CHAPTER 23

1.2K 51 0
                                    

Royalty's POV.

Mas lalo akong naalerto ng makita ko ang misteryosong lalaki na papunta sa aking direksiyon. Hindi ko alam pero kanina pa akong kinakabahan sa mga galaw niya, parang kanina lang ay titig na titig siya sa akin at naiinis ako dun.

Nagulat ako ng sumulpot ang tatlong bodyguard namin sa unahan ko at hinarangan ang lalaki. Palihim akong napangisi at nilingon pa rin ang lalaking ito.

"Who's that?"napalingon ako kay Nanay.

"I don't know, balak yatang kausapin ako."sagot ko. Hindi ako assumera, excuse me.

"Balak kang isayaw Royal, magpasayaw ka sa kanya."napangiwi ako at nilingon si Nanay.

"You mean, strip dance?"napatawa si Nanay na ikinakunot ng noo ko.

"Silly, just go. Hey you three, let him"sabi ni Nanay na ikinaalis ng tatlong bodyguard.

Napaupo ako ng ayos at nanatiling nakatingin sa lalaking nakatuxedo. God, did i mention na ang ganda ng tindig at katawan niya--- What?! I mean nevermind.

"Good evening Miss Royal Valks if --"

"Yes i will"putol ko sa kanya. Sa sandaling nagkalapat ang aming mga kamay ay siya ding pagkabog ng mabilis ng puso ko. What's happening?

Seriously.

"You look stunning tonight"kasabay nun ay ang paghawak niya sa bewang ko na ikinapitlag ko. Ano bang meron sa boses niya?!

Gumalaw kami sa pinakagitna ng entablado na sinundan pa ng ilang tao. Halos mawalan na ako ng hininga habang kasayaw ang lalaking ito--

"Ouch"napadaing ako dahil sa naapakan niya ang paa ko.

"I-I'm sorry, i just i don't know how dance."sabi pa niya. Gusto kong humalakhak dahil sa sinabi niya pero pinipigilan ko.

H-He doesn't know how to dance, pero ang lakas ng loob niyang magyaya? Wtf?!

"And then why'd you invite me in the first place?"tanong ko. Sino ba namang matinong tao ang gagawa ng isang bagay na wala pang kasiguraduhan?

"Atleast sumama ka Royal, pa-paano kayo nakaligtas sa a-aksidente?"natigilan ako sa sinabing iyon ng lalaking ito.

Paano niya nalaman?

Bahagya akong lumayo sa kanya pero humigpit ang hawak niya sa kamay at bewang ko. What the...

"Get off me, now."sagot ko.

"Just tell me, i'll help you catch the traitors."nanatili akong kalmado.

"And why would you do that?"tanong ko. Siyempre, sino ba siya para tulungan ako? Ni hindi ko nga siya kilala tapos magpapatulong ako?

"Because i care. I need to care, and it's my responsibility to care."napapailing na natawa ako.

"But i don't even know you so why would i accept your offer, malay ko ba kung isa ka din pala sa mga traydor?"sagot ko.

"Trust me, i can help you. Kakampi niyo ako."umiling ako at nilingon siya.

"Kakampi? I don't trust anyone. Even my family, i don't trust them either tapos sasabihin mo ngayon na pagkatiwalaan kita. Dream on"sagot ko at mabilis na tumalikod sa kanya.

Pero natigilan ako sa paglalakad ng marinig namin ang malakas na pagbagsak ng pintuan ng buong venue. Halos kapusin ako ng hininga.

"A-Ang Atomic Gang"tanging nasambit ko. Napapitlag ako sa biglaang paghila sa akin ng misteryosong lalaki papunta sa direksyon nina Nanay.

"F*cking party crashers!"singhal pa ng lalaking ito.
Nanatili akong nakatingin sa kanya habang siya ay nagtatagis ang bagang at hawak ang kamay at bewang ko. Okaaaay?

"Who are they?"tanong pa ni Tatay.

"Atomic Gang"sagot ko.

"What a party! Oh?! You're alive?! Kaya ba nagcecelebrate kayo? Dahil buhay ang Valks Family na ibinibida niyo?! Mukhang madugong party 'to kung gano'n! Ratratan na!"sigaw ni Ybo.

"Dapa!"sigaw namin parehas ng lalaki. Mabilis kong binunot ang baril ko sa aking hita at mabilis iyong ikinasa. Sabi na nga ba!

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon