CHAPTER 50

855 37 0
                                    

Royalty's POV.

Maaga akong nagising ngayon, pakiramdam ko hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pag-uusap namin na iyon ni Maddox. Aiissssh! Bakit ba ang hilig niyang sumira ng magandang mood?! Hindi purkit mas mataas siya sa Valks eh kailangang kontrolin na niya ako?! Bakit?!

"Class as what I've said earlie-- Miss Hernandez! Your attention please!"halos mapatalon ako sa malakas na sigaw na iyon ng propesor namin.

"S-Sorry sir"sagot ko na sinundan naman ng tawa ng ilang mga inggiterang kababaihan sa room namin. Tsk, kung alam lang nila kung sino ako baka ni tingin sa akin ay hindi nila magawa.

"Halos sa dalawang subject natin ay napakatahimik mo Royalty, may problema ba?"tanong ni Marcos. Nanatili akong tahimik at hindi siya sinagot man lang.

Dong Shing Min ang pangalan yun, natataandaan ko yun... pero saan?

Natapos ang klase at napagpasyahan kong pumunta sa library para ibalik ang tatlong librong binasa ko kagabi lang. Sa ssobrang pagkabagot ko ay binasa ko ang mga libro at tatlong oras lang nakatulog.

"Student Number?"tanong ng librarian, ibinigay ko ang numero ko at umupo sa isang upuan matapos.

Dong Shing Min ang kanang kamay ng talipandas naming kalaban. Psh, his life is in danger.

Napagpasyahan kong humanap at pumunta sa isang book section na naglalaman ng ibat ibang uri ng libro tungkol sa Korea.

Hindi ko alam pero sa sandaling iyon ay nakiramdam ako sa aking paligid at doon naramdaman ang isang matalas na tingin papunta sa aking direksyon.

Tss...

Nagpatuloy lang ako sa pagpili at lumipat sa tagong parte ng library, nanatili akong naglalakad at pumunta sa pinakadulong parte kung saan walang tao at pinasunod ang taong nasa likuran ko.

Humarap ako at doon nakahinga ng maluwag, walang hiyang Maddox 'to pinakabog ng mabilis ang puso ko!

Aisssh! Pinakaba niya ako!

"Yan ba talaga ang strategy mo para mahuli ang sarili mong stalker?"tanong niya.

"Bakit mo ako sinusundan?"tanong ko. Natigilan ito at parang naputulan ng dila.

"I-I just need a book na-na nasa section na 'to y-yeah."napangisi ako at napatawa din kalaunan.

"Bible Section? Seriously? Baka masunog ka? HAHAHAHA!"anas ko.

"Tss, look. Gusto kong pag-usapan natin ang tungkol kay Dong shing Min"mahinang sabi nito dahilan para sumeryoso ang mukha ko.

"Saan mo nakuha ang mga litratong yun? Nasaan ang boss niya? Nasaan SIYA?"nagtagis ang bagang ko.

Mabilis niya akong hinila at ako naman ay nagpaubaya na lang sa kanya. Naupo kami sa tagong mesa at doon nag-usap.

"Si Dong Shing Min ay kasalukuyang nagbabakasyon sa Palawan at next week pa ang dating. May binayadan akong imbestigador at isang espiya para sundan siya sa Palawan, at ang mga larawang iyon ang isa sa mga kuha niya galing sa Palawan."napaisip ako at muling nilingon si Maddox.

"We have no time, kailangan ko nang tapusin ang kalokohang ito. Nag-aalala na ako sa mga tao ng emperyo, gusto ko silang kumustahin at matyagan. Gusto ko na ding makita ang alaga kong leon na si Kiloah."sagot ko.

"Maging ako din naman ay gustong makapunta at masiguro ang kalagayan ang emperyo ninyo, pero hindi tayo pwedeng gumawa ng kilos na alam nating baka malaman ng kalaban. Royalty, we have no time yet it's not the right time."napairap ako at inis na nilingon siya.

"Bakit ba sa tuwing magpaplano ako lahat na lang may kontra galing sa'yo?"anas ko.

"Dahil naaawa ako sa emperyo at pamilya niyo, dahil ako ang Quroiv dito."

"Tsk, ginagamit mo ang apelyido mo para lang mapasunod ako? Funny. Alam mo Elixir, hindi ko alam kung bakit halos araw araw lahat ng galaw ko may pagkontra mo. Ano bang pakialam mo sa akin?"

"May pakialam ako dahil responsibilidad kita bilang nasasakupan ko, dahil hindi lang ikaw ang mawawalan kundi maging ang buong emperyo ng Valks. Alam mo kung anong kinatatayuan mo sa emperyo ninyo, ikaw ang pinakapinuno nila at tagapangasiwa sa lahat ng dako."mariin akong napapikit.

"Eh tang*na namang responsibilidad yan eh, ano bang koneksyon ko dun?! Kailan pa tayo kikilos, kung kailan patay na ang mga tao sa emperyo? Itinakda na ako sa laban ng kamatayan, kaya kahit anong pagpoprotekta ang gawin mo hindi ako mabubuhay dahil gagawa at gagawa sila ng paraan para patayin ako at ang pamilya ko. Sa halip na ako ang protektahan mo bakit hindi ang emperyo at ang pamilya ko?"

"Dahil isa din ako sa mamamatay kapag namatay ang isang tulad mo."hindi agad ako nakapagbigay ng reaksyon.

A-Ano??

"Y-Youre crazy"sagot ko at tumayo sa pagkakaupo para umalis na lang pero ganu'n na lang ang pagkabigla ko ng hinila niya ako papalapit sa kanya kasabay ang dalawang pagsakop ng kamay niya sa aking pisngi.

"Dahil gusto kita Royalty"sa pagkakataong iyon ay napakabagal ng oras at parang hinihigop ako ng mga mata niyang nakatingin na rin sa mata ko.

A-Anong sinasabi niya?

"I want to protect you just like my Queen, gusto kong ako lagi ang nakabantay at nakaagapay sa tulad mong yaman ng isang bansa o emperyo. I like you Celeste"ang mga mata niya, napakadaming sinasabi ng mata niya na parang hindi ko mapaniwalaan dahil pakiramdam ko'y mas matindi pa ang nararamdaman niya sa akin.

Ang tibok ng puso ko na hindi ko mapigilan sa pagtibok dahil sa bilis nito.

"A-Ano ka-kailangan kong p-pumunta sa restroom."mabilis na lakad ang ginawa ko at nag-iinit ang pisnging lumabas ng silid aklatan.

Arrrgghhhh! Ang gulo na lalooooo!

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon