CHAPTER 10

1.6K 67 1
                                    

Maddox's POV.

Napalingon ako sa aking pintuan ng may kumatok dito. Nangunot pa ang noo ko pero agad ding pinapasok. Si Caleb.

Hingal na hingal ito na ikinataka ko.

"Ma-Mad, s-si Royal buhay si Royal."tumigil ang paghinga ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maging ekspresyon pero nangilabot ako.

"W-Where is she?"tanong ko.

"Na-Nakita siya ni Calliber ka-kagabi, ipinakulong niya ang gang nina Ikov."halos manlaki ang mata ko.

"Sinabi ba ni Calliber kung anong itsura niya? Ku-Kung anong kalagayan niya?"

"H-Hindi pero ang alam niya napasok si Royal at nagtatago sa Everest University."nagkaroon ako ng pag-asa. Buhay siya!

"Papasok tayo sa Everest University."sagot ko.

"Ha?! Ikaw na lang uy, wala akong balak na mag-aral ng Math, History, pati English! Ma-Mad naman"masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.

"Oo nga, tatawagan ko na si Calliber"dagdag pa niya.

Royalty's POV.

Halos kaliwa't kanan ay panay ang usapan nila tungkol sa tatlong transferee. Sino bang mga transferee yun at parang artista kung maibida ng mga estudyante dito?

"Royalty!"napalingon ako kay Marcos na tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko siya at nginitian, mabuti na lang at pumasok siya.

"Nabalitaan mo na ba?"tanong niya. Nagtatakang nilingon ko siya.

"Ang alin naman?"

"May mga bagong transferee."napatango na lang ako.

"Napakinggan ko lang din yan kanina. Ano namang meron sa mga yun?"tanong ko at nagsimula na ulit maglakad.

"Tch, buti ka pa. Yung mga babae kasing nadadaanan ko ang hahaliparot, pati nga ang kapatid kong si Emelda ay nahampas ako dahil napakagwapo daw ng mga transferees."napapangusong sabi pa ni Marcos.

Muling pumasok sa isip ko ang lalaking nabangga ko noon sa hospital. Nasaan na kaya ang tsinelas kong yun? Hmmm.

Nagdiretso na kami sa sari-sarili naming klase at nagbalak na magkita na lang kami sa canteen pagkatapos. Nang makapasok ako sa room ay mga transferee pa rin ang balita.

Halos takpan ko na nga ang tenga ko.

'Really?!'
'Magiging kaklase natin sila?!'
'I can't believe it'

Hindi ko alam kung ano ba talagang mga bunganga meron ang mga babaeng ito at hindi na naumay sa balita. Napabuntong hininga na lang ako at nakinig na sa unahan.

Lahat kami ay napalingon sa pintuang nagbukas at doon pumasok ang tatlong matatangkad na lalaki.

Humarap ito sa amin dahilan para lalo kong malinawan ang pagmumukha ng nasa gitna.
ANO?! S-Si Yung lalaking binato ko ng tsinelas!

"Oh sh*t"mahinang sambit ko pa at tinakpan ng notebook ang mukha ko. Mula sa unahan ay ramdam ko ang titig ng lalaking iyon. Sana lang ay hindi niya ako mamukhaan.

"Please introduce yourself gentlemens"sabi pa ni Prof. Napapikit na lang ako.

"My name is Calliber, nice meeting you."sumilip ako at doon nakita ang isang lalaking may kulay abong buhok. Tumili ang mga kababaihan na ikinangiwi ko naman.

"I'm Calleb."muling tumili ang mga babae.

"And my name is Maddox."halos matumba ako sa aking upuan. May nag eexist palang mga ganyang pangalan?!

"Okay then, pick your seats."sabi ni Prof. Maraming babaeng tinapik ang tabi nilang walang nakaupo pero mas lalo akong nalugmok ng sa direksyon ko pumunta yung Maddox.

Ibinaba nito ang notebook ko dahilan para lalo kong makita ang mukha niya. Yung mata talaga eh!

"Hi."nakangising bati pa nito. Umupo siya sa MISMONG tabi ko at parang nananadya pa dahil inilapit pa ang braso niya sa nananahimik kong braso sa arm chair.

Natapos ang unang klase at lumabas si Prof, ako naman ay kinuha ang libro ko at pumipikit pa at napapamura habang nagbubuklat ng pahina.

"So? Dito ka din pala napasok? Tanda mo pa ba ako?"tanong niya.

"Hi-Hindi eh, pasensya na."sagot ko at itinuon ang pansin sa libro.

"Ikaw pa ang hindi nakaalala eh ikaw ang may atraso. Hey, woman you just hit me with your color pink slipper that night in the hospital. You remember now?"sabi pa niya pero nanatili akong painosente.

"Pasensya na talaga, pero baka naman kamukha ko lang."sagot ko. Mukhang hindi ko na makakaya ang isa pang subject na kasama at katabi ang lalaking ito.

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon