Royalty's POV.
Uwian na. At kahit wala akong balak na lumabas ng maaga ay kailangan ko pa ring lumabas. Kailangan ko, dahil ni Jenny.
'Sige na manong guard!'
'Papapicture lang kami kay Ate Royal!'
'Si Ate Royal nandiyan!'
'Aaaaaaaah!'
Halos takpan ko ang aking tenga, napakaraming estudyante na galing pa sa iba't ibang school ang nakaabang dito sa gate. Kung alam ko lang na ganito pala kadami ang nandidito nagpagabi na lang sana ulit ako kagaya ng dati.
"Ate Royal, papicture naman po oh!"ngumiti ako at mabilis na naglakad papalayo. Sumakay ako sa kotse ni Kuya na nag-aabang sa akin sa labas. Mabuti na lang talaga.
"Ang dami naman yata ng mga fans mo! Ang sarap sigurong maging writer, pero mas masarap kapag may kapatid na writer. Kailangan mo nang pumunta sa book signing, dumadami na ang alagad mo."nang-aasar na sabi ni Kuya. Napairap na lang ako at tumutok sa aking laptop.
"Kung papayagan ako ni Tatay baka lagi akong nasa good mood tapos baka dalhan pa kita ng mga pagkain."sagot ko. Napahampas siya sa manibela.
"Si Tatay kasi, hayaan mo pipilitin ko siya this time."sabi pa niya.
"Basta para sa pagkain talaga eh noh?"asar na sagot ko.
Nagpababa ako sa harap ng ospital at may dalang prutas na nasa basket. Pinapadala din ito ni Nanay, lalo na't nabalitaan niya na napakalala ng kalagayan ni Jenny.
Kumatok muna ako bago pumasok sa kwarto ni Jenny, sinabi sa akin ni Tita kanina ang room kaya heto ako. Nang makapasok ako ay halos mabitawan ko ang dala kong basket.
"Je-Jenny..."tanging nasambit ko. Napakahirap sa akin lalo na't kaibigan ko si Jenny.
Madaming apparatus ang nakakabit sa kanya, naka oxygen pa rin siya hanggang ngayon at naririnig ko din ang tunog na 'beep' ng apparatus na iyon.
"Ija, salamat naman at nakapunta ka dito ng ayos."sabi pa ni Tita. Inilagay ko ang basket sa mesa at nilapitan si Tita na sa ngayon ay hindi na masyadong maga ang mata.
"Kumusta na po siya?"lingon ko pa kay Jenny.
Puro sugat ang mukha niya at kitang kita mo ang black eye na meron siya. Ang mga sugat sa balat niya nakabalot ng gasa. Nakakapanghina ang itsura niya at maski ako ay hindi ko kayang tingnan. Ibang Jenny ang nakikita ko ngayon.
"Ang sabi ng doktor ay maghihilom din ang sugat niya sa loob ng tatlong araw, buti na nga lang daw at hindi malalim ang pagkakasaksak sa kanya ng basag na bote. Ang daliri niya ay ginawan ng paraan ng mga doktor at pwede pa rin daw niyang magamit."nakahinga ako ng maluwag at nilingon muli si Jenny.
"A-Ano naman pong sabi ng mga pulis tungkol dito?"tanong ko.
"Masyado daw maiilap ang mga gangster na iyon at hindi pa makumpirma dahil hindi makita ng mga witnesses ang mukha."napatango ako at naalala ang mga naging kasama ni Jenny sa nangyaring insidente.
Nagpaalam muna ako at hiniram muna si Kuya Tyron sandali. Hindi ko alam kung tama ang kutob ko pero parang kilala ko na kung sinong sangkot sa pangyayaring ito. Hindi aksidente ang nangyari, alam kong plano ang lahat.
"Kuya Tyron, sa tingin mo sinong gagawa ng ganung klaseng pambubugbog? Bakit sa magkakaibigan ay si Jenny ang nakuha? Bakit siya lang?"natigilan si Kuya Tyron. Napa isip din siya.
Kung talagang aksidente ang lahat bakit kailangang isang tao lang ang kunin nila kung pwede namang dalawa o silang lahat? Bakit si Jenny ang binugbog? Ano 'yun, sabay-sabay silang tumakbo at naiwan si Jenny?
"Sino ang mga kasama ni Jenny ng mangyari ang insidente?"pakiramdam ko nagiging inspector ako sa dating ko. Pero kung kailangan ay gagawin ko. Sino ang mga gangster na yun at bakit si Jenny lang ang naging target?
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...
![Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/222615914-64-k519804.jpg)