Royalty's POV.
Hindi ko alam kung may ilang oras kami sa biyahe. Simula nang kidnapin ako ng tatlong ito ay naging lutang na ang pag-iisip ko. Hindi ko alam pero naramdaman ko na rin ang ganitong pakiramdam noong nasa party ako.
Yung tatlong lalaki...
"Nandito na tayo."napalingon ako sa unahan at halos mapanganga ako sa sobrang laki ng bahay na ito.
"Ba-Bahay mo 'to?"tanong ko kay Maddox.
"Yes, and we're rich."nakangising sabi pa niya bago bumaba.
Napairap ako sa yabang na isinagot niya.
"Wag mong pansinin yang si Maddox, may saltik yan ngayong araw. Makisakay ka na lang muna sa kanya."tahimik akong tumango at bumaba na rin."Welcome sa Fontemayor's Mansion. Tara na sa loob."muli akong napairap.
"May kinikidnap bang wine-welcome?"mahinang bulong ko.
May saltik nga yata ang isang 'to.
Ang tanging masasabi ko lang, ang laki ng bahay. Dinaig pa yata nito ang Mall sa laki. Napapitlag ako ng makakita ng limang malalaking aso. Jusko naman, pwede namang butterflies BAKIT ASO PA?!
"'Wag kang mag-aalala, hindi naman nangangagat ang mga yan. Nangangalmot lang."natatawang sabi pa ni Maddox.
May sa lahing pusa pala ang mga aso niya kung ganu'n.
Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay halos ngumanga na naman ako. Did I mention na napakaganda ng bahay niya?! Ito ang dream house ko simula pa nung bata ako!!! It's insane.
"Ikaw? May bahay ba kayo?"nawala ang ngiti ko at seryosong nilingon si Maddox.
"Anong tingin mo sa amin, sa bangketa natutulog?"tanong ko.
"Chill. There's a possibility."mabilis ko siyang inambahan ng suntok.
"Ang yabang mo ah, kanina ka pa."sagot ko pa.
"Kaya nga Mad, babaan mo na yang yabang mo. May bisita ka eh."napairap ako.
"So yung bisita ngayon, kinikidnap na? Ang galeng"sarkastikong sagot ko pa.
"Ano ba talagang kailangan niyo sa akin? Bakit ako? Bakit niyo ako kinuha? Bakit hindi kayo manawa sa mukha ko?"inis na tanong ko pa.
"Dahil may gusto ako sayo."natigilan ako.
"A-Anong sabi mo?"paglilinaw ko.
"Dahil may gusto ako sayong ipagawa, yun yon. Assuming ka din eh. Magkaibigan nga kayo nung peke mong kaibigan."asik pa niya at umupo sa sala na sinundan ko.
Umupo din si Caleb at Calliber."Pa-Paano niyo nalaman na nasa Davao ako?"tanong ko pa.
"Itinanong ko kay Jenny. Besides gusto ko lang naman siyang asarin pero nahuli ko agad ang ugali niya that's why lalo ko pa siyang ininis."
"Ikaw talaga ang may kasalanan ng lahat. Ikaw ang may dahilan kung bakit nagkagalit kami ni Jenny!"asik ko.
"Hindi mo ako masisisi, ikaw eh, nagpasampal ka sa kanya."
"Paulit-ulit ka naman kasi! Hindi nga ako nagpasampal, nabigla lang ako kaya hindi ako nakaganti."sagot ko pa.
"Do me a favor. I'll pay you, deal?"
"Hindi mo pa nga nasasabi ang favor mo nakikipagdeal ka na agad?"
"Isusulat mo ako ng libro at gagantihan mo ng sampal si Jenny."napasampal ako sa noo ko.
"Alam mo, ang laki mong tanga. Sa dinami dami ng magagaling na manunulat, ako pa talaga?"natatawang tanong ko at hinampas pa ang aking hita.
Nakita ko ang pagtayo niya at ang pagtalikod. Saan siya pupunta?
"Te-Teka-- Bakit kailangan mo pa akong kidnapin kung igagawa lang naman kita ng libro atsaka talaga bang kailangan kong sampalin si Jenny?"anas ko.
"Bakit hindi ikaw, ikaw ang kilala ko besides pag-isipan mo muna bago ka makipagdeal sa akin. You have 2 weeks para manatili dito."
"Bakit dito ako titira for two weeks eh may bahay naman kami?!"anas ko.
"I'll monitor you, kung ikaw nga ba ang nagawa ng libro o hindi."sagot niya at tumalikod. Pero nagulat ako ng muli siyang humarap sa akin.
"By the way, crush kita."nanlambot ang tuhod ko sa huli niyang sinabi.
"Deeeeeym!"sigaw ng dalawa at nagsimula ng magtanong ng kung ano ano sa akin.
A-Ano daw?!!! ANOOOOOOO?! Napahawak ako sa puso ko.
"Ta*gina mo! Wag kang magpapakita sa akin Maddox!"sigaw ko pa.
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Acción[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...