CHAPTER 13

1.4K 67 0
                                    

Royalty's POV

ANOOO?? Ba-Bakit sa lahat ng pwede niyang makita at maging crush yan pa?! Jusko naman!

"I know right! He's Maddox Elixir Fontemayor the hottest richman in the Florence Incorporation."halos mapanganga ako sa mga nakita kong picture sa phone niya.

Ma-May ibang larawan na naka topless ang lalaking ito pero mas lamang ang picture niya na nakapolo at pants lang. Hi-Hindi ko alam pero-- ewan ko!

"Susko, iniiwas iwasan ko lang yang crush mo kahapon eh."pag-amin ko. Napanguso siya.

"That's why gusto ko nang pumasok, i really love how he stand. Lalaking lalaki ugh!"malanding sabi pa ni Jenny.

"Magpagaling ka muna, hindi naman mawawala yang lalaking yan. Atsaka papaano mo naman siya nakilala?"tanong ko. Napatili siya na ikinatakip ko sa aking tenga.

"My god?! Saan bang lupa ka tumapak bago dito Royalty ha? Nakilala ko siya dahil kaibigan siya ni Kuya Tyron!"sabi pa ni Jenny na mas lalo kong ikinagulat.

So it means? Ha?! P-Paano?!

"Jenny, Royalty bumaba na kayo handa na ang tanghalian!"tawag ni Tita mula sa baba. Naunang maglakad si Jenny sumunod ako. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon, this can't be happening.

Nagsimula na kaming tatlong kumain nina Tita, wala si Kuya Tyron at Tito dahil sa mga trabaho nila.

"Mom i can't believe na papasok na ulit ako. I'm excited!"nakangiting sabi ni Jenny.

"Sus, Jenny ha ikaw bawas bawasan mo yang kakirihan mo. Tingnan mo si Royalty oh, may crush ka na ba ija?"nagulat ako sa itinanong na iyon ni Tita.

Nagka-crush na ba ako? E-Ewan

"Since highschool ay wala ka pa ngang sinasabi na crush sa akin mah fren. Mind to tell us?"tanong pa ni Jenny.

"E-Ewan, nung g-grade school lang ako nagkaroon ng crush at hindi na nasundan pa."pag-amin ko.

"At sino naman yun?"nangingiting tanong ni Tita at Jenny.

"H-He's Eli i think?"hindi ko na tanda ang pangalan niya. Tanging nickname na lang niya.
"Huh? Wala naman tayong kaklaseng Eli ang pangalan diba?"napangiti ako.

"Hindi naman kasi natin siya kaklase."

"Sa kabilang section?"muli akong umiling.

"Eh ano?"muling tanong niya.

"Isa siyang batang palaboy.."parehas silang napaubo sa sinabi kong iyon.

"Ba-Bakit naman sa lahat ng bata sa school niyo ay sa labas ka pa naghanap ng crush mo noon?"tanong pa ni Tita. Muli akong napangiti.

Hindi naman talaga siya actually palaboy, pero isa din siya sa hinangaan ko. Sa tuwing lalabas ako ng eskwelahan ay ibinibigay ko ang baon na hindi ko naman nakakain sa kanya pero sa halip na kainin niya ay sa iba't ibang palaboy niya ito ibinibigay.

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon