Royalty's POV.
"A-Ano?! Eh paano mo nagawang i-drive yang kotse na yan?! Buti hindi nagasgasan!"napairap ako sa sinabing iyon ni Marcos.
Bakit ba ipinapamukha nila na parang wala na akong pag-asang matutong magdrive?
"Hindi ko alam kung paano ko naipunta yan dito, basta ang alam ko pupunta ako sa'yo at dito ko muna siya ihahabilin habang hindi pa kalmado si Tatay."sagot ko.
"You're insane baka naman itinulak mo papunta dito?"sabi pa niya.
"Ewan ko, bahala ka. Basta ang mahalaga wag mong gagasgasan yan. Bantayan mo, kung maaari wag mong padapuan sa langaw."sagot ko at itinago ang susi sa aking bulsa.
Babalik ako sa bahay...
"Buti naman at bumalik ka pa! Nasaan na ang kotse?!"anas ni Tatay.
"Tatay, pwede bang kumalma kayo? Sa dinami dami ng taong pwede kong kaayawang maghesterikal ay kayo pa. Atsaka hindi ito ang tamang oras para magalit, ako ang may kasalanan at inaamin ko yun. Pero hindi niyo naman ako masisisi na malalaman nilang buhay pa si Royal. At ako yun."sagot ko.
"At sa tingin mo makakaya mo ang mga yun? Papatayin pa rin nila tayo at hindi sila tatahimik hangga't hindi nila hawak ang mga leeg natin."si Tatay.
"Alam ko, kaya't nag-iingat na ako. Lalo na't padating na sila dito."sagot ko.
"Alam mo pero hindi ka nakikinig sa akin. Tinanong ko si Clarity dito at nalaman kong gumawa ka ng gulo sa eskinita malapit diyan sa atin."napapikit ako.
"Dahil sila yung mga lalaking bumugbog kay Jenny! Kaibigan ko siya Tay at karapatan kong mag-alala para sa kanya!"singhal ko.
"Ang tanong kaibigan ba talaga ang turing niya sayo?! Sa tingin mo KAIBIGAN KA BA TALAGA NIYA?! That's why i don't want the two of you go to school, dahil yan! Dahil sa mga bagay na iniiwasan natin!"
"Bakit ba iniiwasan niyo ang mga bagay na talagang lumalapit sa atin?! Tinatalikuran niyo na ba ang dugong meron tayo?! Tatay kung alam ko lang na ganyan ang plano niyo, sana hindi ako sumama at sumang-ayon sa inyo. Duwag kasi kayo, yun ang aminin niyo!"anas ko.
"Royalty!"nilingon ko si Nanay. Napangisi ako at nilingon silang dalawa.
"Kung kamatayan ang naghihintay, salubungin na natin. Hindi sagot ang pagtatago sa kamatayang naghahabol sa atin."sagot ko.
"At sa tingin mo masusulusyunan mo ang problema na meron ta--"
"Eh ano nga ba ang problema Nay?! Yun ang tanong ko! Ano ang problema?! Anong dahilan at nagtatago tayo kay Kamatayan?! Mahahanap at mahahanap din tayo dahil yun ang nakadestino sa atin."
"Edi kung gusto mong mamatay, ipain mo ang sarili mo! Gawin mong pain ang sarili mo! Ang tigas kasi ng ulo mo! Gusto tayong pabalikin ng Tatay mo sa empire ng buo, pero hindi tayo makakuha ng contact sa kanila dahil kailangang tayo mismo ang lumapit sa kanila."payak akong napatawa.
"Anong silbi ng pagbalik natin kung wala pa tayo sa gitna ay patay na tayo. Wala ding kwenta ang pagtatago natin, nice hide Tatay."lumamig na ang boses ko. Heto ako, ang totoong Royal.
At siguro nga kailangan kong maging matapang para sa emperyong umaasang babalik kami ng buo.
"Tawagan niyo na sina Butler George, we have a lot of business. And we need to deal with it, ONE BY ONE."napangisi ako ng ihinagis sa akin ni Dad ang paborito kong baril.
"Zerad, welcome back baby"nakangising sabi ko at hinalikan ang baril na kinalakihan ko.
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...
![Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/222615914-64-k519804.jpg)