Royalty's POV
Alas singko pa lang ng umaga ay nandito na ako sa tapat ng bahay nina Jenny, gusto ko siyang kausapin at gusto kong magsorry. Nakita ko ang paglabas niya sa main door, nakasuot pa siya ng pajama at kakagising lang yata.
"Anong ginagawa mo dito? Diba sinabi ko na sa'yo na layuan mo ako at wag mo na akong kakausapin?"taas kilay na tanong niya.
"G-Gusto ko lang sanang humingi ng tawad at makipag ayos sa'yo Jenny. Atsaka, aabsent ako ngayon dahil gusto kitang isama sa unang book signing ko, diba sinabi mo sa akin na gusto mong sumama pagdating ng araw na yun?"pilit ngiting sabi ko pa.
"Eh ano naman ngayon? Alam mo ROYALTY dati pa naman yun eh atsaka wala na akong pakialam kung sumikat ka dahil sa mga isinulat mong libro. Hindi din ako makikipag ayos kung iyan ang ipinunta mo dito. Sorry not sorry."nanlumo ako sa sinabing iyon ni Jenny.
"A-Akala ko ikaw ang unang taong makakasama ko papuntang book signing ko? Nangako ka Jenny, at hanggang ngayon pinanghahawakan ko yun."naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko.
"Edi isama mo si Marcos duh! Please stay away from our house, wag na wag ka nang bibisita ulit dito. I don't want to see your face again, you b*tch."napasinghap ako pero agad na nakabawi.
"Ngayon, malinaw na sa akin ang lahat na totoo ngang plastikan ang mga pinagsamahan natin. Huwag kang mag alala hindi na kita gagambalain pa, sino ba naman ako? Kaibigan mo lang naman diba? And please lang, sa susunod na sabihan mo ako ng salitang b*tch itanong mo muna sa sarili mo kung bagay ba yun sa akin o sa'yo. Fake friend."matapang na saad ko at nilisan ang lugar na yun.
Kinuha ko ang telepono ko at idinial ang numero ni Marcos. Mas mabuti pa 'tong mokong na 'to kahit abnormal mapagkakatiwalaan.
"Hello?! Himala ah! Tinawagan mo ako?! Kumust---"
"Tara umabsent, samahan mo ako sa book signing ko."anyaya ko sa kanya.
"Ikaw na uy! Mapapagalitan ako ni Father, saan ba yan sama ako!"napatawa na lang ako.
"Libre ko pamasahe mo, sa Davao tayo pupunta."narinig ko ang sigaw niya.
"AaaaaAAh! Makikita ko na si Dutertords! Tara na! Nasaan ka ba?"muli akong napatawa.
"Dito sa tapat ng Alfamart. Bilisan mo."sabi ko.
"Sus! Siyempre mabilis lang katapat lang ako ng Alfamart nakikita na nga kita eh BWAHAHAHAHA!"nawala ang ngiti ko at itinaas ang aking gitnang daliri nang makita ko siya.
"G*go ka talaga."sabi ko pa at pinatay ang tawag. Nang
makatawid siya at inakbayan niya pa ako."Anong ginagawa mo dun?"turo ko pa sa tapat ng Alfamart. Sino ba namang hindi magtataka eh galing naman siya sa isang wig boutique!
"Binisita ko lang yung bakla kong kaibigan."sabi pa niya. Tinanggal niya ang pagkakaakbay sa akin at nilingon pa ako.
"Bakit parang lumamlam ang mata mo? Umiyak ka ba?"umiling ako.
"Magkwento ka habang nasa biyahe pakikinggan ko ang kwento mo."napanguso na lang ako.
--
"You mean nag-away talaga kayo?! That's crazy! Sinasabi ko na nga ba, kutob ko na eh nung una pa lang! Grabe talaga yang Jenny na yan!"siniko ko siya at pinatahimik.
"Hindi ko inakalang nagawa niya akong sampalin."natatawang saad ko pa.
"Dapat sinampal mo din, ang b*bo mo naman!"masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya.
"Woi, napapansin ko yang bunganga mo ah, walang preno."saad ko.
"Atleast ako nagsasabi ng totoo at hindi isini-secret, kesa sa iba diyan na plastikan lang pala ang samahan. Ngayon, kung totoo mo akong kaibigan mamili ka. Ako? O si Jenny?"napaungos ako.
"Kung tunay nga kitang kaibigan, bakit pinapapili mo ako?"sagot ko. Natahimik siya.
"A-Ang hilig mong mambara! Hmp, pasalamat ka malakas ka sa akin!"sabi pa niya na ikinatawa ko na lang.
Mahigit limang oras din kaming bumiyahe at nakadating na din agad sa venue. Sinuot ko ang face mask ko at nag cap.
Mabilis akong naglakad papasok sa likod ng venue, napakadaming tao. Kalimitan sa kanila ay babae! Jusko!
Nang makapasok ako sa likod ay tinanggal ko ang mask ko at cap, nang matanggal ko ang mga iyon ay kita ko ang tingin ng mga tao sa akin."Uhmm excuse me? Miss beautiful, sa kabila ang entrance."mahina akong napatawa at ipinakita ang bukas kong wattpad app.
Malakas na sigawan ang narinig ko dahilan para magsigawan din ang mga tao sa mismong harapan ng stage. Nasa back stage kami.
"Oh my god! Papicture ateeee!"halos lahat ay pinagkaguluhan ako, pero hinarangan agad sila ni Marcos.
"Shesh! Pumila kayo, hindi pwedeng magpapicture ng hindi naka arrange!"malakas na sabi ni Marcos.
'Ang pogi ng fafa!'
'Ang kyut!'
'Boyfriend kaya yan ni Ate?!'Natapos ang mahabang picture taking tsaka naman ako nagdiretso sa mga hinahangaan kong manunulat. Halos manlambot ang tuhod ko dahil sa lalaking kaharap ko ngayon, naka-mask siyang itim at titig na titig sa akin.
"RoyalPen right?"tahimik akong napatango. Sumingkit ang mata niya dahil siguro sa pagngiti niya. Humingi siya ng ilang litrato namin at muling nagpasalamat.
"Ang ganda ng mga stories mo, nakaka-excite bawat chapters. Excellent works."napangiti ako.
At last, napansin ako ng iniidolo kong manunulat.
Nagsimula ang program at tinawag na kami isa isa.
"At ang pinakahihintay nating lahat! Ang first time na nakadalo sa book signing niya! RoyalPeeeeeeen!"umuugong ang buong venue sa lakas ng sigawan kasabay nun ang paglabas ko sa stage.
'AaaaAaahh!'
'Ateeeee! Ang ganda mo Ate Pen!'
'Waaaaaah!'
'Oh my God! My favorite author!'Nagkikislapang flash ang sumalubong sa akin. Nakangiting kumaway ako bago umupo sa gitna.
"You're famous."rinig kong sabi ng katabi ko. Napailing ako at napatawa na lang.
Well, here we go!
![](https://img.wattpad.com/cover/222615914-288-k471148.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...