Royalty's POV.
"Lalalalalala~ Ang saya saya ko~ Hihihi~ Idedate ako ni Maddox, idedate ako ni Maddox"muli akong napakagat sa straw ng iniinom kong chuckie.
Pang-ilang beses na bang kumakanta si Jenny ng ganito simula kanina? Atsaka ano daw? Idedate siya ni Maddox?
Agad agad??"J-Jenny wag mo namang mamasamain ah pe-pero kasi parang ang bilis namang magyaya ni Maddox ng date. Unang pag-uusap niyo pa lang diba?"kunot noo niya akong nilingon.
"Oh come on mah fren, don't be such a killjoy. Atsaka kanina ko pang napapansin na parang kinukwestyon mo na ako kay Maddox."sabi pa nito. Sino nga bang hindi mangunguwestiyon?
It's odd.
"Diba sabi ko wag mong mamasamain? Atsaka nagtataka lang talaga ako eh, ang bilis naman kasi."padabog itong naglakad.
"Ganun ka ba hindi katiwala sa power charm ko? Masyado akong maganda para tanggihan mah fren. Besides, magiging killjoy ka lang naman talaga unless, may gusto ka din kay Maddox."halos mapaubo ako sa sinabi niyang iyon.
"Mas okay pang magkaroon ng crush kay Enchong Dee kesa diyan. Atsaka sa'yo na yun, no need. Salamat na lang."sagot ko pa. Ako? Kay Maddox? Pwe!
"I'm just clarifying some things, minsan kasi may mga bagay na hindi naman talaga sigurado pero may motibo."nangunot ang noo ko.
Uwian na at may balak lang naman akong ihatid si Jenny pauwi sa kanila. Busy daw kasi si Kuya Tyron.
"J-Jenny sinasabi mo bang balak kong ahasin si Maddox?"hindi na ako nakapagpigil.
"N-No, besides alam kong wala kang gusto sa kanya right?"hindi na lang ako sumagot.
Ayokong mag-aaway kami ni Jenny ngayong kakapasok niya lang ulit. Pinakaunang iniiwasan ko kasi ay gulo kaya't kailangan kong mag-ingat.
"Oh siya, dito ka na. Mag-ingat kayo lagi."paalam ko.
"Salamat ng marami mah fren! Sorry ulit!"sigaw pa niya, tumango lang ako at napabuntong hininga. Mahabang araw 'to para sa akin.
Muli akong napaisip, alam na ng GAME na buhay ako. Na buhay nga ako, pero kapag nalaman ni Tatay baka siya ang pumatay sa akin. Kinapa ko ang telepono ko at sinagot ang tawag ni Kuya.
"Oh?"sagot ko.
"Umuwi ka na dito ngayon Royalty! N-Nalaman ni Tatay ang balita, balak niyang sirain si Baby Veyron ko huhuhu."halos mapamura ako at mapatakbo sa sinabing iyon ni Kuya.
Sh*t naman oh!Nang makarating ako ng bahay ay rinig na rinig ko ang malalakas na pagbagsak ng mga gamit sa loob. Nagwawala si Tatay.
"Sinabi ko na sa inyong mag-iingat kayo!"halos umugong ang boses ni Tatay ng buksan ko ang pinto.
"Royalty!"tawag ni Kuya at lumapit sa akin. Dali dali akong naglakad papunta sa sala.
"Isa ka pang babae ka! Ang gabi mo nang umuuwi! Ikaw ang dahilan kung bakit nahanap tayo ng mga kalaban! Kung ginagamit mo yang utak mo sa maayos na paraan ay hindi nila tayo mababalitaan! Mga lin*ek! Pu*yeta!"halos kapusin ako ng hininga.
"Ta-Tay magpapaliwanag ako"sabi ko. Pero sa halip na makinig siya ay mabilis niyang hinawakan ang lamesa at inihagis iyon sa pader dahilan para masira ang dingding.
"Magpapaliwanag?! Kung kailan nahanap at nabisto na tayo?! Hinahanap tayo ngayon ng Hawk Army! At hindi sila titigil hangga't hindi tayo napapatay lahat!"napapikit ako.
Bisto na wala na. Pero paano na ang booksigning ko?!
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...