CHAPTER 41

959 38 0
                                    

Royalty's POV.

Hindi ako mapakali. Hanggang sa ngayon ay kaharap ko pa rin ang natitirang Quroiv sa buong pamilya nila. Hindi ako makapaniwalang sa tinagal tagal ng pag-uusap namin ay isa siya sa Quroiv na hinahanap ng pamilya namin.

"Halina't pumasok tayo sa loob upang doon tayo magkaintindihan, bilis."mabilis na sabi ni Tatay dahilan para mapasunod kami.

Nakakuyom ang kamao ko habang nasa hulihan ng dalawang ito. Ako ang pinakahuling pumasok sa bahay at mabilis iyong isinarado.

"Lord Quroiv"ang kaninang pito ay nag-bow kasabay sina Tatay at Nanay maliban lang sa akin. Nagulat ako sa biglaang paglingon ni Maddox dahilan para mapatungo na rin ako.

Kainis!

He's a lord and i'm JUST a Royalty, i know that! Tsk!
'Lord' yan ang tawag ng lahat ng tao sa emperyo sa pamilyang Quroiv. Isa ang Quroiv sa pinakamalakas at makapangyarihang hukbo sa buong mundo. Kaya nilang pumunta sa iba't ibang emperyo at pamunuan ito kung gugustuhin nila, at isa na nga dito ang Valks Empire.

In short, mas makapangyarihan pa sila sa amin kung kami ay
pumapangalawa, sila ang pinaka una.

"Sinasabi ko na nga ba't isa din kayo sa pinupuntirya ngayon ng mga kalaban. Lalo na ikaw Royal"halos manindig ang balahibo ko sa lalim at pagkakaroon ng awtoridad sa boses niya.

Pakiramdam ko tuloy ay isa akong ibon na nakakulong sa hawla at pinagmamasdan lang ang kanyang among gumagalaw sa labas.

"Alam ko iyon, matagal ka na naming hinahanap Quroiv. Ikaw lang ang tanging kakampi namin sa ngayon. Ikaw ang natitirang lahi sa inyong Quroiv na maaaring makatulong upang protektahan ang emperyo namin."sagot ko.

Kunot ang noo nito sa sinabi kong iyon, hindi ba niya kami tutulungan?!

"Sa kabuuan ay kailangan niyo ang tulong ko ganun ba Celeste?"pinigilan kong hindi mainis dahil alam kong mas may kapangyarihan siya. Alam ko.

"Gusto kong malaman kung anong ginawa niyo at nakaligtas kayo sa insidenteng iyon?"halos malagutan ako ng hininga sa tanong na iyon ni Nanay.

"Iniligtas ako ng isang kaibigan na napakalapit sa akin. Si Eli"sa sandaling iyon ay natigilan ako. Si Eli? Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam ako ng kung ano.

"S-Si Eli?"tanong ko pa. Nanatili akong nakatungo at nag-iisip. Hindi ko kinakaya ang mga nalalaman ko, sinong Eli?!

"Siya ang tumulong sa akin para makabangon at para malaman kong ako na lang ang natitira sa lahi ng ng mga Quroiv."mas lalo akong nanghina.

Napaupo ako sa sofa at hindi alam ang gagawin. Natapos ang pag-uusap namin at ang pagkukwento ng pangyayari sa buong insidente pero hanggang ngayon ako heto walang imik.
Hindi ko alam! Anong gagawin ko?! Bakit?! I need to find Eli, gusto ko siyang makita, kung ayos ba siya? Nakakain na ba siya?! Hinahanap niya ba ako?!

"Ako na ang bahala sa kanilang maghatid sa labas. Magpahinga na rin kayo, kailangan niyo ng sapat na lakas upang mapagplanuhan na natin ang isa sa pagsugod ng mga kalaban."sagot ko pa at lumabas kasama ang dalawang ito.

"You're a Quroiv?!!!!"malakas na singhal ko. Nakita ko ang masamang tingin ni Maddox.

"Still shock? Valks, tandaan mong mas mataas pa rin ang posisyon ko sa'yo. I can take away everything from you in just a snap."malakas akong napasinghal at dinuro siya matapos.

"Hoy QUROIV! Hindi mo ako masisindak sa kataasan ng posisyon mo--- hmp!"tapos na.

Naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko siyang pigilan, pero hindi ko kaya nanlalambot at nanghihina ang tuhod ko. Ang buong katawan ko ay parang naparalisa dahil sa biglaang pangyayari na ito. Ang paraan ng paghawak niya sa baba ko na nagdadala ng kung anong elektrisidad.

Maddox...

Hingal kaming nagkahiwalay sa isa't isa habang magkasalubong ang mga tingin. Napalunok ako at narinig na lang ang pagsasalita ni Caleb.

"DEEEEEEEYYYYYM!"sigaw pa niya na nakapagpabalik ng ulirat sa akin.

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon