Royalty's POV.
Bumalik sa dati ang lahat pero sa ngayon ay nandito ako sa loob ng aking kotse at pinag-iisipan pa kung bibisitahin si Maddox na sa ngayon ay nasa ospital at confine dahil sa sobrang panghihina at gutom.
"Royalty pupunta ka o pupunta na talaga?"halos masabunutan ko na ang buhok ko sa pagiging tanga ko ngayong araw. Arghh!
"That's the same you idiot!"asar na sagot ko pa at napahampas sa preno dahilan para lumikha ng ingay ang kotse dito sa parking lot ng ospital. Tss Dala ang isang basket ng prutas at bulaklak ay bumaba ako ng kotse.
Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang dalhan ng bulaklak ang lalaking yun eh hindi naman ako ang manliligaw! Tss, nakakaasar!
"Uhm.. excuse me? Fontemayor room number please?"tanong ko sa babaeng nurse nakataas ang kilay nitong binasa ang numero at inirapan ako matapos. Pasalamat na lang talaga siya at dalawa ang hawak ko kung hindi nabura ko na ang drawing niyang kilay.
Tatlong beses akong kumatok at pinagbuksan ng pintuan ni Calliber, napalingon ako sa taong nakahiga at naka-dextrose pa.
"Aray--arayy ang sakit ng kamay ko.."napangisi ako at nilapitan si Maddox na sa ngayon ay dumadaing. Inilapag ko ang mg dala ko sa lamesa at umupo sa tabi ng lalaking ito, God! Bakit ang bango niya?! Napapikit na lang ako ng maalala ang nakita ko noong araw na nakidnap siya, those abs tho.
"Ang sweet mo naman Celeste talagang binigyan mo pa ako ng bulaklak."nakangiting sambit pa niya.
"Hindi sa'yo yan, may nurse kasing nagduduty dito nililigawan ko."biro ko dahilan para manlaki ang mga mata niya.
"Tss seryoso?! You love me!"napaupo ito ng mabilis na ikinagulat ko pa.
"Mukhang ayos ka na naman eh alis na ako."sa pagtayo kong iyon ay nahagip niya agad ako sa bewang dahilan para mapahiga na din ako sa malaking kama ng hinihigaan niya.
"May sira ka ba sa u-ulo?! Bi-Bitawan mo nga ako! Hoy Elixir!!!"asik ko pero mahigpit na yakap ang iginanti niya.
Napalingon ako kay Calliber na sa ngayon ay nakangiti at nang-aasar pa.
"Kailangan kong mag-vendo, iwan ko muna kayo diyan ah. Have a great time."nakangising saad pa niya.
"Hindi mo man lang ba ako tutulungan?! As in n-no help?!"tanong ko pa. Pinipilit kong kumawala kay Maddox pero ang higpit at ang lakas ng kapit niya.
"May lahi ba kayong tuko?!"inis na saad ko.
"Hell no!"
"And then get off me! We're not even close!"
"But we're really close, right now."
"Not literally!!! Let me go!"sigaw ko pa.
"Pero kapag pinakawalan kita maaagaw ka ng iba."natigilan ako ngunit napangiti rin sa huli, lumuwag ang yakap niya.
Mabilisan akong umupo at ganun din ang ginawa niya.
"Kahit pa naman maagaw nila ako mula sa'yo. Ikaw pa rin ang pipiliin ko dahil....."pambibitin ko.
"Hindi ako ang magtutuloy ng sasabihin mo, gusto kong marinig yun mula sa'yo."nakangising saad niya at muling yumakap sa akin kasabay ng pagtuon niya ng baba sa aking balikat.
"Ikaw pa rin ang pipiliin ko dahil ikaw ang MAHAL KO. At gusto kong humingi ng tawad sa mga nakalipas na buwan dahil sa sinabi ko sa'yo. Nagkamali ako, maling akala ang lahat at nagpadala ako sa galit ko. Hindi ko pinakinggan ang mga paliwanag mo."napatungo na lang ako, kasalanan ko naman talaga ang lahat.
"Pero mas mahalaga pa rin sa akin ang sinabi mong mahal mo ako at ipinakikita mo na sa akin yun."hindi ko alam pero napatitig na lang ako sa pagsasalita niya.
"I love you so damn much even though you always pushing me away from you, even if you hurt me physically i will still love you no matter what. Because this love that i always feel for you IS EVERLASTING."ang kaninang pagtibok ng puso ko ay tumigil at halos malagot na ang aking hininga sa sinabi niyang iyon.
"I love you Celeste"
"I love y--"
"Maddox!!--- Huh?!"mabilis akong bumaba sa kama at napalingon sa dalawa ni Caleb at Marcos.
"Ang epal niyo! Tsk!"inis na sabi ni Maddox at muling humiga ng ayos sa kama niya. Napatungo na lang ako dahil sa tingin na ibinibigay sa akin ni Marcos.
"Mukhang iba na ang panliligaw sa henerasyon natin ngayon, nagtutukaan kayo noh?!"nanlalaking matang nilingon ko si Marcos.
"A-Anong, hoy! Kung ano man yang iniisip mo hindi yun yon, nagkakamali kayo nagkataon lang na namiss niya ako."sagot ko.
"Nagpayakap ka naman agad? Landi mo! HAHAHAHHAHA!"napairap na lang ako sa pagsabat ni Caleb.
"Ano bang ginagawa niyo dito? Mga istorbo kayo eh."si Maddox.
"Magaling na pala 'to eh, tara na pare hindi na tayo kailangan ni Mad."sabi pa ni Caleb at niyaya kaming dalawa ni Marcos.
"Idiots."si Maddox.
Napapitlag ako ng tumunog ang aking telepono, at nakakunot pa ang noo dahil unregistered number ang tumatawag nagtataka man ay napilitan din akong sagutin ito.
"H-Hello?"sagot ko pero ilang segundo ay nanatiling tahimik ang linya. Napabuntong hininga ako at muling nagsalita.
"Kung sino ka man huwag mo akong pagtripa--"
"Kung sa tingin mo ay nakaligtas ka na maging ang Quroiv na yan ay nagkakamali ka, patikim pa lang ang lahat at maaaring magkaroon pa ng pagkalagas ang nabubuong pag-asa sa kalooban mo. Mag ingat ka Valks baka malay mo nasa paligid lang kami at nakahanda na lang para pasabugin ang ulo mo."kasabay ng tawag na iyon ang pagkaputol ng linya.
"F*ck it!! Talagang hindi sila titigil hangga't hindi nila tayo napapatay arrgh!!"napalingon ako kay Maddox maging sa dalawang nakarinig ng tawag na iyon.
Mukhang hindi pa natatapos ang hidwaan kung gano'n yun pa lang pala ang simula.
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...