Maddox's POV
It's been three days and until now, i'm still holding this freaking slipper. I don't know what to say, ang lakas lang talaga ng loob ng babaeng yun na gawin akong tumbang preso sabay takbo sa kotse niya.
Unbelievable.
"Mad, nakita ko ang litratong yan. Yan ang gang na bumugbog sa isang inosenteng babae ng Everest University, at ang gang na yan ang kailangan nating ikulong sa Dark Jail hindi ba?"nanatiling hawak ko ang litrato pero agad ko iyong inilapag sa aking mesa.
"Oras na makita ko sila ay hindi na sa kulungan ang bagsak nila... kay Kamatayan na."sagot ko at itinabi ang tsinelas na hawak ko.
"Mad, sa daming tsinelas na nakatambak sa sapatusan niyo ay yan pa ang napagdiskitahan mong hawakan? Pfftt tsinelas ba yan ni Cinderella?"malakas ko siyang binatukan.
"Sapatos ang kay Cinderella, at tsinelas naman para sa aking gagantihan. Ang lakas umasinta ng babaeng yun, fu*k!"
Royalty's POV
Aiden Wallis
Rosalie Gomes
Shella Mendo
Flora SantosNanatili akong nakatingin sa aking daan patungo sa kantina. Nagagalit ako, yun ang totoo. Inis kong hinawakan ang strap ng aking bag at nanatiling blangko ang mukha.
Hindi ko na hahayaan na may gumawa ulit ng ganitong bagay na damay pati si Jenny. Magkamatayan na kung magkamatayan.
"Yeah, i heard that! Hahahhaha!---Ouch!"mabilis kong hinigit ang buhok ng babaeng si Aiden Wallis.
"At sino ka para sabunutan ako?! Do you know me?! Huh?!"pero sa halip na sagutin ay kaliwa't kanan ko siyang sinampal. Nagtipon ang lahat at pinalibutan kami.
"How dare you!"sagot naman ni Shella pero mabilis kong nasalo ang kamay niya.
"Ang kakapal ng mga mukha niyong magtanong sa akin ng ganyan eh kayo tong dapat na tinatanong ko! Kayo ang may dahilan kung bakit nasa ospital ngayon si Jenny hindi ba?!"anas ko na ikinasinghap pa ng iba.
"Oh my God girl, ngayon mo lang nalaman? Nakadaan na ang tatlong araw pero ngayon mo lang nalaman na kami ang may dahilan kung bakit nasa ospital ngayon ang walang kwenta mong kaibigan?"mabilis kong hinagip ang kwelyo niya. Anong karapatan niya?!
"He-Hey! R-Royalty bitawan mo si Aiden!"nakangising ibinaling ko ang tingin ko kay Ikov na pumasok sa gulo NIYA mismo.
"Mabuti naman at nagpakita ka Ikov."malakas na suntok ang pinakawalan ko dahilan para dumugo ang labi niya. Kulang pa yan sa totoo lang at nanggagalaiti ako ngayon.
Sunod-sunod na suntok ang pinakawalan ko dahilan para dumugo at mabali ang pinakamamahal na ilong ng lalaking bumugbog mismo sa KAIBIGAN ko. Yes, tama kayo! Si Ikov Romualdez ang may pakana ng lahat!
"Ikaw talagang babae ka!"mabilis kong inilagak si Aiden sa sahig at binuhusan ito ng mainit na goto. Dahilan para mapasigaw ito sa init, maging ang mga nanonood.
Kulang na kulang pa rin.
Sunod naman ay si Rosalie na malakas na sampal ang natanggap sa akin maging ang dalawa pa nitong kasama. Hinding hindi pa rin napupuno ang satispaksiyon ko.
"R-Royalty"muli kong sinuntok si Ikov dahilan para mawalan na ito ng malay.
"Subukan niyong makisali sa gulo, ipapupulis ko din kayo."saad ko sa mga nakakita ng pangyayari, mabilis kong idinial ang number ni Kuya Tyron.
"Tawagin mo na ang mga pulis nandito na ang mga suspect."sagot ko. Mabilis kong pinunasan ng tissue ang kamay ko at pinabalik na sa kanilang upuan ang mga estudyante.
Natira ang limang halos mangatal ngatal na dahil sa ginawa ko, namumula ang kutis na inaalagaan ng Aiden na ito mukhang sobrang init yata ng goto kaya't sobrang namula ang balat niya.
Dumating ang mga pulis kasama si Kuya Tyron at si Tito Raul. Nagtaka ang mga pulis kung bakit nawalan ng malay at dumudugo ang ilong ni Ikov, maging ang kalagayan din ni Aiden ay pinagtakahan. Nangangatal na sumama ang lima sa pulis.
-
Nagkaroon ng malay si Ikov at dinala na sa presinto kasama ang apat na babae.
Nanatili akong nakatingin sa kanila habang kinakausap sila ng pulis.
"Ano ba ang kabuuan niyong plano dahilan para maging ganun ang kinahinatnan ng biktima?"tanong pa ng pulis. Napapatungong sumagot si Ikov.
"Si-Si Je-Jenny ang dahilan kung bakit ko nagawa ang lahat ng yun. La-Lagi niya akong pinagbabawalan na lumapit kay Royalty noong nalaman niya na nanliligaw at may gusto ako kay Royalty. Nung una ay ayos lang pero ng makailang beses na siya ay hindi na ako nakatiis at nagplano na ako. Kinausap ko ang apat na ito para kaibiganin si Jenny, pagkatapos nun isinama ko ang gang ko para kunyaring takutin silang mga babae at si Jenny ang mismong target namin. Bi-Binugbog namin siya a-at ngayon nagsisisi ak-ako sa ginawa k-ko."kumuyom ang kamao ko.
All this time, a-ako ang may kasalanan? Ako ang dahilan kung bakit nabugbog si Jenny?!
"At ikaw si Royalty?"tumango ako at masamang tiningnan si Ikov.
"Dahil sa panliligaw ang dahilan kung bakit binugbog mo ang kaibigan niya"paliwanag ng pulis.
"Walang hiya ka! Kalalaki mong tao! Ang bata bata mo pa, asal kriminal ka nang hay*p ka!"mabilis kong pinigilan si Kuya Tyron at pinigilan naman si Tito ng mga pulis.
"Pa-Patawad"takot na usal pa ni Ikov, galit na nilingon ko ang apat na sa ngayon ay nangangatal na rin sa takot.
"Mabubulok kayo sa kulungan sa loob ng anim na buwan. Enjoy your stay."malalim na sagot ko at iginaya si Kuya Tyron ng matapos ang pag-uusap.
Legal na ang pagkukulong mga menor de edad ngayon at hindi ako nagsisising ginawa ko yun gamit ang kapangyarihang meron ako.
"A-Ako pala ang d-dahilan kung bakit nabugbog ng ganu'n si Jenny. Napakababaw na dahilan, pero pinalalim pa nila!"halos nasabunutan ko na ang sarili ko.
Ako ang may dahilan!
Nasa kotse na kami ngayon pabalik ng ospital. At hindi pa rin ako makapaniwala. Jenny pasensiya nasorry.
Nang makaparada ay mabilis akong tumakbo papasok ng ospital at nagdiretso sa kwarto ni Jenny.
"Jenny! Patawarin mo ako J-Jenny. A-Ako ang may kasalanan ng lahat."lumuha ako.
Nang gabing iyon ay ipinaliwanag ko ang lahat, kung bakit ko nalaman. Ngunit isa lang ang hindi ko naipaliwanag, ang pagbugbog ko sa mukha ni Ikov.
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Actie[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...