Maddox's POV.
Nagagalit pa rin ako simula kahapon, hanggang ngayon! Sa tuwing nakikita ko yang si Eli na lumalapit kay Royalty parang gusto kong manakit ng kaibigan. Kaibigan ba talaga ang tingin ni Eli kay Royalty?
"Ano ba talagang balak mo Mad? Mukhang ipinapaubaya mo na si Royal kay Eli ah? Susuko ka na lang? How about your feelings?"nilingon ko si Calliber.
"Wala akong ginagawang bagay na nakakapagpatalo sa labang meron ako."muli kong nilingon si Royalty at Eli pero agad na nangunot ang noo ko ng makita si Jenny. Tsk, siya ulit? Parang kahapon ay nandidito rin siya at kinakausap si Royalty ah?
"That's Royalty's ex-bestfriend right?"si Caleb.
"Mukhang balak yatang makipag-ayos, I've heard na pumunta siya kahapon sa table nina Royalty para makipag-ayos pero binugaw naman ni Marcos papalayo."nanatili akong nakatingin sa kanila at sumimsim sa aking soda tsaka ngumisi.
It will be intetesting i guessRoyalty's POV.
"Ro-Royalty, gusto ko talagang humingi ng tawad sa'yo hindi ako sanay na hindi kita kasama."nanatiling blangko ang tingin ko sa kanya. How could she say this things?
Umiiyak na ito at tumataas baba ang balikat, naalerto ako ng lumuhod pa ito sa harapan ko. Napasinghap lahat ng nanonood at may iba pang kumuha ng litrato at video.
'Dump her apology'
'My god, haha!'
'Kawawa naman si Jenny.'"Ku-Kung ito ang tanging paraan para mapatawad mo ako Ro-Royalty gagawin k-ko..."humihikbi na ito. Tumayo ako at yumukod para kunin ang kamay niya.
"Hindi mo kailangang gawin ang bagay na 'to, lahat naman nagkakamali. Pinapatawad na kita, pero hindi ibig sabihin nun ay bumabalik na din ang tiwalang meron ako sa'yo noon. It's easy to forgive, but hard to forget. Those memories are lessons, na kahit anong bait at buti sayo ng isang tao makikita mo pa rin ang ugali niya sa oras na hindi kayo nagkaintindihan. You're forgiven at kahit ilang beses kang magkamali papatawarin at papatawarin kita dahil yun ang kailangan. Papatawarin kita pero mananatili pa rin ang mga ala-ala at salitang ibinigay mo sa akin."saad ko. Tumayo siya at mabilisan akong niyakap.
"Sorry Royalty sorry sa mga nagawa kong kasalanan."tumango lang ako at mahinang tinapik ang likuran niya.
Natapos ang lunch at nakapag-usap din kami ng ayos pero itong si Marcos mukhang naging bad mood naman.
"Akala ko, ako na ang bestfriend mo hmp"halos mapairap ako, kanina pa siya sa linyang yan!
"Woi, may sinabi ba akong bestfriend na ulit kami? Atsaka bestfriend kita? Bespar kita noh, ang jeje ng isip mo eh."sagot ko. Nagliwanag ang mukha niya at halos tumalon siya sa upuan niya.
"Sabi na nga ba! Yan ang gusto ko sa'yo eh, maganda na palakaibigan pa. Basta tandaan mong nandito lang ako para ubusin ang fries mo sa tray."napaungos ako at siniko siya.
"Royalty may oras ka ba bukas?"halos mapatalon ako sa sabayang tanong na iyon ng dalawa. Si Maddox at Eli"Kung may time ka daw oh?"nang-aasar na tono pa ni Marcos.
"Tu-Tumigil ka nga--"
"Lagi naman daw may time si Royalty, pero isa lang daw ang mabibigyan niya ng oras."pekeng ngiti ang naisagot ko sa dalawa at inis na binalingan si Marcos na tumatawa na sa ngayon.
"Bakit hindi ikaw ang makipag-date?--"saad ko.
"Date? Wow ha! Date agad? Tinatanong ka lang kung may time ka bukas? Advance ka masyado Royalty, ang dami mong iniisip, naaapakan ko na ang buhok mo dito oh."natatawang sabi pa ni Marcos halos takpan ko ng libro ang mukha ko. Argghhhh! I hate you Marcos.
--
"May magaganap na date bukas lalalala~"nang-aasar na kanta pa ni Marcos. Nanatili akong nakapokus sa daan papuntang parking lot.
"Hangga't maaga mamili ka na kung kanino ka sasama, mahirap ang dalawa hehehe"inis ko siyang binatukan.
"Shut up! Hindi nga sabi yun date, besides wala akong pipiliin dahil magiging busy ako bukas."sagot ko at lumihis ng daan at nagpaalam sa kanya.
Nakadating ako ng bahay na pagod na pagod, napapitlag ako ng marinig ang tunog ng telepono ko. Agad ko iyong sinagot
"He-Hello Royalty?"mapakla akong ngumiti bago sumagot.
"Oh? Jenny, napatawag ka?"tanong ko.
"Gusto ko sana ulit na mag-sorry. Sorry talaga sa mga bagay na nagawa ko."
"You're already forgiven Jenny, alam kong mahirap para sa parte ko ang patawarin ka agad pero talagang ganu'n akong tao. Hindi ko pinapatagal ang pagbibigay ng patawad, i need to end this call now. Magpapahinga pa ako eh, see you tomorrow."sagot ko.
"Si-Sige"mabilisan kong pinatay ang tawag at napagpasyahang umakyat ng kwarto. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at napapikit sandali ng may maalala ako.
Tama, yung envelope!
Nakita ko iyong nakapatong sa aking mesa at mabilisang kinuha. Muli akong umupo at kinakabahang buksan ang envelope. Nakita ko ang ilang larawan ng isang lalaki, may mga kuha ito sa iba't ibang anggulo na talagang hindi niya batid na kinukunan siya.
Kinapa ko ang aking telepono at tinawagan ang numero ni Maddox, muli kong nilingon ang mga larawan at pinapamilyar ang mukha nito sa akin.
Nakailang ring pa ang telepono niya bago sumagot."Sino 'to?"sagot niya, napairap ako.
"Si Royal 'to."panandaliang katahimikan.
"Gusto kong itanong kung ano at para saan ang mga litratong nasa envelope na ibinigay mo?"narinig ko pa ang mahinang pagsinghap niya na ikinangisi ko na lang.
"Yan si Dong Shing Min, siya ang kanang kamay ng kalaban niyo."muli kong nilingon ang mga litrato.
"Dong Shing Min"tanging naisagot ko. Pinatay ko ang tawag at sinulatan ang likod ng litrato.
Dong Shing Min...
Napapitlag ako ng muling tumunog ang telepono ko, si Maddox ulit?
"Oh?"sagot ko.
"Bakit mo ako pinagpatayan ng tawag Valks?"halos manlamig ang katawan ko sa tono ng pananalita niya. I think i'm in trouble.
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...