Royalty's POV
Late na ako. At ngayong break na lang ako pumasok dahil sobrang puyat talaga ako. Naglalakad ako ngayon sa hallway na parang zombie, sa canteen ako mag-aalmusal dahil inubos lahat ni Kuya ang itlog at hotdog na niluto ni Nanay.
Napakatakaw talaga ng Kuya kong yun pero hindi naman nataba! Ang sarap ipako sa budega!
"HAHAHAHAHA! Kaya nga eh! Like she's saying na 'help! help!'"nangunot ang noo ko sa isang grupo ng mga kababaihan."Really? So anong ginawa mo?"rinig ko pang sabi ng isa.
"Nothing, wala akong balak tumulong noh."sagot ulit ng nagbibida. Hindi ko na lang sila pinansin at nagdiretso sa kantina para kumain.
"Ate porkchop at hotdog."sabi ko, nakangiting tumango ang tindera at ibinigay sa akin ang order ko.
Nang matapos ay naghanap ako ng upuan, pero sa gitna ng paghahanap ko ay may tumawag ng pangalan ko. Halos mapasinghal ako at hindi pinansin ang mga iyon.
Ang mga kilalang varsity sa buong university na ito. Hindi ko alam kung bakit ba ang kulit nila at palaging ako ang napapagdiskitahan nila.Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng may makapal ang mukhang naglagay ng tray sa unahan ko. Tiningala ko iyon at masamang tingin ang ibinigay. Narinig ko naman ang kantyawan ng mga kasama nito.
"Hey my beautiful Royalty... pwede bang makishare?"tanong ni Ikov.
"Pwede ba Ikov, dumistansiya distansya ka sa akin baka hindi ako makapagpigil at masaktan kita."matapang na saad ko. Napasipol ito at ngumisi lang.
"Kung didistansya ako hindi tayo magkakamabutihan niyan."pekeng ngiti ang ibinigay ko sa kanya at umigos.
"At sa tingin mo kung magiging close tayo magkakamabutihan din tayo? You wish...player."sagot ko at mabilis na umalis dala ang mga gamit ko. Nakarinig pa ako ng ilang sigawan na ikinainit lali ng ulo ko.
Sa gitna ng klase ay bumagabag ulit sa isip ko si Jenny, gustong gusto ko na siyang makausap. Pero sumilid din sa isip ko ang lalaking nabangga ko kagabi, kung hindi lang mayabang at antipatiko baka naging crush ko na agad yun. Kasi naman, kamukha niya talaga ang ideal character ko sa sinusulat kong libro.
Natapos ang klase ay muli ko na namang nakita ang grupo ng mga babae kanina. Ano bang meron sa kanila at hindi sila mapaghiwalay?
"Hey my Royalty!"sumama na naman ang timpla ko at muling naglakad ng mabilis para hindi maabutan ni Ikov. Pero naabutan niya pa rin ako.
"Hindi ka ba napapagod? Alam mo Ikov hindi ko alam kung anong trip mo at pati ako'y isinasali niyo sa mga laro niyo."anas ko. Ano bang pakay nila sa akin?!
"Hindi mo pa ba nahahalata? Gusto kitang ligawan Royalty."payak akong napatawa.
"Ito na ang pinakanakakatawang banat na napakinggan ko. Hindi mo ba naririnig ang sarili mo? Ikov, alam ng lahat na isa kang player. Mahilig sa babae, mahilig magpaikot, mahilig mambola! Kaya pwede ba?! Lubayan mo ako."sagot ko.
"Hindi ko magagawang lubayan ka Royalty, hindi ko kaya." napairap ako sa isinagot niya.
"Ewan ko sayo! Jejemon!" asar na sagot ko at iniwan siya.
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
حركة (أكشن)[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...