Royalty's POV.
Uwian na. Pero parang naiwan ko pa rin ang pag-iisip ko sa eskwelahan. Ewan ko ba, nang mangyari ang insidenteng yun ay nagkaroon na naman ako ng interes sa mga gangster na yan.
"Anong plano natin? Wala tayong magagawa lalo na't nakakulong si Ikov."napintig ang tenga ko at nagtago sa isang pader.
"Wa-Wala din tayong sapat na pera para palayain si Ikov. K-Kung lalaban tayo mamaya sa Gang Clash ay magkakaroon tayo ng pera kapag nanalo tayo.
Pwede natin yung ipangpiyansa kay Ikov."nangunot ang noo ko.Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang mga kasama ni Ikov ng binugbog si Jenny.
"Tanga ka ba talaga?! Eh paano kung matalo tayo dun?! Mamamatay lang tayo. Hahanap tayo ng para--"lumabas ako sa aking pinagtataguan at nagpakita sa kanila. Nanlalaki ang mga mata nilang tiningnan ako.
Bahagya pa akong napangisi ng makilala ko kung sino sila.
"Nice to see you all"saad ko. Walang takot akong umupo sa mesa nila at hinagip ang kutsilyong nasa bewang ni Lucio.
"R-Royal! I-Ikaw, bu-buhay ka!"nagugulat na sabi pa ni Romeo.
Mabilis kong isinaksak sa nakapatong niyang kamay sa lamesa ang kutsilyong hawak ko.
"Aaaah!"malakas na daing pa niya.
"Mga tara*tado kayo, ang hilig niyong magtago. Kilala niyo ba kung sino ang babaeng binugbog niyo?"nanatiling kalmado ang boses ko.
"R-Royal hi-hindi namin sinasadya! Ang tanging alam namin ay may reresbakan kami pero hi-hindi din namin alam na babae pala yun!"si Lucio. Mabilis ko siyang kinuwelyuhan.
"Eh mga pu*****na niyo pala eh! Ga*o ba kayo ha?! Kaibigan ko ang binugbog niyong babae! Kilala niyo kung sino ako at alam niyo kung anong kaya kong gawin, bakit sumunod pa kayo sa walang hiyang Ikov yun?!"inis na sigaw ko. Malalakas at mabibilis na sipa ang pinakawalan ko sa mga ito.
"Ngayon, magsama sama kayong lahat sa kulungan. Mga utak kriminal."sagot ko at tinawagan ang numero ng mga pulis.
"Pa-Parang awa mo na R-Royal hindi kami pwedeng makulong. Kawawa ang nanay ko."napasinghal ako.
"Kung may kakaawaan man ako yun ay ang kaibigan ko. Manahimik kayo at walang sasabihing kahit ano sa pulis na tungkol sa akin. Naiintindihan niyo?"anas ko pero napatango lang sila. Agad ko silang pinagtali tali at iniwan sa ibabaw ng lamesa.
"Romeo, ang dugo ng isang Royal ang ingatan niyo. Nananahimik na ako pero talagang nagpapakita pa kayo. Enjoy your stay, as*es."sagot ko at iniwan sila papalayo.
Narinig ko ang sirena ng mga pulis kung kaya't mabilis akong umalis at nagdiretso pauwi, gamit ang tuwalyang meron ako ay pinunasan ko ang aking kamay. Tapos na ang kaso Jenny, aayos na din ang buhay mo.
"At anong oras na Royalty?! Ginabe ka na naman?! Uwi ba yan ng isang matinong walang hiya?!"halos mapailing ako at iniabot kay Nanay ang isang kahon na naglalaman ng paborito niyang dessert.
"Hala sige, hindi ako tinatablahan nitong mga shuhol mo ah, ang sharap neto."natawa na lang ako at umupo sa salas habang nililingon pa rin si Kuya na nakatingin sa akin.
"W-What?"tanong ko. Pinanliitan ako nito ng mata.
"Huhulaan ko, nakipag-away ka noh?"mahinang bulong nito sapat na para nagkarinigan kaming dalawa. Tumango ako.
"Na-Nakita ko sina Romeo at sila ang gang na kamiyembro ni Ikov."mahinang sagot ko.
"Royalty nag-iisip ka ba? Oras na malaman ni Tatay na nakipaglaban ka ay hindi na tayo makakalabas ng bahay."gitil niya.
Pamilya kami ng sindikato. Oo, isa kami sa mga pamilyang nangunguna sa pinakamalakas na Emperyo. Nasa dugo namin ang pagiging brutal at pagiging marahas. Nasa dugo namin ang pagiging gangster.
Miyembro ako ng GAME o kinikilala bilang Golden Army Mafia Empire. Pero dati yun, at tinalikuran na namin yun pero talagang tadhana na yata sa amin ang ganitong gulo at pamumuhay dahil ang gulo na ang lumalapit sa amin.
"At oras na magsumbong ka kay Tatay, wawasakin niya ang kotse mo."pananakot ko. Napanguso siya at naiiyak na, napahawak siya sa susi ng kotse niya.
"Ang Baby Veyron ko??"tanong pa niya. Tumango ako.
"Hoy, kayong dalawa matulog na ah. Tapos hugasan mo ang mga pinagkainan Clarity."napaayos kami ni Kuya.
"A-Ano? Ba-Bakit ako ang maghuhugas?"si Kuya.
"Tatadyakan kita diyan, hindi purkit lalaki ka ay pagbibigyan kita. Bilisan mo diyan. Napakatamad mo."lalong napanguso si Kuya.
"Ako na nga ang maghuhugas tamad pa?"si Kuya. Napairap ako magsisimula na naman ang dalawang 'to.
Hinagip ni Nanay ang clip ng damit at iniipit iyon sa nguso ni Kuya dahilan para pumalakat ito ng sigaw. Napatawa na lang ako.
"Ayusin mo yang nguso mo."sabi pa ni Nanay at pumasok sa kwarto nila.
Binuksan ko ang laptop ko at nagsimula na ulit mag update. Lahat ng iniuupdate ko ay totoo, maging ang gangster stories kong sumikat. Totoo ang lahat ng iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/222615914-288-k471148.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Acción[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...