CHAPTER 38

1K 37 1
                                    

Royalty's POV.

Sa buong maghapon ay halos iilan lang ang natutunan ko. At hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay sobrang tawang tawa pa rin ako kay Maddox. Siyempre alam kong hindi siya marunobg sumayaw dahil sa gangster party na yun pero nung inamin niya lalo ay mas natawa pa ako.

"Shut up okay? Kung makatawa ka akala mo naman nanalo ka sa isang hiphop contest!"naiinis na sabi pa niya. Nandito kasi kami sa kotse niya at pauwi na, pero heto ako utas pa rin sa kakatawa.

"Atleast may alam ako sa pagsayaw. HAHAHAHAHA!"muli kong asar. Nang makadating kami sa bahay niya ay mabilis siyang bumaba at patakar na naglakad.

"Woi, chapter 23 na ako sa pinapagawa mong libro."sabi ko pa sa kanya.

"I don't care."sagot niya.

"I dont care ka diyan, libro mo yun timang! Atska hoy, hindi purkit hindi ka marunong sumayaw ay ikaw lang talaga ang taong ganu'n wag kang feeling special ah."sabi ko pa at nanguna sa kanya sa pagtaas.

"Well then, be my partner sa Deluxe Party."napatigil ako sa pagtaas at nilingon siya mula dito sa taas. Not again.

"Sorry, may kapartner na ako."pagtanggi ko at nagdiretso papasok sa kwarto. Hindi ko alam pero ramdam ko na lang ang malakas na tibok ng puso ko. Bakit ba sa tuwing magsasalita siya ng kung ano ano ay lagi na lang ganito ang nangyayari sa puso ko?! May koneksyon kaya ang bunganga niya sa puso ko?!

Saglit akong humiga sa aking kama at napaisip sa pangyayari kahapon lang. Ano yung bagay na yun?! Anong meron sa kontrata atsaka bakit hindi niya ako namumukhaan? Ano ba talagang sekreto ang itinatago ng lalaking iyon?! Mahing si Caleb ay hindi ko maintindihan, kailangan ko siyang tanungin about sa bagay na iyon.

Pero sa ngayon, kailangan ko munang gumawa ng plano na hindi malalaman agad ng kahit na sino. Papasukin ko ang Headquarters nila.
Bitbit ang laptop ay marahan akong bumaba at napapakinggan ang pag-uusap ni Maddox at nang nasa teleponong hawak niya.

"I know, it's complicated. I still want to find her, dahil alam kong siya ang makapagbibigay ng sagot sa lahat ng pangyayari-- okay, bye. I love you too."hindi ko alam pero namalayan ko na lang ang sarili ko sa likuran niya.
Humarap siya sa akin dahilan ng pagkatuliro ko.

"Ka-Kanina ka pa diyan?"tanong pa niya.

"A-Ano, hindi. Ka-Kakababa ko lang."sagot ko. Nakita ko ang pagbuntong hininga niya.

"What do you want to have for dinner?"napataas ang kilay ko.

"You can cook?"tanong ko. Tumango siya.

"Of course and that's my talent."sagot pa niya at kumindat kasabay nun ay ang mabilis niyang pagsusuot ng apron at humawak ng kawali.

"Beef Steak."sagot ko. Mabilis akong umupo sa counter at binuksan ang laptop.

"Yun lang? Dalawa pang dishes!"nanlaki ang mata ko. A-Ano daw? Dalawa pa??!

"Da-Dalawa pa?! Hoy, hindi ako matakaw sa pagkain uy."sagot ko pa at nagsimula na ulit magtipa.

"Kaya nga sasanayin kita na madami ang pagkain mo. Mukha kang kalansay, besides i don't like skinny woman."

"Pwes hindi kita gusto."sagot ko.

"Sinabi ko bang gusto kita? Hoy, crush lang kita."sabi pa niya, napairap ako at mas minabuting tapusin na muna ang ginagawa ko kesa makipagtalo sa lalaking sumira ngunit nagpatawa sa akin sa buong maghapon.

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon