Royalty's POV.
Lunes ngayon at ngayon din ang quiz namin sa tatlo naming subjects, halos himatayin nga ako sa dami ng pointers namin eh quiz lang naman ang meron kami.
"Royalty, paano ba ang equation nito?"halos mapairap ako sa sinabing iyon ni Marcos. Ilang beses na ba niyang itinanong ang equation na ito.
"Jusko naman Marcos, algebra formula lang naman ang ginagamit diyan."inis na sagot ko, napakamot siya ng batok at muling tumutok sa notes na hiniram pa niya sa akin.
Wala ang tropang ITLOG ngayon, at nakakapagtakang maging si Eli ay wala din. Kasama siguro ni Maddox tch
"Nga pala Royalty, nakapili ka na ba?"nangunot ang noo ko at tiningnan si Marcos na nakangisi.
"Ano namang pipiliin ko?"tanong ko.
"Kay Maddox at kay Eli?"inis kong tinakpan ang bibig niya.
"Si Eli nga ang may gusto sa akin, at hindi si Maddox ang kulit mo ding itlog ka."inis na anas ko. Natatawa itong lumayo sa akin.
"Maddox and Eli are bestfriends na nagkakagusto sa'yo. Look , palipasin mo ang ilang araw at aamin din sayo ang Maddox na yun. At kapag tama ang hula ko, ililibre mo akong moon cake diyan sa bagong tayo na caf頳a harap ng school."napaungos ako.
"Deal. Pero kapag mali, susuntukin kita ng tatlong beses sa mukha."nakangising saad ko.
"T-Teka, mali yung kondisyon mo eh. Walang physical!!"
"Fine. Edi moon cake na lang din."sagot ko. Tumango siya at nakipag apir din sa akin, senyales na nangako siya.
"Nasaan ba ang tropang Hi-5 na yun?"halos mapatawa ako sa sinabing iyon ni Marcos.
"At bakit naman Hi-5?"
"Apat lang sila eh."napairap ako at binatukan siya.
"Bobo ka minsan tsk."anas ko.
--
"Nakakamatay ang mga quiz na yun! Biruin mo, magkakasunod pang subject. Nakakagutom tuloy aaaisssh!"
sambit ni Marcos. Nakakapagod naman talaga ang quiz pero hindi naman mahirap, nakakapagod lang magsulat.
"Alam mo Marcos wala namang oras na hindi ka nagugutom eh."komento ko.
Nagpaalam siya na oorder muna ng pagkain namin, siya naman ang may sagot ngayon dahil ako ang sumagot nitong mga nakaraang araw.
Muli akong napaisip ng malalim, mahigit isang buwan na din kaming hindi nagpapansinan ni Jenny. Napapaisip pa ako noon dahil, noon ko lang nalaman na plastikan pala ang lahat.
Minsan natatawa ako sa sarili kong katangahan, nagawa ko siyang iligtas tapos plastikan lang pala ang lahat? Kahit kailan ay hindi ako nakaisip ng ganung klaseng ideya.
"R-Royalty"sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko.
Kinunotan ko siya ng noo at binalingan ng tingin si Marcos na sa ngayon ay nakatigil sa may bandang likuran ni Jenny. Ikinumpas ko ang aking kamay dahilan para lumapit si Marcos at ilapag ang pagkain namin sa mesa. Binalewala ko ang pagtawag ni Jenny at nagsimula ng kumain.
"Ro-Royalty"sa oras na iyon ay mahinahon at kalmado akong humarap sa kanya.
"Anong kailangan mo?"tanong ko.
"G-Gusto kong humingi ng ta-tawad."napatungo pa ito, may ilang taong tumingin sa direksyon namin at nagsimulang magbulungan.
'Diba, magkaibigan sila?'
'Baka nag-away'
'I've heard na mag ex bestfriend yang dalawa'
Mahina akong napasinghal at ngumisi matapos.
"Nagsisisi ako sa lahat ng sinabi ko sayo hi-hindi ko dapat sinabi ang mga bagay na yun. Nadala lang ako ng galit ko kaya ko nagawa yun. Pasensya na"natigilan ako sa sinabi niya ngunit agad na ngumisi.
Magsasalita na sana ako ng makita ko ang pagpasok ng grupong ITLOG na sina Maddox kasama si Eli! Wtf?!! Hindi ko alam kung bakit sa sandaling iyon ay kumabog ang dibdib ko ng napakabilis.
"You know what Jenny? Get lost, Royalty can't entertain something recyclable right now."masamang tingin ang ibinigay ko kay Marcos na ngumangata na ngayon ng fries.
"Ga-Ganun ba? Si-Sige, sa susunod na araw na lang. Mu-Mukhang busy ka ata ngayon Royalty, pasensya na."napapahiyang saad pa ni Jenny. Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa papalayong likod niya.
Nagulat na lang ako sa biglaang pagtama ng isang envelope sa aking mukha, inis kong nilingon ang taong gumawa niyon.
"Yah! You shouldn't hit her like that!"awat pa ni Eli at tiningnan ang mukha ko, na agad kong iniiwas. Akala ko'y sa akin ulit tatama ang envelope pero sa mukha naman ni Eli iyon tumama.
"Don't be so close jerk"sabi pa ni Maddox na ikinatawa naman ni Marcos sa aking likuran.
"Why'd you do that? It hurts!"angal pa ni Eli. Iniabot sa akin ni Maddox ang envelope, akmang bubuksan ko ito ng pinigilan niya ako.
"Why?"tanong ko.
"It's more secured kung sa bahay niyo na lang bubuksan, hindi ako nagtitiwala sa mukha ng chimpanzee na yan."halos matawa ako sa sinabing iyon ni Maddox.
"Ba-Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin?! Dati binubunggo mo ako tuwing mag kausap kami ni Royalty, tapos ngayon iniinsulto mo ako? Perpekto ka ha?!"inawat ko na agad si Marcos at agad na itinago ang envelope sa aking bag.
"Ano pa bang kailangan mo sa akin?"tanong ko.
"Me? Needs you? Talk to my foot please."sabi pa ni Maddox, napaungos ako at inambahan siya ng suntok. Pero sa halip na matakot at lumayo siya ay ngumiti lang siya na nakapagkulo sa dugo ko. What a scumbag!!
Umalis sila at umupo sa isang table na may apatang upuan, mula dito ay kayang kaya kong sipatin at batuhin ng sapatos ang Maddox na iyon. Ang kapal talaga ng mukha niya, ang
yabang!
"See? I told yah he likes you!"siniko ko si Marcos na ikinaubo niya.
HINDI NIYA NGA KASI AKO GUSTO EH!
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...
![Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/222615914-64-k519804.jpg)