CHAPTER 42

952 36 0
                                    

Caleb's POV.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa pangyayaring nangyari lang sa harap ko kanina. Kung alam ko lang na hahalikan ni Mad si Royal ay tinawagan ko na agad sana si Calliber para masilayan ang paghalik ni Maddox kay Royal.

"That was great man! Lalaki na!"nang-aasar na sabi ko pa kay Mad. Mahirap maging lalaki dahil ikaw ang kailangang mag first move at sa palagay ko hindi first move ang ginawa niyang iyon dahil na second move naman siya ni Royal. BWAHAHAHAHA! MAY BLACK EYE SIYA MGA PEEPS!

"Huwag kang ngumisi ngisi diyan Caleb! I'll kill you."nagbabantang sabi pa ni Mad. Mahina akong napailing at nagpatuloy sa pagmamaneho. Naalala ko na naman ang nangyari kanina hehehe

(FLASHBACK)

Natapos magdampi ang labi nilang dalawa at hanggang ngayon wala pa ring nagsasalita.

"DEEEEEEEYYM!"anas ko. Hanggang sa masaksihan ko na lang ang mabilis na pagsuntok ni Royal sa mata ni Mad dahilan para dumaing at mapasigaw si Mad.

"Don't do that again you moron."malamig na sabi ni Royal at pumasok sa loob ng bahay nila.

"Mad, ayos ka lang?!"sabi ko pa.

"Do i look ok?!"nakita ko ang pamumula ng palibot ng mata niya. Mukhang magkaka-ubehan ngayon ah.

"She's totally a psycho! See this?! She already know na mas malakas ako sa kanya pero look! She punch me at naiirita na ako ngayon sa kanya! How can she even do this to his husband?!"sigaw pa ni Mad pagkapasok ng kotse.

Husband?!

"Husband? Ang tanong papayag kaya
iyang maging asawa mo? Ulol ka Mad bleh!"asar na sabi ko pa at nagsimulang paandarin ang kotse.

(END OF FLASHBACK)

"You moron! Talagang tumatawa ka pa ah!"naramdaman ko na lang pabatok niya sa akin.

"Aray! Masakit yun Mad, parang ang lambot ng kamay mo ah. Ang sakit nun."daing ko pa. Pasalamat siya gwapo ako tsk!

Royalty's POV.

Nangigigil talaga ako sa lalaking yan! Ang sarap katayin! Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isipan ko ang pangyayaring yun at naiinis ako sa katotohanang HINALIKAN AKO NG ISANG QUROIV!

Big deal yun para sa akin! Dahil may paniniwala kaming buong emperyo sa kasabihang."Kapag hinalikan ka ng isang maharlika gusto ka niyang maging kabiyak sa panghabang buhay." And THAT bast*rd, stole my first kiss!!! Argggh!

"Kumain ka na kasi Royalty, tsaka mo na ulit isipin ang senaryo niyo ng binatang Quroiv. Masamang tingin ang ibinigay ko kay Clarity.

"Kung bakla ka lang baka nagilitan na kita sa leeg."inis na sabi ko pa. Normal na sa amin ang magbanta sa hapagkainan at wala namang problema dun, dahil sanay sina Nanay at Tatay sa amin.

"Ikwento mo nga kasi Royal. Sa bahay ka niya nagpunta tama ba?"napapikit na lang ako sa sinabing iyon ni Nanay.

"A-Ano... opo- pero wala namang nangyaring masama dahil-"

"Dahil masarap yung nangyari?"inis kong ibinato kay Clarity ang tinidor na hawak ko. How dare he?!

"You're a disrespectful b*tch!"anas ko.

"Dahil gusto niyang ipagawa sa akin ang librong gusto niya. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang siya ang natitirang Quroiv na nakatapak sa lupa."dagdag ko pa. Paano nga ba ako nabuhay sa pamilyang ito?

"Dapat ay masanay ka nang lagi siyang nasa tabi mo Royal. He's a Quroiv, moving and talking Lord ng lahat ng emperyo sa buong mundo. Alam mong totoong Quroiv lang ang may lakas ng loob na magpakilala sa taong katulad natin Royal. At kung papalarin sana ay kayo na lang ang maging mag-asawa."natawa si Nanay sa huling linya niya.

"Pakiramdam ko tuloy nawala ang awtoridad na meron ako. Hindi na ako ang ginto ng Valks Empire ngayon at paniguradong hindi na ako ang mamumuno lalo na't nandiyan na si Elixir."walang ganang sagot ko at nagsimula ng kumain.

"Ngunit kayo pa rin ang may karapatan sa aming lahat Royalty. Sa inyo nakadepende ang desisyon kung anong pamamalakad ang gagawin niyo sa buong emperyo. Kayo pa rin ang aming susunduin kung gugustuhin niyo."sagot pa ni Cadegar.

"Kung gano'n bukas na bukas ay babalik kayo sa emperyo at huwag niyo munang ikakalat sa buong mamayan ang inyong nalaman na buhay ang pinakahuling Quroiv. Kapag kumalat iyon sa buong emperyo ay muling magkakalat ang mga kalaban at papatayin ang mga tao sa iba't ibang emperyo."seryosong sagot ko, tumango silang lahat habang ako naman ay tahimik na kumain.

Simula ngayong araw ay marami na namang kalaban ang gustong gumapi sa emperyo ng Valks. Gusto kong bumalik at protektahan sila pero gusto din akong protektahan ng pamilya ko. Isa pa, gusto kong hanapin si Eli. Gusto ko na siyang makita at makumusta kahit saglit lang.

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon