Royalty's POV
Maaga akong nagising, alas tres pa lang ng madaling araw ngayon. Ngayon ko uumpisahan ang plano ko, ano ang kontratang meron si Maddox. Mukhang balak niya akong isuplong sa mga kalaban. Kagabi pa lang
Kagabi pa lang ay pinagsususpetsyahan ko na siya, mali mang magbigay ng maling hinala pero mas mabuti na ring handa. Mahirap magtiwala sa mga taong mabait sa'yo lalo na't hindi naman sila ganun dati.
Nakaabang na sa labas ng gate ang kotse ko at handa nang umandar. Nanatili akong tahimik para hindi magising ang guwardiyang nagbabantay ngayon, kani-kanina lang kasi ay dinalhan ko siya ng kape na may sleeping pills. Kaya hayan siya, plakda.
Nang makapasok ako sa kotse ay mabilis ko iyong pinaandar at nagdiretso sa lokasyon ng HQ nina Maddox, isinuot ko ang aking maskara ng makababa ako at pumasok ng walang
alinlangan.
"Intrude---"mabilis kong ini-off ang robot na nagbabantay ng Headquarters at dumiretso sa table kung saan nakita ko agad ang kontrata.
Hindi ko alam, pero pumipintig ang puso ko. Kinakabahan ako sa totoo lang.
"Marriage contract?"mahinang bulong ko. All this time marriage contract lang pala ang ipinunta ko dito?! B-But, why? Ikakasal na ba siya? Magpopropose? What the
Mabilis kong kinuhanan ng larawan ang bawat pahina ng kontrata at mas piniling huwag iuwi o i-alis. Mas mapanganib kung gagawin ko yun. Inayos ko ang teknolohiya kung saan nakita ko ang ilang video sa akin habang papasok ng warehouse kaya't binura ko ang mga iyon.
"Nice headquarters"sagot ko pa bago tinap ang robot na patay ang power button ngayon.
Nang makalabas ako ng warehouse ay mabilis akong tumakbo papasok sa kotse bago pa maabutan nina Maddox.
Malay mo biglang dumating at mahuli ako, ingat na lang.
Tiningnan ko ang aking relong pambisig, mahigit mag-aalas singko na. Paniguradong nagsisidatingan na ang mga katulong sa bahay, halos mapapikit ako at tumigil sa isang kanto para dun pauwiin ang kotse ko.
"Siguraduhin mong makakauwi ka ng ayos at walang gasgas okay? Mapapa-"
"Royalty?"halos mapatalon ako sa taong tumawag sa akin. Napahinga ako ng maluwag ng makita ko si Caleb.
"Don't tell me iiwan mo diyan ang kotse mo?"tanong pa niya. Mabilis kong tinapik ang kotse ko dahilan para umandar itong mag-isa pauwi sa amin. Nakangangang Caleb ang nakaharap ko.
"D-Did your car j-jus--"
"I know, kaya ng dito ko siya pinakawalan eh. Atsaka ano nga palang ginagawa mo dito?"tanong ko.
"Balak ko sanang sumabay sa inyo pagpasok, ikaw? Saan ka pumunta?"tanong niya.
"A-Ano sa-"
"There you are! I thought na tumakas ka na!"halos mapatakbo ako dahil sa pagsigaw na iyon ni Maddox.
"What in the world are you doing in here?! Bakit ka nandito?!"singhal ni Maddox kay Caleb. I just rolled my eyes, as usual.
"Sasabay akong pumasok sa inyo. Wala si Calliber, may ipinaasikaso sina Tito sa kanya."napatango si Maddox. Pumasok kami sa loob habang ako'y nananatiling tahimik at walang kibo.
"Limang araw na lang ang natitira Mad, may nabubuo na ba?"mabilis na sapak ang natanggap niya kay Maddox. May ibig ba siyang sabihin?!
"There's nothing! Libro ang ginagawa niya."sagot pa ni Maddox. Dahil sa inip ay nagdiretso na lang ako papasok at mas piniling tapusin ang natitirang chapters ng libro.
Muli akong naalimpungatan ng tumunog ang aking telepono.
Si Tatay!
"Royalty! Nasan ka?! You need to go home now! Nandito sila."tumigil sandali ang paghinga ko. Hindi, hindi pwede
Mabilis akong tumakbo at tumalon sa hagdan hanggang sa mag landing ako sa baba dahil sa pagmamadali ko. Hawak ko ang aking telepono at tinatahak ang daan palabas ng gate at pinindot ang button na sumisignal para sunduin ako ng aking kotse.
"What the f*ck?! What the hell is going on?!"hindi ko magawang lingunin si Maddox dahil sa nagmamadali ako. Naghintay ako sa tapat ng gate at kinausap si Tatay.
"Stay there, just stay there papunta na ako diyan."sagot ko. At ramdam pa rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Where are you goin--"
"Maddox just let her, I'll explain it to you later!"sigaw pa ni Caleb.
Nakadating ang kotse ko at sumakay ako habang hindi nagtatapon ng tingin sa kanila. Sorry boys, mas kailangan kong silang asikasuhin sa ngayon. Mabilis kong minaneho ang kotse ko at nangangatal ang mga kamay na hawak ang aking telepono.
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...
![Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/222615914-64-k519804.jpg)