CHAPTER 34

1K 44 0
                                    

Royalty's POV.

Pangatlong araw ko na dito sa bahay ni Maddox pero pakiramdam ko ang bilis. Pero nabubwisit pa rin ako sa mga kalokahan at pang-aasar na ginagawa niya sa akin kahapon pa!

Hindi ko alam kung buang ba yun o talagang manyakis.

"Hey Celeste!"napabuntong hininga ako. At simula kahapon, Celeste na ang tawag niya sa akin. I really hate him.

"Ano na naman Elixir?!"pasahol na sagot ko at nanatiling nakatutok sa laptop.

"Anong ibig sabihin ng 1 plus 1?"nangunot ang noo ko at nilingon siya.

"Maski daycare ay alam yan, kaya wag kang magtanong na para bang hindi ka dumaan sa daycare."sagot ko at muling ibinalik ang tingin sa laptop.

"Sus! Sagutin mo na lang kasi."

"Addition ang sag--"mabilis niya akong pinutol sa pagsasalita.

"Mali. 1 plus 1 is equal to FOREVER."

"At bakit naman ganun ang sagot dun? B*b* ka."diretsahang sagot ko.

"You and Me, TOGETHER. Yiiieeee!"

"Alam mo ang harot, landi, manyak, at kulit mo. Lalaki ka ba talaga o jejemon? Alam ko na ang disorder mo, kahapon ko pang iniisip yun eh."sagot ko.

"At ano naman yung disorder na yun?"

"G*gonism. Ganda noh?"sagot ko. Ang cringe niya sa totoo lang.

"Anong trabaho ng mga magulang mo?"natigilan ako at nilingon siya.

"That's personal, ang trabaho ko dito ay gumawa ng libro. Hindi magpa interbyu."sagot ko.

"Chill. Anong chapter mo na diyan sa sinusulat mo?"tanong niya. Nilingon ko ang laptop at mabilis iyong isinara.

"M-May ka-kasabihan ka-kaming mga manunulat. A-Ano... bawal ipakita ang isang librong hindi pa tapos s-sa nagpapagawa nito."sagot ko pa.

"Ganun ba yun? Tsk, basta tapusin mo yan. Sayang ang 25k kong ibibigay sa'yo."sabi pa niya at tinalikuran ako.

"Ewan ko sayo, kahit kailan wala kang sense na kausap."sagot ko pa. Nagring ang phone ko at mabilis na sinagot ang natawag sa akin. Saglit ko pang nilingon si Maddox bago sagutin ang tawag.

"Hello Nay?"sagot ko.

"Nasan ka ba talaga Royalty? Padalawang araw ka nang wala dito sa bahay, baka naman may nobyo ka na ah! Baka ibinahay ka na!!"madiin akong napapikit.

Lumabas muna ako saglit at lumingon lingon pa sa paligid.
Kailangan kong mag ingat, baka may makarinig ng pinag-uusapan namin.

"Nay, wala. Nandito ako sa bahay ng kaklase ko. Diba, ipinaliwanag ko na sa inyong dalawang linggo ako dito."sagot ko.

"Jusko! Alam mong ikaw ang iniingatan namin pero talagang napakatigas ng ulo mo, siguraduhin mo lang na babalik ka pagkatapos ng dalawang linggo. Nagsisimula ng gumalaw ang mga kalaban at minamanmanan ngayon ng mga Kuya mo ang mga yun."napabuntong hininga ko.

"Opo Nay, eh kumusta naman ang empire?"medyo pabulong kong sagot.

"Sa ngayon, pinanghahawakan sila ng mga may kapangyarihan kaya't ligtas sila, hangga't buhay tayo lalo na ikaw."nakahinga ako ng maluwag.

"Royalty, alam mong ikaw ang tanging kayamanan ng emperyo. Kaya't mag-iingat ka lagi lalo na't hiwalay ka sa amin ngayon. Ikaw ang simbolo ng tagumpay ng Lolo mo kaya't wag mo siyang bibiguin."

Naalala ko na naman ang mga pangyayaring iyon, ang mga sandaling nakita ko si Lolo. Nakita ko siyahabang sinasaksak at sinisipa hanggang sa mawalan ng buhay. At sinisisi ko ang sarili ko dahil sa pangyayaring iyon.

"Sinong kausap mo?"halos mabitawan ko ang aking telepono.

"Si N-Nanay ipinapadala ko dito ang uniform ko. Kailangan ko pa rin daw pumasok kahit na dalawang linggo ako ditong mananatili."napapapikit na sagot ko.

"Tss, pumasok ka na pagkatapos. Food is ready."sabi pa niya. Muli kong nilingon ang tawag at sumagot kay Mama.

"Naku Royalty Celeste! Ang kaharutan may lugar yan ah! Sino yang lalaking yan?!"

"Nay kaibigan ko lang siya!"halos masuka ako. Kaibigan, pero ang turing sa akin crush?!!! Pwe!

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon