Royalty's POV.
"Edi kung gano'n bumalik ka na dito at isama ang batang Quroiv!"napairap ako sa sinabing iyon ni Tatay.
"Hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko nahuhuli ang pinaka puno't dulo ng lahat ng gulong ito. Tay, mas magandang ligtas tayo kesa tumatakbo at nagtatago tayo. Ako ang tatapos ng gulong 'to."
"Iyan ang ayaw ko sa'yo Royalty! Gumagawa ng sarili mong desisyon na hindi mo iniisip kung anong pag-aalala ang namumutawi sa amin ng Nanay at kapatid mo! Bumalik ka na dito!"
"Tay, kung ito ang tanging solusyon para matigil ang kaaway natin. Gagamitin ko ang alas na meroon ako."kasabay nun ay ang pagputol ko ng tawag.
"You should go home, you're not safe here."napalingon ako sa katabi ko.
"At sa tingin mo ligtas ka din dito Elixir?"
"But still you need to go home, it's for your safety. Celeste i don't want you to be hurt, i don't want to lose you. Please"sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako.
"The feeling is mutual Elixir."
"Kahit pa, bakit ba binalikan mo pa ako?"kumunot ang noo ko.
"Ewan ko ba kung bakit sa pitong bilyong tao sa mundo ikaw ang pinakamahal at paborito ko."saad ko.
"Huwag mong ibahin ang usapan, bakit binalikan mo pa ako?"
"Ikaw yung tipo ng lalaki na nakitaan ko ng hindi pangkaraniwang ugali, na bukod sa manyak medyo may pagkamonggoloid din ang datingan."wika ko pa.
"Sagutin mo na lang ang tanong ko, tsk! Talagang nang-insulto ka pa ah! Tch!"siya.
"Pero kahit ganyan kang kayabang nakuha mo pa rin ang pagmamahal na isang barilan lang ang tama sa'yo, yung tipong tagos talaga sa buto at liliko papunta sa puso moitong pagmamahal ko. I love you."
"I love you too--! Heh! Sagutin mo nga muna ang tanong ko!"
"Diba sinabi mong babalikan kita? Kaya heto ako wala pang isang Linggo bumalik sa'yo. Bakit ayaw mo ba aalis na ako--"sa sandaling iyon ay muli kong naramdaman ang labi niya sa mismong labi ko.
Parang may kung anong paru-paro ang nagsisiliparan sa sikmura ko na nagbibigay ng elektrisidad sa puso ko dahilan para tumibok ito ng tumibok ng mabilisan. Naramdaman ko ang biglang paghapit niya sa bewang ko at idinikit pa mas lalo sa katawan niya.
"Oo pare, ang galing nga ni Kyrie Irving dun eh! Tamang three p--F*CK?!!!!"mabilis akong napalayo kay Maddox nang marinig ang sigaw na iyon ni Marcos.
"Bakit ba hindi pa tayo pumasok kanina para nakita natin yung mismong scene?!"si Calliber.
"Tsk! KAHIT KAILAN TALAGA ANG EPAL NIYO! ANO BANG GINAGAWA NIYO DITO SA BAHAY KO AH?! BA'T KASAMA NIYO YANG UNGGOY DITO?! ALAM NIYO NAMANG NO PETS ALLOWED DIBA?!"napangisi ako ng makita si Marcos.
"Parang dati wala naman sayo ang pumasok kami dito ah? Ikaw Mad ipinagpapalit mo na agad kami? Atsaka hoy! Tropa na namin itong si Marcos ah, wag mo siyang maunggoy unggoy."si Caleb.
"Nagkiss kayo?! Umamin nga kayo! KAYO NA BA?!"natahimik kami.
"Hindi pa."sagot ko.
"Ayown, kagaleng! Hindi pa nga kayo magjowa may halik halik na agad?! Damn"si Marcos.
--
Gabi na at nakauwi na ang tatlong itlog, at ako heto kasama ang lalaking mahal ko. Sa totoo lang ang sarap sa pakiramdam na masabi ko yun sa buong buhay ko. Napakabilis ng panahon at parang dati eh magkaaway pa kami pffft
"I want to ask you something."napatigil ako sa paggagalaw ng buhok niya, nakahiga kasi siya sa hita ko.
"Ano naman yun?"tanong ko.
"About that book, what do you mean by the ending? Yung pinakahuli"natahimik ako at inisip yung pangyayaring yun.
"Sa pagkakataong isinulat ko ang huling kabanata, yun din ang araw kung kailan ko nalinawan na MAHAL KITA. That time gusto kong umamin sa'yo pero nang dahil kay Athena parang nawalan ako ng ganang umamin." sagot ko.
"Tungkol saan ba talaga ang storyang yun."napangiti ako at humingang malalim bago isalaysay ang lahat.
"Tungkol yun sa isang babaeng isinakripisyo ang lahat para lang mabuhay ang lalaking mahal niya, nalaman niyang may sakit ang lalaki kung kaya't sumugal siya sa labang alam niyang kakapusin siya. Pero lumaban siya at nagpakatatag para makapiling ang lalaki. Gumaling ang lalaki pero hindi rin nagtagal at nambabae siya, nawalan siya ng gana at nakipaghiwalay sa babae pero sa huli natunton ng lalaki na mahal niya talaga ang babae dun siya nagkaroon ng pinalidad sa desisyon pero huli na ang lalaki at nalaman niyang nakaalis na ang babae sa bansa kasama ang isang lalaking ini-issue dito. Pero dumaan ang apat na taon muli niyang nakita ang babae, umasa siyang sana ay hindi ito nagkanobyo bukod sa kanya pero nagdadalawang isip pa ito. Sa huli sila din naman ang nagkatuluyan dahil mahal pa rin naman nilang dalawa ang isa't isa."napatigil ako ng marinig ang paghilik ng lalaking ito. Mahina akong napatawa at hinalikan siya sa noo.
"I love you"kung ito ang tanging paraan para sumaya ka sa piling ko gagawin ko, basta huwag ka lang hihiwalay sa akin at ako ang bahalang pumrotekta sayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/222615914-288-k471148.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Akcja[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...