Royalty's POV.
Hating gabi na pero heto pa rin ako, hindi makatulog.
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang sinabing iyon ni Maddox.
SIYA may crush SA AKIN?! Funny. HA HA HA
Dahil sa inip ay lumabas na lang muna ako at balak na uminom ng tubig ng makasabay ko si Maddox na lumabas sa pintuan ng kwarto niya. Heto na naman ang walang hiyang puso 'to. Nag iwas ako ng tingin at mas piniling maglakad papunta sa kusina.
"Ano ba talagang kailangan mo sa akin? Bakit kailangan niyo pa akong kidnapin? Look, kaya naman kitang igawa ng libro ng hindi ako dito nags-stay and besides bakit ako pa ang kailangang gumawa ng libro mo? Hindi ka ba marunong magsulat?"pagbubukas ko ng usapan. Umupo ako sa dining table at nilingon siya.
Nakasandal siya sa refrigerator at nilingon din ako.
"I'm not a fan of books."sagot niya.
"And then bakit ka nagpapagawa ng libro sa akin? Ipanghahampas mo lang ba sa ipis?"tanong ko.
"pero kung ikaw ang may gawa, babasahin ko."natigilan ako at napalunok.
"Tell me Royalty, do you have any boyfriend?"nanatili akong tahimik pero agad ding nakabawi.
"Bakit ako? Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng bagay na 'to? Pasalamat ka lang talaga at nakapagpaalam pa ako kina Nanay na dito ako mananatili sa bahay mo ng dalawang linggo. And you think, i can write a book in just 2 weeks?"tanong ko pa.
"Yes you can."
"You're crazy, i can't do that. Hindi ako printer!"anas ko. Lumapit ito sa direksyon ko dahilan para hindi ako maging komportable. Ano ba talagang gusto niya sa akin?
"Sa loob ng dalawang Linggo ay maraming pwedeng
mangyari."sabi pa niya at umupo sa katabi kong upuan.
"You want some midnight snack habang nag-uusap tayo?"napatango na lang ako. Tumayo ito at maraming pagkain na kinuha sa ref at cabinet.
"Earlier. Y-Yung sinabi mo, is that true?"tanong ko at seryosong nilingon siya.
"Ang alin?"tanong niya at binuksan ang isang bag ng chips.
"Crush mo ako?"tanong ko.
"Yes. May masama ba dun?"tanong niya. Paulit-ulit akong umiling at natawa.
"Sa daming babae sa Everest University, why me? Walang espesyal sa akin, i'm just a nobody writer na iniwan ng isang kaibigan."sagot ko pa.
"Yun ang dahilan kung bakit naging crush kita."sagot pa niya.
"Ang weird mo, napaka-komportable mo sa u-usapan na ganito."
"Dahil hindi naman big deal ang ganyang bagay, besides lahat naman nagkakacrush. Ikaw, sino bang crush mo?"tanong niya.
"A-Ano dati pa yun. Pero ngayong high school itinigil ko, ayokong masira ang pag-aaral ko dahil lang sa nga ganyan."sagot ko.
"See? Maski ikaw naging komportable din. Naging crush kita dahil sa mga bagay na nakita ko sa'yo. May iba kang tapang, matalino ka at sikat, atsaka talagang ikaw yung tipo ng tao na ayaw ng gulo. Higit sa lahat may ganda ka na hindi ko kayang maipinta."natahimik ako. Ang puso ko na naman!
"Kaso nagpasampal ka, kaya medyo naturn off ako."dagdag niya. Masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya.
Muli kong iginala ang mata ko sa buong kusina at nakaisip ng ilang tanong.
"Ma-May kasama ka dito sa bahay mo?"tanong ko.
"Wala, bodyguards at mga maids na pang umaga lang ang natao dito minsan."
"Eh ang mga magulang mo?"tanong ko.
"Do i really need to answer that question?"saad niya.
Napanguso ako at inabot ang bag ng chips pero mabilis niyang inilayo.
"A-Ang damot mo, pahingi."
"Questions for the chips, answer for the chips."napairap ako.
"Bakit pa?"tanong ko.
"Am i handsome?"napaiwas ako ng tingin sa tanong niya.
Ka-Kailangan ba talagang sagutin yun?
"Hindi."sagot ko. Ibinigay niya sa akin ang chips na ikinanganga ko lang.
"Ba-Bakit hindi ka namilit?"tanong ko.
"Dahil hindi naman talaga ako gwapo. I'm a goddamn GOD of PERFECTION."muli kong isinubo ang chips na ibinigay niya sa'kin.
"Walang perpekto, tanga!"anas ko. Masamang tingin ang ibinigay niya sa akin.
"Atleast crush kita. Hi crush"nang-aasar na sabi pa niya.
"Ang landi mo."sagot ko. Nagpatuloy pa ang pang-aasar niya hanggang sa mapagpasyahan naming matulog na. Ang kulit niya sa totoo lang tsk!
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...
![Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/222615914-64-k519804.jpg)