CHAPTER 70

1.1K 34 0
                                    

Third Person's POV.

Natapos ang gabing iyon na para bang isang kisap mata ang mga pangyayari, maraming nagulat, natakot at nabigla sa balitang wala na si Marcos.

Sumapit ang madaling araw at nanatiling gising si Royalty hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Sa puno't dulo ng storya ang ama ni Marcos ang may kasalanan ng lahat, at maski si Marcos ay pinatay niya.

Gusto nitong maghiganti sa tatay ni Marcos upang makuha ang emperyo nila, bukod doon ay naiinggit ito sa yaman na meron sila. Hindi makapaniwalang napatawa si Royalty at nanatiling nagmamatyag sa kalangitan.

Muli niyang naisip ang mga taong nawala at naging parte na ng buhay niya, kung maaga lang niyang nalaman na ang ama ni Marcos ang salarin ay hindi na siguro mamatay si Eli maging ang kamamatay na lang na si Marcos.

"You're still awake"halos mapatalon si Royalty dahil sa biglang pagsulpot ni Maddox sa tabihan niya.

"A-Anong ginagawa mo dito?"tanong pa ni Royalty.

"Hindi ako makatulog."natahimik ang dalaga.

Maya-maya'y.,.

"Why?"si Royalty.

"Because of you"napalingon ito sa binata.

"You don't need to--"

"Because i love you that's why i care for you. Ayokong napupuyat ka, besides balak sana kitang yayain sa bahay nina Marcos at nagkataong gising ka."

"Alam mong natatakot akong pumunta sa libing Marcos dahil natatakot akong harapin si Alicia. Gusto kong humingi ng tawad dahil ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit namatay si Marcos."napapikit si Maddox.

"Bakit ba paulit ulit mong sinisisi ang sarili mo sa bagay na talaga namang nakatadhana na sa isang tao?! Celeste naman, napag-usapan na natin 'to."

"Dahil ayoko din na pag-awayan natin ang bagay na ito. Elixir buhay ang pinag-uusapan dito at hindi sa pesteng tadhanang yan. Naniniwala ka pa rin diyan?!"anas ng dalaga.

"Dahil sa lahat ng bagay iniisip at dinaramdam mo yung dapat ay tinatanggap mo na lang. Lahat ng mga masasamang pangyayari lagi mong isinisisi sa sarili mo. Sarili mo lang ang iniisip mo, paano naman ako na nag-aalala sa'yo? Sa tingin mo gumagaan ang loob ko? Hindi! Kasi maski sa sakit na nararamdaman mo ako din ang apektado, ako din yung nahihirapan sa sitwasyon mo."

Royalty's POV.

"P-Pwede bang hayaan mo muna akong mag-isa? Total tapos na din naman ang gulo, patay na si Amorsolo at wala nang kalaban. Mag-iisip muna ako sa ngayon."saad ko.

"Celeste, gu-gusto ko lang naman na itanong kung minsan ba ay sineryoso mo ang relasyon na meron tayo? Kasi ako sobra kong sineryoso. Sana ikaw din."sa salitang yun ay nagising ang diwa ko. Umalis na siya sa tabi ko at napakinggan ko na lang kotse niyang papalabas sa bahay namin.

Nagseryoso nga ba ako sa relasyon namin? Pero kailan ko siya sinagot para maging kami? Papaano?

-

Maaga akong nagising dahil ngayon ko binalak na bumisita sa huling lamay ni Marcos, mula dito sa gate ng bahay nila ay kitang kita ko ang napakaraming kotse na nakaparke sa gilid ng kalsada maging sa drive way nila.

Sa paglakad ko ay ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan. Kahit sa huling lamay lang ay gusto kong makita ang isa sa mga naging matalik kong kaibigan.

"Royalty?"natigilan ako sa pagtawag na iyon ni Alicia.

Namumugto ang mga mata nito at namumula na dahil sa pag-iyak nito. Nakita ko ang pagtulo ng luha niya at ang pagsalubong ng yakap sa akin, nagtataka man ay mas minabuti kong tanggapin ang yakap na iniaabot niya.

"Please tell me what ha-happened."sa sandaling iyon ay niyaya ko siya sa miamong puntod ni Marcos at ikinwento ang mga nangyari.

"H-He was shot b-by his father ni Amorsolo. Si Amorsolo na pumatay sa dalawang taong mahalaga sa buhay ko, iniligtas ako ni Marcos at pinapasabi niya na gusto niyang klaruhin ang nangyaring paghihiwalay ninyo--"

"This is all my fault, nakipag-break ako sa kanya ng biglaan--"

"You don't need to blame yourself, you should blame me dahil ako ang may kasalanan kung bakit siya ang napuruhan ng bala at hindi ako. This is my chaos and also my life, kaya siguro hindi tumagal sa akin ang mga taong nakakasama ko."

"No we should not blame ourself, dahil ginawa lang natin ang mga bagay na nakatalaga sa atin. At nakatalaga na din sa buhay niya ang iligtas ang totoong kaibigan na katulad mo. Hindi man kita nakilala ng lubusan, alam kong mabuti kang kaibigan, naging mabuti kang tagapagmahal. At nakuha mo ang respeto ko Royalty."nakangiti siya sa ngayon.

Nanatili pa ako dun ng ilang oras hanggang sa napagpasyahan kong umuwi na din dahil sa pagkaramdam ng pagod.

"Pupunta ka bukas ha..."nakangiting tumango ako at muling hinaplos ang kabaong ni Marcos.

"Alis muna ako ah."mahinang sambit ko. Mag isa akong umalis sa bahay, naniniwala kasi ako sa kasabihang bawal sumundo o maghatid kapag may patay. Nakadating ako sa bahay...

Nang maisarado ko ang pintuan ng aking kotse ay ganun na lang ang gulat ko ng makita si Maddox.

"A-Anong ginagawa mo dito?"tanong ko. Nanatiling blangko ang mukha niya kaya't nakaramdam ako ng hindi maganda.

"Mad!--"napalingon ako kina Caleb.

"What are you in doing here?"tanong kong muli.

"Do you love me?"natahimik ako ngunit agad na sumagot.

"Yes."

"Do you trust me?"

"Yes."

"Do you want to be with me?"

"Yes."sandali akong napapikit..

"Will you marry me?"

"Yes- what?"sa pagbukas ko ng aking mata ay doon ko nakita ang nakaluhod na Maddox habang hawak hawak ang isang kahon at nakapaloob doon ang isang singsing.

Muli akong humagip ng hangin pero talagang hindi ko kaya, ang puso ko maging sina Caleb at Calliber ay nagulat sa ginawang iyon ni Maddox.

"Royalty Celeste Hernandez Valks soon to be Fontemayor, will you marry me? Forever?"sa sandaling iyon ay mahigpit akong napakapikit sa pintuan ng aking kotse.

"Yes."sa sandaling iyon ay naisagot ko ang matamis na 'OO'.
Ang pagtanggap ko sa inaakalang kontrata na sa iba pero sa akin pala.

"I love you Royalty!!!!"malakas ma sigaw pa niya at isinuot sa aking pala-singsingan ang kulay gintong singsing na may isang kumikinang na bato.

"I love you forever..."malapad na ngiti ang naigawad ko.
Napakabilis ng pangyayari at para bang napunta lang ako sa lalaking ito dahil sa biglaan niyang pagkidnap sa akin, tapos nalaman ko na mas mataas pa ang katungkulan niya sa akin. I just feel like, i'm the luckiest girl in the world. This feeling will be my first and my last.

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon