CHAPTER 52

828 34 0
                                    

Maddox's POV.

Wala na si Eli at nalulungkot ako sa biglaang pagkamatay niya. Natapos ang pagpunta namin sa ospital ay napagpasyahang iuwi muna ng pamilyang Valks si Royal. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa mga pangyayari.

She loves him, he wins.

"Ayos ka lang Mad?"napalingon ako kay Caleb, tumango ako kahit ang totoo'y hindi.

"Narinig ko ang sinabi niya she loves Eli."mas lalong nadagdagan ang lungkot at sakit na nararamdaman ko.

"Wa-Wala naman akong magagawa dun di-diba? Atleast may dahilan na ako para lumayo sa kanya, hindi ko na siya guguluhin."dagdag ko pa

"Mad naman, you love her already tapos ngayon ka pa susuko? Para kang nagtapon ng isang daang porsiento ng tyansa."anas niya. Matiim akong ngumiti at naglakad lakad muna sa labas ng bahay.

"I love her pero wala naman talaga akong magagawa dahil mas mahal niya si Eli 'SOBRA' pa nga daw diba?"

"Mad kasi kung mahal mo ipaglalaban mo. Malay mo, mahal niya si Eli as her bestfriend? Kasi Mad kung pipigilan mo ang sarili mong mahalin siya wala ka ding makukuhang benipisyo. Alam mo ang makukuha mo?"nangunot ang noo ko.

"Ano naman?"tanong ko.

"Sakit. Paulit-ulit na sakit, nakakapatay ng emosyon na sakit. Slowly killing your feelings and your whole emotion. Pero sa ngayon, kailangan mo munang intindihin ang sitwasyon ni Royal, she lost her beloved bestfriend."nanatili akong tahimik matapos iyon. She needs someone to hold right now.

Royalty's POV.

'You think she will be fine?'
'I guess so?'
'Sino ba ang batang iyan?'

Tahimik akong nakaupo sa tabi ng kabaong ni Eli. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang mangyayari ang bagay na 'to. A-Ang bilis ng mga pangyayari at bigla na lang siyang namatay sa hindi ko malamang dahilan!

"Umiiyak ka na naman Royal, tahan na"sabi pa ni Nanay sa tabi ko.

"Nay, a-ang hirap lang kasipa-parang kahapon lang ay namasyal at gumala kami ta-tapos ang saya saya namin. Nakakabigla na-nay"sagot ko pa at pinunasan ang umaagos kong luha.

"You need to be strong, magiging masaya siya sa langit anak. Alam mong pagsubok ang mga ganitong senaryo."napapikit ako.

Pero hindi ganitong senaryo ang pagsubok na gusto ko, hindi senaryo kung saan bestfriend ko ang paglalamayan ko!

"Kumain ka muna iha"napalingon ko sa babaeng may katandaan na, hawak nito ang isang tray na may lugaw at tubig na nakapatong.

"Ka-Kayo po ba ang k-kumupkop kay Eli?"tanong ko at tinanggap ang tray. Nakangiti itong tumango at naluluhang humarap sa amin.

"Ikaw si Royalty hindi ba?"tumango ako.

"Lagi kang ikinukwento ng batang si Eli, napakabait niyang bata sa totoo lang. Alam mo bang sa tuwing sumasama ang pakiramdam niyan at binabanggit ko ang pangalan mo ay muling bumabalik ang sigla niya. Iniuwi ko siya sa States para doon mag-aral, lagi niyang ipinapangako sa sarili niya na babalikan ka niya. Napakatalino at napakamasunurin niyang bata kaya't muli ko siyang iniuwi dito sa Pilipinas kasabay nun
ay ang pagiging exchange student niya sa Everest University."

"Tuwang tuwa siya noong nakita at nakasama ka niya. Lagi ka niyang ikinukwento sa akin na napakaganda at napakabait mo daw. Totoo nga ang sinabi niya, salamat at hindi ka nagalit sa biglaang pag-alis niya noong mga araw na yun. Kinuha namin siya at nagustuhan namin ang ugaling meron siya eh, naging tunay na anak na din ang turing ko sa kanya. At hindi ako nagsisising naging anak ko siya sa loob ng ilang taong pamumuhay ko."napangiti ako at napapikit na lang.

"S-Si Eli mahal na mahal ko po siya bilang kaibigan. A-Alam niyo po bang siya na lang ang natitira kong tapat at mabait na kaibigan? Sa lahat ng kaibigan siya ang naglakas ng loob na sabihin ang totoong nararamdaman niya bago siya mamatay. At hindi ako nagsisising naging kaibigan ko siya hanggang sa pagtanda ko."saad ko.

--

'To-Totoo? Pa-Patay na si E-Eli?'
'Oh my...'
'What? No way'
'Nakakabigla naman...'

"Royalty, napakinggan ko yung balita t-totoo ba talaga yun?"tahimik akong tumango. Nakakawalang gana ang araw na ito sa akin.

"Condolence"naramdaman kong muli ang pagtulo ng luha ko.

"Hala Royalty naman so-sorry."sabi pa ni Marcos, tumigil ako sa pag-iyak at napagpasyahang ayusin ang sarili ko.

Para kay Eli, kailangan kong maging matapang kahit mahirap. Tama nga Royalty kailangan mong maging matapang at ipakita na hindi ka pwedeng matalo na lang ng lungkot.

"A-Ayos ka lang Royalty?"nilingon ko si Jenny na sa ngayon ay nakatingin na rin sa akin.

"Oo. Kailangan ko lang munang mag cr, excuse me."sagot ko at lumabas muna ng room.

'Talaga? Baka gf talaga siya ni Eli?'
'Ewan ko, balita ko nga bumubuntot din sa kanya si Maddox'
'Ano bang meron sa kanya? She looks like nobody'
'Maganda naman siya, but still'

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at pumasok na sa cr. Pumasok ako sa cubicle at nagsimula nang gawina ang dapat kong gawin.

"Hey girl, remember the exchange student from Harvard?"napatigil ako sa paghawak ng lock ng aking pintuan.

"Yeah, narinig kong namatay siya kagabi dahil sa car accident."rinig ko pang sagot ng isa.

"My dad says na hindi car accident ang nangyari, ayon sa investigation nila. Puro tama daw ng baril ang kotse na iyon dahilan para mabangga ang kotse at mamatay ang nagdadrive nito."natigilan ako sa sinabing iyon ng babae.

Kagabi ay may kotseng nagmamadaling humarurot palagpas sa akin-- bago ako lumiko sa may kanto papuntang Arenahindi kaya...

Mabilis akong lumabas at hindi binigyan ng pansin ang dalawang nagulat sa aking paglabas. Pumasok ako ng room at nanatiling pinagtatagpi tagpi ang mga natunghayan ko kahapon. Ang kotseng humarurot malapit sa akin,-- pero bakit hindi ko napakinggan ang pagbunggo nito kung malapit ako?

Ano ba talagang nangyari? Eli ano ba talagang nangyari? Bakit mo ako iniligtas? Paano mo nalaman na babarilin ako? Paano mo sila nakita??

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon