Royalty's POV
"Haaaay Maddox, Maddox, Maddox. Bakit ba kasi ang gwapo mo? Pakiramdam ko tuloy hinihila mo ang kaluluwa ko."halos takpan ko na ang bibig ni Jenny.
"J-Jenny, p-pwede bang kahit ngayon lang huwag mo munang banggitin ang pangalan ni Maddox?"tanong ko.
"Galit ka ba sa kanya mah fren? Dinadamdam mo pa rin ba yung kanina? Ito naman oh, ayos lang ako."sabi pa niya.
"J-Jenny tell me na pumasok ka dahil sa grades."diretsang sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot at nag peace sign lang.
"Mah fren, pagbigyan mo na ako please?"sabi pa niya. Isinuko ko ang kamay ko at muling bumaling sa pisara.
Ano bang salamangka ang meron sa pangalan at mukha ng lalaking yun. Gwapo siya, oo! Pero kung ugali ang pagbabasehan isusuka ko muna ang kinain ko sandali.
Nang matapos ang klase ay nagdiretso kami sa canteen at nagpunta muna sa table. As usual, malapit na naman sa amin ang table ng tatlong gulaman na 'to.
"J-Jenny baka gusto mong makishare sa table nina Maddox may isa pang upuan oh."masamang tingin ang ibinigay ko kay Marcos, pipigilan ko pa sana si Jenny pero nakaupo na siya sa MISMONG table nina Maddox.
"A-Ano bang ginagawa mo?"mahinang sabi ko pa kay Marcos.
"Eh ikaw, anong ginagawa mo? Look Royalty, nasabi mo na nga kanina na buong subjects niyo ay puro na lang si Maddox ang bukambibig niya. Well then, let her."napasabunot na lang ako sa buhok ko at ibinigay kay Marcos ang fries na nasa tray ko.
"You really hate fries, dont you?"tanong niya.
"In short i hate potatoes, sa mash potatoes sumakit ang tiyan ko at trauma ako diyan."sagot ko. Nilingon ko si Jenny at kampanteng nakikipag-usap sa tatlong iyon. Well, i guess i should let her.
"Kumusta nga pala sina Ikov, nabisita niyo na ba?"natigilan ako sa tanong na iyon ni Marcos.
"Hindi binibisita ang mga ganung klaseng tao, kung kapalaran nilang mabulok sa kulungan ay talagang kapalaran nila iyon. Mas pinili nilang hindi gumraduate."sagot ko.
"Napakabrutal mo. Oo nga pala, may club meeting tayo."tumango lang ako at tumahimik saglit.
"Royalty, matanong ko lang ah. Mahilig ka ba sa mga gangsters, mafia?"tanong ni Marcos.
"Y-Yeah"
"You know the gang name GAME?"natigilan ako at napahinga ng malalim.
"N-No, what about them?"tanong ko.
"Nothing it's just that napakinggan ko lang din ang gang name na iyon kina Maddox sa males cr. Sinabi pa nga niya hinahanap daw ng gang na yun si Royal. At ang unang pumasok sa isip ko ay ikaw lalo na't ang pangalan mo is Royalty."lalo akong natahimik.
So, they're here? Nakadating na sa kanila ang balita at imposibleng hindi yun kumalat sa Underworld Magazine. Mapapatay talaga ako ni Tatay kapag nalaman niya.
It's been 2 years noong huli kong marinig ang pangalan nila. Ang gang kung saan nabibilang ako. Natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi para sa mga taong malalapit sa akin. Hindi nila pwedeng malaman na ako at si Royal ay iisa. Kahit obvious naman sa pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...
![Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/222615914-64-k519804.jpg)