CHAPTER 58

745 34 0
                                    

Royalty's POV.

Maaga akong nagising dahil sa hindi ko malamang dahilan. Ewan ko ba this past few days napapanaginipan ko si Ate Felicity, lagi niyang sinasabi na nandiyan na sila. SINONG SILA?!

"Lutang ka na naman Royalty, inay ko!"tawag sa akin ni Marcos. Mariin akong napapikit ng maalala na naman ang sinabi ni Maddox kahapon arggh!

(FLASHBACK)

"Nililigawan mo ang anak ko?"tanong ni Tatay, tumango si Maddox.

"Oho."si Maddox.

"Ang ibig mong sabihin ay humihingi ka ng basbas?"tumangong muli si Maddox.

"Of course!"maagap na sagot ni Nanay at Kuya. Napatampal na lang ako at pilit na inaagaw kay Maddox ang aking kanang kamay pero masyado siyang malakas.

"Nakuha mo man ang basbas namin ang tanong payag ba si Royalty?"natahimik si Maddox at napalingon pa sa akin. Gusto ko mang sumagot ay parang may pumipigil sa akin kung kaya't hindi ako nagsalita.

"Royalty? Anong sagot mo?"sina Nanay.

"Natatae ako."sagot ko dahilan para pumalahaw ang mga tao sa salas, mabilis akong naglakad pataas at nagkulong na lang muna sa kwarto.

Tangahing Royalty, ang daming pwedeng irason pagtae pa talaga?! Eh diba parang yun lang din ang inirason mo kay Maddox noong umamin siya sayo?! Arrgghh! F*ck!

(END OF FLASHBACK)

Muli akong napasabunot sa buhok ko at sumandal sa aking upuan. Nilingon ko si Marcos na busy ngayon sa kanyang phone.

'Really?'
'Talaga bang nagde-date sila?'
'Well, bagay naman nga sila eh.'
'Yah! Athena is gorgeous and Maddox is a greek god. What do you expect?'

Napintig ang aking tenga sa pag-uusap na iyon ng dalawang babaeng nag-uusap sa harapan ko. Mahigit ilang araw na rin ang nakakalipas noong huli kaming magkita ni Maddox at ngayon ko lang nalaman na may inilalabas siyang babae, that's why he's busy.

Napalingon ako sa hindi kalayuan ng makita ko si Maddox at ang isang magandang babae na si Athena papunta sa direksyon ng room namin. Iniwas ko ang tingin ko, hindi ko alam pero parang sumisikip ang dibdib ko.

"Nagde-date ba sila?"rinig kong tanong ni Marcos.

"I-I don't know"sagot ko at ipinokus ang paningin ko sa aking notebook. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya muli akong lumingon sa kanila.

Kitang kita ko ang mga ngiti ni Maddox at Athena, dun ko matitiyak na may gusto sila sa isa't isa. Napaungos ako at madiing hinawakan ang ballpen ko.

"Aruy po!"gulat na saad ni Marcos sa tabihan ko, naramdaman ko na lang ang pagkadurog ng bahayan ng ballpen ko.

"S-Sorry"sabi ko at inayos ang aking tayo.

At talagang si Athena pa ang naghatid kay Maddox? Wow! Just wow! Tsk!

"I thought nililigawan ka ni Maddox?"si Marcos.

"Nililigawan lang pero hindi niya ako jowa."sagot ko.

"Pero nagseselos ka?"

"Wala akong karapatang magselos, hindi niya ako girlfriend para magselos."

"Galit ka?"

"Nope."

"Naiinis?"

"No."

"And then bakit ang sama ng tingin mo sa kanilang dalawa?"

"Dahil ang sama lang na babae pa talaga ang mismong naghatid sa lalaki. That's awkward."sagot ko.

"You're right. Pero seryoso"

"Ano?"tanong ko.

"Hindi ka talaga nagseselos?"

"H-Hindi nga kasi."sagot ko.

Pumasok si Maddox sa room at hindi ako nilingon, umaasa akong kakausapin o kukulitin niya ako pero hindi. Well, umasa ako. Alam ko yun.

"Royalty lets go!"yaya ni Marcos.

"Valks, pwede bang sumabay?"muli kong naalala ang pangyayari kanina kung kaya't ibinigay ko sa kanya ang kamay
ni Marcos.

"Na-Nawalan ako ng gana eh, kayo na lang muna ang magsama."sagot ko at mabilis na naglakad palabas.

Marcos POV.

Nagulat ako sa biglaang pag-alis ni Royalty at iniwan ako sa lalaking ito. Ang pinaka kontrabida sa buhay ko!

"What's wrong with her?"takang tanong ni Maddox habang naglalakad kami. Napangisi ako ng maalala ang paglalandian nila ng Athena na yun.

"Why dont you ask yourself?"sagot ko.

"What are you talking about?"

"Pavictim ka pre? She's jealous."sagot ko. Natigilan ito.

"J-Jealous? But I and Athena are just friends."gitil niya.

"Magkaiba ang measuring statement ng mata ng babae at lalaki Maddox. Tatahimik tahimik lang ang babae pero ang totoo nasasaktan siya sa nakikita niya. Alam ni Royalty na nililigawan mo siya, pero anong ginagawa mo nakikipag-interact kay Athena. Kasi pre kung nanliligaw ka hindi dapat dalawa dalawa--"

"HINDI KO NILILIGAWAN SI ATHENA."inis na sagot niya dahilan para matigilan ako.

"So you mean, friendship lang ang meron kayo?"tanong ko.
Tumango siya at ginulong muli ang buhok.

"Now what?"inis na sabi pa niya.

"Mukhang na-misunderstood niya lang yung nakita niya kanina."sagot ko.

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon