Royalty's POV.
Mahigit dalawang araw ko nang hindi kinakausap at hindi pinapansin si Maddox. Ewan ko, nabubwiset lang ako kapag nakikita ko ang mukha niya habang kasama si Athena. And may i remind you lang ha, HINDI AKO NAGSESELOS.
Hindi ko siya pagseselosan dahil wala naman akong posisyon sa buhay niya.
"Talagang iniiwasan mo si Maddox noh? Alam mo minsan naiisip ko tama nga ang kutob ko. Nagseselos ka."nanatili akong tahimik at walang ganang nakatingin lang kay Marcos.
"Marcos kahit pa sabihin mong tama ang kutob mo, wala akong pake at isa hindi ako magseselos dahil hindi naman niya ako girlfriend."sagot ko.
"Sus! Hindi lang naman kasi girlfriend ang nagseselos."
"Edi ikaw yubg nagseselos?"agap ko.
"Hindi noh, yak! Umayos ka naman kahit minsan Royalty, i mean hindi lang naman girlfriend ang nagseselos, yung iba nga crush nila pinagseselosan pa nila."natahimik ako.
Crush?? Pftt elementary beliefs!
"So you mean, crush ko si Maddox? Funny."sagot ko.
Hindi siya sumagot at napailing na lang, mariin akong napapikit at bigla na lang uulit naalala ang sinabi ni Ate Felicity. Sinong sila ang tinutukoy niya??
Si Ate Felicity ang pinakamatanda sa amin ni Kuya ang nagbigay ng pangalan naming iyon ay ang lola namin sa tuhod. Hindi ko nga alam na pwede pala ang ganitong pangalan. Si Ate Felicity ang dapat na namamahala sa posisyon na meron ako ngayon, pero ng dahil sa aksidente nawala ang lahat ng pinapangarap niyang ranggo.
(FLASHBACK)
Nandito kami ngayon sa bahay at dahil balak naming magkaroon ng family bonding ay naisipan naming umalis at kumain sa labas na mag-anak.
"Okay champs! Alert! Who wants some ice cream?"nagningning ang mata naming tatlo sa tanong na iyon ni Tatay.
"Me!"mabilis na sigaw ko kasabay sina Ate at Kuya.
"Well then, go inside the car and we will buy ice cream after we eat!"nakangiting sabi pa ni Tatay at mabilis kaming nag-unahan sa kotse.
Inaayos ko ang seatbelt ko pero hindi ko talaga kayang ayusin, ano ba naman yan hmp!
"Pfftt ako na nga ang mag-aayos niyan para sa'yo."natatawang sabi pa ni Ate. Napanguso ako at itinutok ang paningin sa unahan.
"Thank you ate."nakangiting pagpapasalamat ko nang maikabit niya ang seatbelt ko.
Sa kalagitnaan ng biyahe ay nagpatugtog si Tatay ng paborito naming kanta kung kaya't napasabay kami.
"Lalalala ~ Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay malay~ na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay~ LALALALALALALALALALA!!"malakas na kanta pa naming lahat.
Napatigil na lang kami ng bumubilis ang takbo ng sasakyan at pinatay ni Tatay ang radyo, nangunot ang noo namin pero muli kaming natahimik at nagsisimula nang tumaas baba ang dibdib ko.
"Hon, wag mong masyadong bilisan ang kotse."rinig ko pang sabi ni Nanay.
"Kanina ko pang napapansin ang kotseng ito na sumusunod sa atin hon, mukhang kalaban."doon kaming tatlo naalerto, agad akong lumingon sa likuran namin at doon nakita ang isang kotse na hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob dahil sa tingkad ng ilaw nito sa unahan.
"Get down!"kasabay nun ay ang pagpapatama ng baril ng mga taong nakaarmado sa loob ng kotse. Napakabilis ng takbo ng kotse at aakalain mong may karerang nagaganap. Napasigaw na sina Ate at Kuya dahil sa nabasag ang windshield sa likuran namin.
"Shit!"namalayan ko na lang ang pagbagal ng oras, doon ko naramdaman ang paghampas ng kotse sa iba't ibang bagay sa paligid namin. Hanggang sa napatigil kami sa dulo ng isang matarik na lupa diretso sa isang malalim na bangin.
"Mga anak! Dahan-dahan niyong tanggalin ang seatbelt niyo"rinig kong sambit ni Nanay na nasa labas na ng kotse.
Kami ang nasa bingit ng kamatayan, marahan ang mga galaw kong tinanggal ang aking seatbelt habang si Ate ay hindi matanggal ang kanya.
"A-Ate ako na ang magtatangg--Aaah!"napasigaw ako ng dumadausdos na pababa ang kotse. Nakita kong nakalabas na si Kuya at kami na lang dalawa ang natira.
"Bilisan niyo mga anak"sabi pa ni Nanay. Pilit kong tinatanggal ang pagkakaseat belt ni Ate pero ganun na lang ang gulat ko ng magsimula siyang umiyak.
"N-No, i c-can't make it. Umalis ka na sa kotse Royal, iwanan mo na ako dito."umiling ako sa sinabing iyon ni Ate.
"No! I can't leave you here!"nagsimula na ring tumulo ang luha ko.
"Mga anak, tumaas na kayo!"sigaw ni Tatay.
"I'm stuck Nay! Kuhanin niyo na si Royal!"sigaw pa ni Ate muling dumadausdos ang kotse.
"No Felicity! Tanggalin mo ang seatbelt na yan!"rinig kong sabi ni Nanay.
"A-Ate"tanging nasambit ko.
Naramdaman ko ang paghila ni Tatay sa akin paitaas kasabay nun ay ang pagkahulog ng kotse namin kasama si Ate Felicity.
"ATEEEEEEE!"malakas na sigaw ko.
(END OF FLASHBACK)
Napasinghap ako sa bangungot na iyon, nilingon ko si Marcos pero nagulat ako ng si Maddox na ang nasa tabihan ko.
"Are you okay?"muli kong naalala ang nakita ko kahapon.
"Yeah."sagot ko at lumingon sa unahan.
"I'm sorry."
"For what?"tanong ko habang nakatingin pa sa unahan.
"Because i make you feel jealous."
"I'm not your girlfriend Maddox, and i have no rights to be jealous."sagot ko.
"Pero sorry pa rin, dahil hindi kita nakausap this past few days."
"Hindi ko alam kung bakit kailangan mong mag-sorry sa mga bagay na alam mo naman dapat ang dahilan. Pwede bang ngayon lang ay wag mo akong kausapin?"sagot ko.
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...
![Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/222615914-64-k519804.jpg)