawahang table.

"Oo, nagplano siya na bugbugin si Jenny nang dahil sa akin."sagot ko.

"Se-Seryoso?"tanong pa niya.

"Kasama sina Aiden."sagot ko pa.

"Edi ayos nabawasan ang mga bully sa university. Alam mo bang nagpapatakbo din ng fraternity yang si Ikov?"natigilan ako.

"Ang gusto kong malaman ay sino ang mga miyembro niya noong binugbog si Jenny, gusto ko silang makita."

"Hindi mo alam kung gaano kadelikado ang gang ni Ikov, nakakatakot sila. Kaya kung anong balak mo ay wag mo nang ituloy. Babae ka pa naman."nanatili akong walang imik ng sandaling iyon.

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon